2 HOURS IN RELATIONSHIP

44 3 0
                                    

2 HOURS IN RELATIONSHIP

"Kuya pabili nga po ng energy drink." Sabi ko dun sa tindero ng isang stall dito sa tabi ng Gym kung saan ako nagpa practice ng Muay Thai.

Well.. I'm a fighter.

Bata palang kase ako ayun na yung sport na kinahiligan ko.

Nakaramdam kase ako ng uhaw kanina kaya habang nasa kalagitnaan ako ng practice ay tinigil ko muna para bumili dito ng maiinom.

"Toy ito na oh." Ngitian ko lang si kuya saka aabutin na sana sakaniya yung drink na binili ko, pero naiwang naka hang sa ere ang kamay ko ng biglang may sumulpot na kamay sa likod ko at siya ang kumuha nun kay Manong.

Inis kong binalingan ang taong gumawa nun.

Tss. Kanina pa kaya ako nauuhaw!

Kaso nalunok ko ata yung dila ko ng paglingon ko sa likod ay makita kong babae pala gumawa nun.

At hindi lang babae.. magandang babae!

Nice. Sino kaya to? New face dito eh.

Pero kahit ganun, hindi naman ako papayag na agawan nalang ako basta ng inumin diba?

Wala ng libre sa panahon ngayon! Tsk.

"Hoy!" Sigaw ko sakaniya sabay duro pa.

Tinaasan niya lang ako ng kilay matapos uminom dun sa energy drink na kinuha niya sakin.

Aba! Iba din tong isang to.

"Bakit? Problema mo?" Biglang tanong niya ng makaharap na siya ng ayos sakin.

"Bat mo kinuha yan? Sakin yan eh. Pwede ka namang bumili ng sayo diba." Inis ko namang sabi. Tinuro ko pa yung energy drink kong hawak niya.

Hindi siya sumagot at tinignan niya lang ako mula ulo hangang paa.

Dahil sa ikinilos niya, ganun din ginawa ko sakaniya. Tiningnan ko rin siya mula ulo hanggang paa at pabalik ulit sa mala anghel niyang mukha.

Matangkad siyang babae, king tutuusin mapapantayan na niya ako. Tss.

Napansin ko rin yung suot niya.

Wow. Taekwondo player.

Natinag nalang ako sa pag mamasid sa kanya ng buksan niya ulit yung energy drink at straight na ininom sa harap ko pa mismo.

Nanlalaki pa yung mata ko ng mahina siyang napadighay.

Grabe.

Lakas ng trip ng babaeng to! Inubos ba naman yung drink? Ok pa sana kung makiki inom lang siya pero.. ubos!

"What the hell? Hoy babae, bat mo inubos yun! Wala nakong pera pambili ulit!" Sigaw ko sakaniya.

"Ops, sorry. Uhaw nako eh." Nakangisi niyang sabi pero wala namang emosyon yung boses niya.

Masama ko siyang tiningnan saka nilapitan pa.

"Miss alam mo bang- hoy? Teka lang miss! Bayaran mo yang inumin ko! Hays!" Napapatdyak nalang ako sa inis ng hindi ko na siya matanaw sa pinto ng gym.

Bigla nalang kase niya akong tinalikuran at tumakbo.

Babae ba talaga yun? Bastos ng kumag na yun ah.

Patay ka sakin kapag nakita kita sa labas.

Maglalakad na sana ako palabas ng gym para sana silipin kung saan ba nagsuot yung babaeng yun. Pero tinawag naman ako ni Jayson. Isa sa mga kaibigan ko dito.

"Raze! Pinapatawag ka na ni coach! " Sigaw niya.

Hays! Badtrip naman oh!

Uhaw nako!

ONE-SHOT STORIES (COMPILATION)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang