Chapter 37

1.2K 43 0
                                    

     Nandito ako ngayon sa harap ng mesa kaharap ko si Neil na ngayo'y umiiwas ng tingin sa akin.

Gosh nakakahiya!

Sino ba naman ang hindi mahihiya sa nangyari kanina. Nakita ba naman akong nakahubad kahit na close-close na kami ng  'kaunti' ni Neil ay hindi padin yun pwede.

For pete's sake dalawang araw palang na nakakasama namin ni Neil nakita niya na!

Nakatitig lang ako sa pagkain na nasa harap ko. Hindi ko magawang kumain dahil kanina pa nanginginig ang kamay ko dahil sa kahihiyan.

Hindi ko din naman ito diretsahang matingnan dahil kada tingin ko dito ay nakatitig din pala ito sa akin.

Anong gagawin mo Kylie?! Nakakahiya ka!!

Nafru-frustate na talaga ako sa nangyayari! My gosh sa bahay niya pa naman kami nakikitira!

Ano aalis ba kami dito? Hindi! Baka magtaka silang lahat sa mga kilos ko. Oh god Kylie mag-isip ka!

     "Mommy!", nabalik naman ako sa ulirat ng marinig kong sumisigaw ang mga anak ko.

Lumilinga-linga naman ako para mapadako ang tingin ko kay Neil na ngayo'y nakatitig din pala sa akin kaya agad kong iniwas ang tingin ko dito.

Tumingin nalang ako sa gawi ng mga anak ko. "B-Bakit?".

    "Kanin mo pa hindi kinakain yang pagkain mo, may problema ba mama?", nakita ko nama g ang pag-aalala sa mukha ng mga anak ko.

Huminahon ka Kylie!

Kinuha ko naman ang kutsara at sumandok ng pagkain na nasa gilid ko ng hindi ito tinitingnan. "Hmmm okay lang hhmm ako", ani ko habang ngumunguya. Walang lasa itong kinakain ko. Ano bang pagkain to?

Titingnan ko na sana ang pagkaing nasa harap ko ng marinig ko ang pagtawa ni Neil.

Kaya sinamaan ko ito ng tingin pero hindi ito tumigil itatapon ko na sana dito ang kutsarang hawak ko ng marinig ko ang pagtawa ng mga anak ko.

Napakunot nuo ako. "Bakit?".

Tuluyan naman silang natawa kaya mas lalo akong nagtaka.

Linunok ko ang kinain ko. Wala talagang lasa.

     "Hahah mama hahha yung...yung pagkain mo hahaha", tumatawang anas ni Cyrill kaya agad kung tiningnan ang gilid ko.

Nanlalaking mata naman akong tininganan ito. I hate Brocolli!

Dali-dali naman akong tumakbo papuntang CR at dumuwal duon. Pero wala nang lumalabas sa bibig ko kundi laway. Nalunok ko na talaga lahat.

Ang sakit ng tiyan ko! Nadagdagan nanaman ang kahihiyang nangyari ngayong araw. Sana wala pang mas malala dito.

Oo nga pala speaking off malala sana hindi ko makita ang dati kong pamilya, kaibigan, biyenan o asawa.

Dahil sa dalawang araw naming nandito sa Maynila wala ni isang araw hindi ko nakita ang mga taong yun.

Sa Monday si Kuya Vladimir at kahapon naman (tuesday) si Jacob at Kenneth. Sana naman wala ngayong araw.

Agad naman akong lumabas ng CR at nakangiwing pumunta sa lamesa habang hawak-hawak ang tiyan ko. Tiningnan ko ang pwesto kanina ng Brocolli...... nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang wala na ito duon.

Naririnig ko padin ang mahihinang tawa nilang lahat kaya dahil sa hiya naglakad nalang ako papuntang sala at hinanda ang mga bag na dadalhin ko.

Pupunta sana kasi kami ngayon sa resort na malapit dito. Duon kasi naisipan ni Neil na manatili dahil may bago daw itong business partner na ime-meet. At dagdag nito na dadating daw ang kapatid nitong galing States.

Sa loob ng dalawang araw kasama si Neil napapansin kong may kamukha siya. Familliar talaga siya ehh yun din ang nasabi ko kahapon kaso ngalang mas gwapo yung kilala ko.

Kamusta na kaya siya? Miss na miss ko na siya!

     "Tapos na kami brocolli!", rinig kong sigaw ni Stacey kaya sinamaan ko ito ng tingin.

    "Tumahimik ka!", asik ko dito pero tumawa lang ito.

    "Haha ang dali mong mapikon", umiling-iling na sambit nito. Pumunta ito sa sariling bag at inayos ito katabi nito na plastic may kinuha naman itong apat na plastic na black. "Ito", sabay hagis nito sa amin.

   "Para saan to?", nagtatakang tanong ni Caroline kaya napairao si Stacey.

   "Itapon", pabalang na sagot nito. "Malamang isusuot".

   "Masusuot ba tong plastic?",inocenteng tanong ni Sylien kaya napatawa si Katrina.

    "Swimsuit yan Sylien. Swimsuit. Hindi iyang plastic", inis na saad nito.

    "Pano naging swimsuit itong plastic?", ulit tanong nito kaya nanalisik matang tiningnan ito ni Stacey.

    "Napaka slow mo! Nasa loob ng plastic ang swimsuit hindi iyang plastic ang isusuot mo! Bruhilda ka!", inis na sigaw nito kaya na 'ahhh' si Sylien.

Inihagis pabalik ni Caroline ang plastic kay Stacey. "Hindi ako nagsusuot ng ganyan".

Napataas naman ng kilay ni Janice. "Hoy Caroline suotin mo yan para naman makabingwit ka at para din hindi tayo mainggit sa iba diyan na 'may payakap-yakap wala namang label' mahihiya na tayong makisama", pagpaparinig nito kaya namula si Neil.

Mukhang alam nito ang ibig-sabihin ni Janice. Bweset talagang babaeng to!

    "Kanino naman po kayo maiingit Tita Janice?", inocenteng tanong ni Cywill kaya sinamaan ko ito ng tingin.

    "Ahh sa 'walang label'  na mga tao",tanging sambit nito.

    "Walang label?".

    "Cywill! Wag ka nang makinig diyang sa mga siraulo mong mga ninang baka mahawaan ka", pagpaparinig ko sa kanila kaya sinamaan nila ako ng tingin.

     "May sakit pala sila?", rinig kong saad ni Cyrill kaya napatawa ako. Napatingin naman sa akin si Cyrill ng nakakunot-nuo pero hindi ko na ito pinansin

      NANDITO kami ngayon sa resort na sinasabi ni Neil. Trenta minutong biyahe lang naman ay kaming nakarating

Marating tao dito may naliligo, may nagsu-sunbathing, kumakain sa tabing dagat, at naglalaro. Nakita ko naman na nagnining-ning ang mga mata ng mga anak ko.

Mukhang nagustuhan nila rito.

     "Halika na kayo!", rinig naming sigaw ni Neil. Hinanap namin kung nasaan ito, nakita namin siya sa harap ng hotel.

    "Comming!", ganting sigaw ni Katrina kaya umarangkada na kami at pumunta kaagad sa kinaroroonan nito.

 

The Possessive TripletsWhere stories live. Discover now