Chapter 4

24 21 3
                                    

Alexa's POV!

Sobrang nagagalit ako kay Kyrie kanina. Totoong hindi ko napigilan ang galit ko sa kanya, kaya ganun na lang ang iyak niya. Dahil kahit isang beses man lang hindi niya pa ako nakitang nagalit sa kaniya. Naiyak rin naman ako, pero hindi sa pagka-awa sa kanya kundi sa inis at galit ko. Pero ngayon napagtanto kong bakit parang may mali?

Ako, naniniwala akong 'pag sinabi ni Kyrie na hindi niya gusto o intensyon na sabihin iyon, ay hindi n'ya talaga sasabihin iyon. Kilala ko rin iyan eh. Kapag alam niyang siya ang mali hinding-hindi na 'yan magso-sorry. Dahil para sa kaniya, hindi na dapat sinasabi ang lahat ng nasa isipan. Kung ano ang dapat at gusto mong gawin, gawin mo. Iyan ang palatuntunan niya sa bawat pagkakataon.

At lalong hindi na siya gagawa ng kung ano-ano, na darating pa sa puntong magmukha siyang tanga kung alam niyang sinadya niya iyon.

Kaya maaaring hindi nga talaga niya alam iyon. O 'di kaya'y hindi niya lang iyon namalayan, o ano ba? Kahit pa naguguluhan sa mga nangyayari ngayon ay bumalik ako sa tulay kung saan kami nagkasagutan ni Kyrie.

Wala na s'ya doon pero alam kong hindi pa siya nakakalayo. Pero nagkamali ako, hindi ko na siya nakita. Ang bilis naman maglakad ng isang iyon, grabe. Dahil sa guilt at pagkalito pinipilit kong puntahan si Kyrie sa bahay nila. Di bale na kailangang maayos ko ang gulong ito sa araw lang ding ito.

Nakarating na ako sa bakuran nila. Nagtago lang ako sa may puno ng mangga. Sinilip ko kung may tao ba sa labas, sakto namang may tumakbo papalapit sa kinaroroonan ko. Hindi ako nagpakita pero no'ng mapagtanto kong si Kyrie pala 'yon, saka na ako umalis sa pinagtataguan ko at sinundan siya.

Ano kayang nangyari sa kaniya?Bakit s'ya tumakbo papalayo sa bahay nila? Mas lalo akong nagui-guilty sa pangyayari dahil baka pinagalitan siya na wala siyang benta ngayon. At baka sinabi n'ya rin 'yong tungkol sa hati. Pero alam kong hindi naman ganyang tao si Kyrie.

Makulimlim na at hindi ko na masyadong kita 'yong dinadaanan ko. Inilibot ko ang paningin ko para hanapin si Kyrie pero nawala na agad s'ya sa paningin ko. Grabe na talaga to, bakit ang bilis-bilis niyang kumilos? Huminto nalang ako sa pagtakbo dahil parang hindi ko naman siya mahahabol. Ang bilis nang tibok ng puso ko ngayon.

Naka-pamewang ako habang nakahawak sa noo ko. Hinahabol ko ang paghinga ko, sa pagod. Ilang minuto ang lumipas at medyo kumalma na ang paghinga ko. Pero bumalik rin agad dahil may narinig akong mahinang pag-iyak sa may likuran ko pero alam kong malayo-layo sa 'kin. Biglang tumindig ang balahibo ko sa naiisip ko. Matatakotin pa naman ako sa mga multo. Lalo pa akong natakot dahil wala nang mga bahay itong narating ko, at madilim na rin ang paligid.

Dahan-dahan akong lumingon. Niyapos ko ang sarili ko, para mabawas-bawasan ang takot na nararamdaman ko ngayon. Hinanap ko kung saan ba nanggaling 'yong iyak na 'yon. Dahan-dahan lang ang ginawa kong paghakbang habang nagpalingon-lingon. Napahinto ako sa may dalampasigan nang mapagtanto kong doon nanggaling ang naririnig kong iyak.

Palapit ako ng palapit, palakas rin ng palakas 'yong naririnig kong iyak. Pero do'n mas lalong tumindig ang balahibo ko nang biglang huminto sa pag-iyak 'yong kung sino man siya na umiiyak. Parang gusto ko na lang mag-zipline kaysa ganito.

Naiiyak na ako dahil sa takot pero parang may naghatak sa akin na papuntahin rito. Nagpalingon-lingon ako, wala namang tao. Gabayan mo nawa ako Panginoon.

Hanggang sa bigla nalang nawala ang lahat ng lakas ko at napa-upo bigla sa buhanginan. Nang may makita akong babae na lumutang sa dagat. At ang damit na suot niya ay katulad na katulad sa suot ni Kyrie kanina. Huwag naman sana.

Bagaman nanghihina ang buo kong katawan sa nakikita ko ngayon, ay pinilit ko pa ring gumapang para puntahan ang babaeng 'yon. Sa tingin ko ay hanggang bewang lang 'yong level ng dagat kapag lumusob ako doon. Bukod sa panghihina ay nanginginig ang mga kamay ko na patuloy na ipinanggapang patungo roon. Naiiyak ako na ewan, naghahalo na ang nararamdaman ko. Kaya iniyak ko na lang ang lahat.

Side by SideOù les histoires vivent. Découvrez maintenant