Chapter 36

1.2K 36 0
                                    

Kylie P.O.V

    Dali-dali namang bumitaw sa akin si Neil at kamot-batok na hinarap ang mga anak ko. Si Cynill at Cyrill.

    "Anong ginagawa mo sa mama ko?!", galit na sigaw ni Cynill kay Neil kaya napangiwi ito.

    "N-Nag-uusap lang", ikling sagot nito.

Lumapit naman sa gawi ko ang dalawa at tinulak papalayo si Neil sa akin.

    "Nag-uusap? May nag-uusap bang nangkokorner?", nakapameywang na tanong ni Cyrill kaya namula si Neil.

    "M-Minsan pag---

   "Minsan iyang mukha mo!", inis na putol ni Cynill sa sasabihin nito. Natatawang tiningnan ko naman si Neil na ngayo'y nagmamakaawang tumingin sa akin.

Hinarap ko si Cynill. "Cynill wag mong sisigawan si Tito Neil niyo", malumanay na sambit ko.

Tumango ito. "Sorry", tanging sambit nito habang nakayuko.

    "Sa akin ka ba talaga dapat magso-sorry diba sa kanya?", turo ko kay Neil.

Tumingin naman sa gawi ni Neil si Cynill. "Sorry".

    "Okay kids nasaan mga tita niyo?", tumayo ako at pumuntang sala. Nakita ko namang sumunod silang tatlo.

    "Nasa rooftop po", si Cyrill ang sumagot.

    "Naghahanda po siya duon para sa birthday namin. Nanduon din po si Cywill", nakangusong sambit ni Cynill.

     "Tapos na ba sila?".

     "Yes po kanina pa".

NANDITO kami ngayon sa rooftop nagcecelbrate ng birthday ng mga anak ko.

Simpleng salu-salu lang naman ang hinanda ng mga ninang niya. Hindi kasi ako nakasali dahil nakalimutan ko.

Ito ang gusto ng mga anak ko. Simpleng celebrasyon lang basta't sama-sama kami. Naiba nga lang ngayon dahil wala si Manang Delia pero nandito naman si Neil.

Kumakanta ng happy birthday ang mga ninang niya kaya tuwang-tuwa ang tatlo. They are now eight years old.

Lumalaki na ang mga anak ko kaya mas lalo akong magiingat dahil baka magaya sila ng mga tambay sa kalsada na paligoy-ligoy lang sa kalsada. Lalo pa't mga lalaki ang mga ito.

    "Blow your candles na mga pamangkin", aya ni Caroline ng matapos silang kumanta ng 'happy birthday'.

Nakangiteng hinarap naman ng tatlo kong anak ang mga tatlong cake na nasa harap nila. Tag-iisa kasi sila dahil yun ang gusto ni Neil. Tutal mayaman naman ito pinabayaan ko na.
  
Pumikit ang mga anak ko ng tatlong pong segundo bago hipan ang mga kandilang nasa ibabaw ng cake. Nagpalakpakan naman ang mga ninang nito pati na din ako at si Neil.

Nagtatanong pa ang nga ninang nito na kung ano daw ang winish ng tatlo pero ang tanging saad lang ng tatlo ay 'secret'.

    MATAPOS ang simpleng celebrasyon kanina ay agad kaming nagpahinga dahil pagod kami sa byahe kaninang hapon.

Matapos akong maligo ay pumunta na ako sa kama na suot lang ang roba may suot naman akong underware kaya walang problema. Katabi ko lang din naman ang mga anak ko.

Nakita ko naman ang tatlo na nakaupo sa kama na bakas na sa mga mukha ang pagod. Humiga ako sa kama.

Niyakap ko ang mga ito. "Tulog na kayo", aya ko dito. Nasa tabi ko si Cynill habang nasa kanan si Cyrill at nasa ibabaw ko naman si Cywill na nakasubsub sa dibdib ko.

     "Good night mommy ko", malambing na sambit nilang tatlo at hinalikan ako sa pisnge.

__________
Morning

      
       Nagising naman ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Yun pala ay winakli ni Cywill ang kutinang tumatabon sa bintana.

Nasa tabi ko ang dalawa habang si Cywill naman ay bumalik sa gawi ko at umupo sa tiyan ko.

    "Gising na mommy morning na", nakangiteng ani ni Cyrill na nilalaro ang mga daliri ko.

Hindi ko ito sinagot at nanatiling nakapikit lang. Ayaw ko pang bumangon gusto kong nandito lang sa kwarto at matulog. Pagod na pagod padin ang katawan ko.

Naramdaman ko naman ang mga kamay na gumagapang sa kili-kili ko kaya agad akong napamulat at nakita si Cywill na tawang-tawa na makita ang reaksyon ko.

    "Wag mong hahawakan kili-kili ko", parang bata kong tampo dito kaya napahagikhik silang tatlo.

     "Mama naman ehh kanina pa kaya kami ginigising ka pero hindi ka sumasagot", nakungusong anas ni Cynill at hinalikan ako sa labi. Wala namang malisya yun anak ko naman ito ehh.

     "Pagod si mama", tanging sambit ko.

    "Imasahe ka namin mama baka masakit likod mo", tumayo si Cynill at kumuha ng efficacent sa aparador.

    "Tumalikod ka mama ikaw Cywill alis ka diyan", pagtataboy ni Cywill kaya  napanguso si Cywill.

    "Wag mo ako itaboy kuya aalis naman ako ehh", sumingkit ang mga mata nito kaya mas lalo itong naging cute. Gusto kong pisilin ang pisnge nito. Nakakagigil

Hayy Kylie wag mong panggigilan yang anak mo. Umayos ka.

Tumayo ako at tumalikod ng higa. Tinaas at winakli naman ni Cyrill ang robang suot ko hanggang bewang para takpan ang underware na suot ko.

Wala akong suot na bra kaya ang dibdib ko ngayon ay nakaipit sa higaan. Buti nalang may unan kaya matatakpan naman.

Naramdaman ko naman ang mga maliliit na kamay na pumapahid sa likod ko na basa.

      "Mama sisimulan na namin", rinig kong sambit ni Cywill bago ko maramdaman ang mga mabibigat na bagay na nasa likod ko.

Tinatapakan pala ni Cyrill at Cywill ang likod ko habang si Cynill ang nasa mga braso ko.

Ang sarap sa pakiramdam. Hindi naman kasi mabibigat mga anak ko kaya hindi ako nabibigatan. Tuwang-tuwa ang anak ko lalo na si Cywill sa ginagawa nito kaya natatawa akong tingnan ang kapatid nitong masama ang tingin sa kanya.

    "Ayusin mo nga iyang ginagawa mo", inis na sambit ni Cyrill kay Cywill pero tumawa lang ito.

    "Ginagawa ko naman ahh".

Bente minuto bago matapos ang masahe nila sa akin. Magaad nadin ang pakiramdam ko at hindi na masyadong masakit ang katawan.

Pinauna ko naman ang tatlong bumaba dahil maliligo muna ako.

Pumasok ako sa CR pero hindi ko ni-lock ang pinto. Hinubad ko nalang ang underware ko dahil kanina pa wala ang robang suot ko.

Hubo't-hubad akong naliligo sa shower hindi ko na nagawang harangan ng kurtina ang shower room dahil natuon na ang pansin ko sa tubig na tumatama sa katawan ko.

Kaharap ko ang pinto kaya narinig ko agad ang mga katok na nasa pinto.

   "Pasok!" sigaw ko dito. Baka kasi ang mga anak ko yan may nakalimutan lang.

Kukunin ko na sana ang towel na nakasablay sa taas ng biglang bumukas at pumasok duon si Neil na nanlalaking matang tiningnan ang kabubuan ko.

   

   

The Possessive TripletsWhere stories live. Discover now