PAGLUMINGON KA, AKIN KA

65 7 0
                                    

PAGLUMINGON KA, AKIN KA

"Paglumingon ka, akin ka."

Bulong ko habang naka titig sa lalaking crush na crush ko.

Nasa pinaka unahang upuan siya habang ako nasa likuran.

Kabado ako, lilingon kaya siya? Mag bibilang ako ng hanggang sampu. Pag hindi siya lumingon sakin, wala talaga kong pag asa.

Hays. Sana lumingon ka.

Isa.

Lumingon ka na...

Dalawa.

Please...

Tatlo.

Gustong gusto talaga kita eh...

Apat.

Pero di mo naman ako napapansin.

Lima.

Pleaseeee... Lumingon kana.

Anim.

Hindi ko alam kung bakit naduduwag akong umamin sayo. Kaya hanggang ganito lang ako.

Pito.

Palihim.

Walo.

Please, kapag lumingon ka..  Aamin na talaga ko sayo.

Siyam.

Lumingon kana... Lumingon kana sakin JK.

Samp-

"Hooooy! Anong bang nangyayari sayo Juri? Kanina ka pa tinatawag ni ma'am! Ano ba?"

Napatalon ako sa gulat ng binato ako ng notebook ni Liza. Nasa kabilang row siya naka upo pero mag katapat lang kami.

"H-ha?"

Punyeta naman tong babaeng to. Istorbo. Saka ano daw? Tinatawag ako nino?

"Ms. Jorrisa Villaruel. You are here but your mind is absent. If you don't want to listen to my class the door is open to you, so you can go out."

Nahihiyang tumingin ako kay ma'am. Shetness naman eh. Nakakahiya!

"S-sorry po ma'am."

Tiningnan lang muli ako ni ma'am saka nagpatuloy sa pag di-discuss.

"Oy."

Lumingon ako kay Liza.

"Ano bang nagyayari sayo? Nakatunganga ka kay JK? Ano nahihibang kana ba?" Bulong niya.

"Tss." Inirapan ko siya saka muling tumunganga. Pero sa pagkakataong to kay ma'am na. Ayoko na uling mapahiya no!

Habang nakikinig. Sumagi sa isip ko yung ginawa ko kanina.

Wait...

Hindi ko nakita kung lumingon siya sakin!

Nakakainis. Back to zero na naman ako.

- - -

"Care to explain kung ano iniisip mo kanina? Pinag papantasiyahan mo na naman si JK no? Naku Juri... Simula ng nag transfer yan sa section natin nabaliw kana." Sabi sakin ni Liza habang kumakain ng lunch niya.

"Sinong JK?" Tanong ni Dale na katabi niya.

Tong dalawang to. Naging mag-on lang pinagkaisahan nako! Edi kayo na may lovelife. Naniniwala naman akong walang forever. Tss.

"Si John Kenneth Fagutao? Yung dapat nasa section niyo babe, sa section A, Kaso late na siyang nagtransfer eh, kaya sa section namin siya napunta. Tas itong si Juri patay na patay dun."

ONE-SHOT STORIES (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon