Chapter 26

5.6K 160 0
                                    

Katelyn POV

"Hindi pa ba kayo tapos diyan 11 pm na?!"Antok na tanong ko sa mag aama ko na busy sa panonood Ng K-drama.

—_–

Naka ilang ep na sila kanina lang nasa ep 1 tas ngayon ep 14 na agad sila mga adik pati si Hayden na hawa narin yata sa kaadikan Ng mga anak namin.

"Patapusin nalang po muna namin ito mommy malapit na"Sabi ni Haylee habang nasa TV parin Ang tingin. Andito kami ngayon sa kwarto ko balak namin na matulog tabi tabi malaki Naman ay saka maluwag itong bed ko kasiyang kasya kaming apat.

"Matagal pa Yan eh antok na ako"Nakasimangot na Ani ko.

"Babe malapit na talaga itong matapos kung hindi muna kaya matulog kana diyan"Sabi ni Hayden at saka hinawakan ang kamay ko at hinalikan Niya Ang noo ko.

Napanguso nalang ako at saka yumakap sa bewang Niya patagilid siya naman at sinusuklay suklay Ang buhok ko gamit nag mga daliri Niya kaya tuluyan na akong nakatulog.

-----

Nagising ako sa sinag Ng araw na tumatama sa muka ko unti unti akong nag mulat Ng mata at napatingin sa leeg ko ng may maramdaman akong nakayakap dito, at parang may nakadagan saakin.

Tumingin ako sa gilid at nakita ko si Hayden na nakayakap sa may leeg ko at si Kaylee na nakahiga sa ibabaw ko pati si Haylee na nakayakap sa braso ko.

Napangiti nalang ako sa aking nabungaran at Isa Isa silang hinalikan sa Noo kahit na Medyo nahihirapan ako sa pwesto namin ay hinayaan ko nalang sila at muling natulog. Maaga pa naman.

"Mommy~ wake up♪"bulong ni Kaylee Kay Katelyn na tulog parin.

Naka Dagan ito sa Ina habang nakanguso na sinusundot sundot Ang pisnge niya.

Umungot lang Ang si Katelyn at unti unting nag mulat Ng mata. Nabungaran nito Ang anak na nakasimangot pero kalaunan ay ngumiti rin ng makitang gising na Ang Ina.

"Hi Baby Good Morning~"Nakangiting bati ko dito at hinalikan ang pisnge nito she's just giggled so cute.

"Good morning Mommyyy"Masiglang Bati rin nito at pinudpud Ng halik Ang pisnge ko natawa nalang ako at niyakap siya.

"Asaan Ang daddy at ate mo?"tanong ko dito

"Nasa kitchen sila mommy cooking our breakfast"sagot nito at saka umupo sa gilid ko kaya Naman umupo narin ako at sumandal sa headboard ng kama.

"Hindi Naman sila nag babatuhan ulit Ng harina right?"Tanong ko ulit dito ngumuso naman ulit ito at tumango kaya Naman medyo naka hinga ako ng maluwag baka kasi Pag nag kataon tuluyan ng masunog Ang kusina ko.

"Ok wait mo lang ako dito at mag hihilamos lang ako at mag to-toothbrush lang ako then baba na tayo"Sabi ko at tumayo na pumasok na ako sa Cr at nag hilamos at nag toothbrush na tinali ko narin ang buhok ko into messy bun. Pag katapos at lumabas na ako ng cr at pumunta sa pwesto Ng anak kong nakahiga at yakap Ang isang unan.

"Are you done na po mommy?"Antok na tanong nito ngumiti Naman ako dito at iniwersa ang braso ko nag pabuhat narin ito saakin.

"Anong Oras kayo natulog kagabi?"Tanong ko dito habang pababa Ng hagdan mula dito ay amoy kuna Ang bango Ng niluluto ni Hayden at Haylee.

Kahit anim na taon palang ni Haylee ay mahilig na itong mag luto luto Ng kung ano ano at masasabi kong may future talaga siya.

