Chapter 14

27 23 0
                                    

Kyrie's Pov!

"Oh Kyrie anak kumain ka ng marami ha. Para lumakas ka at tsaka mamayang alas singko ng hapon ay puwede na tayong umuwi." masayang sabi ni mama sa akin.

Inabotan ako ni mama ng isang mangkok na paborito kong pansit. Nakangiti akong kinuha ito.

“Ah m-ma puwede bang—”

“Anak walang masamang mangyayari okay? Ang masama kung hindi ka uuwi ngayon. Kaya huwag ka nang mag-isip ng kung ano-ano diyan.” Lumingon si Kierbei sa akin na walang reaksyon na ipinakita.

“Ate Mariana hindi ba bad iyang masama?” inosenteng tanong ni Klyd kay Mariana.

Yumuko si Mariana at may ibinulong kay Klyd.

“Okay sorry po ate.” ginulo ni Mariana ang buhok ni Klyd. Tanda na tinanggap niya ang sorry nito.

Nag-smile ako sa kaniya at nag-thumbs up hand gestures. Ginaya niya rin ako at natawa kaming pareho.

Malapit na kaming makarating sa gate ng bahay namin. Habang palapit kami ng palapit ay mas lalo akong naguguluhan at kinakabahan.

Ngayon lang ito nangyari sa tanang buhay ko. Ang kabahan ng husto na tila ba mayroong masamang mangyayari.

“Andito na pala ang suwail at barumbado kong anak.” matigas na sabi ni papa.

Nagsisibak siya ngayon ng troso na alam kong galing na naman doon sa sakahan. Iyan kasi ang gagawin naming panggatong. Kaya alam kong galing na naman iyan doon.

Nagbi-bingihan na lang ako dahil kasabay ko pa naman si Mariana sa paglalakad.

“Hindi lang pala barumbado't suwail. Isa rin palang bingi ang isang 'to.” patuloy lang siya sa pagsisibak.

Tila ba ang titigas ng mga kahoy na sinibak niya dahil sa sobrang lakas ng pagka-sibak niya rito. Hindi siya nakatingin sa kung kanino pero alam kong ako ang tinutukoy niya.

Hindi ko parin pinansin ang mga sinasabi niya. Ngunit ramdam ko na ang panginginig sa kalamnan ko.

Bigla na lang humigpit ang pag-hawak ni Mariana sa braso ko. Nang bigla palang tumayo si papa at hinarangan ang pintuan na may nakakatakot na mukha. Kaya ganon na lamang ang takot ni Mariana sa kaniya.

“Tinatakot niyo po si Mariana, sa ginagawa niyong iyan.” kalmado kong sabi.

Hindi ko siya tinignan sa mata. Dahil tila kahit anong oras mangangain ng buhay ang mga mata niya.

“Kung hindi ka lang naging bastos hindi matatakot ng ganyan ang kapatid mo.” pigil galit niyang sabi.

“Ikaw pa rin ang gumawa ng paraan para takotin siya. Hindi ba Mariana?” yumuko siya para magpantay ang mukha nila ni Mariana.

“Arturo! Ano na naman iyang ginagawa mo? Lasing kana naman ba?” inilayo ni mama si Mariana kay papa.

Kita ko ang takot at pamumutla ni Mariana dahil sa mabilis na pangyayari. Si papa naman parang praning na tumatawa lang.

Nahuli kasi ng paglalakad sila mama at Klyd tsaka Kierbei kaya ngayon pa niya nagawang makita ang eksena.

“Palagi ka na lang talagang ganyan Arturo. Hindi kana nagbago at mas lalong lumala pa yata.”

“Kasi iyan lang ang mga napapansin mo patungkol sa akin. Tsaka isa pa wala kang karapatan na pagsabihan ako dahil ako ang batas dito.” sinampal ni mama si papa. At ngayon kitang-kita ko na ang mas lalong galit na mukha ni papa.

Susuntokin na sana ni papa si mama pero biglang may nagsalita sa likod namin.

“Sige subukan mo lang na saktan ang ina ko. Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan.” pagbabanta ni Keirbie.

Side by SideWhere stories live. Discover now