Hobby Niya Ang Pag luluto samantalang itong kambal niya ay hobby Ang Pag kain hahaha.

"I think mga 2 am mommy hehe nanood pa po kasi kami Ng 2 episode"sagot nito kaya napailing nalang ako at mahinang pinalo Ang pwet Niya napa hagikgik Naman ito at binaon Ang muka sa leeg ko.

Pag pasok namin sa kusina ay nakita ko Ang dalawa na naka talikod sa Banda namin nag hinahanda na ni Haylee Ang mesa habang si Hayden at sinasandok na Ang ulam.

"Smells so good"Pang aagaw ko sa atensyon nila kaya napalingon Naman sila saamin at ngumiti.

"Good morning Momma"Nakangiting bati ni Haylee at nilapag na sa mesa Ang mga platong hawak niya.

"Morning Babe"Ani Naman ni Hayden at humalik sa labi ko.

"Ewwww"Sabay na react Ng kambal lalo na si Kaylee na buhat ko ay tinampal Ang bibig Ng ama.

"You're so yuck dada I said don't eat mommy's lips every morning, you're breathe is aweey"Sabi ni Kaylee kaya napatawa ako nailing lang si Hayden at Hindi na pinansina ang sinabi ni Kaylee dahil bumalik na ito sa kanyang ginagawa kanina.

"Ok let's eat"

••••••••••••••

"Hayden saan ba tayo pupunta bat natin iniwan Ang kambal kila Jessa?"Tanong ko dito dahil pag katapos namin kaninang kumain ay pinag bihis ako nito at tinawag sila Jessa upang pag bantayin sa kambal.

Ang kapal Ng muka at inistorbo sila Jessa.

"Pang ilang tanong mo na yan, babe"Ani nito.

Ngumuso naman ako at inirapan kahit na Hindi Niya nakikita.

"Eh ayaw mo Kasi akong sagutin!"inis na ani ko dito at pinadyak pa ang paa ko.

Narinig ko Namang tumawa ito ng marahan at hinawakan ang kamay kong naka patong sa binti ko.

"Chill Baby gusto lang kitang masolo kaya pinaiwan ko Ang kambal sa bahay kasama sila Jessa"Malambing na Ani nito at dinampihan Ng halik Ang Likod Ng palad ko kaya Naman namula ako.

Kilig ako ehe.

"Hayden Ano mo ba talaga ako Wife,Babe o baby nalilito na ako?"Nakakunot noong tanong ko dito tumingin namn ito saakin saglit at binalik agad sa daan Ang tingin.

Humigpit Ang kapit nito sa kamay ko.

"My everything and my life Kahit na ano pa ang itawag ko sayo iisa lang Ang meaning nun kaya wag kang malito, lagi mong tatandaan ikaw lang Ang babaeng mahal ko"Sabi nito at muling dinampihan Ng halik Ang Likod Ng palad ko, Ako Naman at napatitig lang sakanya namamasa narin Ang gilid ng mata ko.

"Hayden bakit palagi mo nalang ako ginaganto, sana Naman totoo na iyan mga sinasabi mo dahil hindi ko kakayanin pag naulit pa Yung ginawa mo o nangyari dati sana-"

"Shhh wag mo nang isipin Ang dati at pangako sa Pag kakataong ito Hinding hindi ko na sisirain Ang tiwala mo saakin, I love you"Putol nito sa kung anong sasabihin ko tuluyan ng bumagsak Ang luha ko Hindi dahil sa sakit kundi dahil sa sayang nararamdaman ko. Yumakap ako sakanya kahit na nag mamaneho siya at binaon Ang muka ko sa gilid niya.

"Mahal din kita"mahinang Sabi ko na sapat na para marinig Niya.

Boung byahe namin ay puro matatamis na salita at tawanan Ang namayani hanggang sa makarating kami.





Hiding my twins on their Father (Complete)Where stories live. Discover now