Chapter 27

5.5K 145 0
                                    

Katelyn POV

Tumigil kami sa Tapat ng Firenze Mall tinignan ko Siya kaya napatingin din ito saglit saakin hanggang ngayon ay hawak niya parin Ang kamay ko kanina ko pa nga gustong tangalin pero tuwing tatangkahin ko ay titingin ito saakin at simangot saka hihigpitan Ang kapit Niya.

(AN:Firenze Mall is an exclusive luxury outlet located right in the heart of Tuscany and in a place that has always been described as the meeting point between shopping and beauty /Italy/ Some of the brands that occupy the mall's floor space include Versace, Alberta Ferretti, Balenciaga, Billionaire, Bottega Veneta, Versace, and Chopard..... In short Isa ito sa pinakamalaki at malagong mall sa Italy. Search ko po Yan sa google hahaha.)

Mukang mapapasabak dito Ang pera namin hahaha minsan na kaming nakapag shopping dito Ng kambal kasama sila Jessa at Nikka at talagang halos maubos Ang pera ko dahil sa dami at mahal Ng mga bilihin dito sa mall na ito.

Simula nun iniiwasan ko ng dalhin Ang kambal dito naku mag hihirap kami kung nag kataon.

Pinasok muna ni Hayden sa parking lot Ang kotse bago siya naunang bumaba Ang pinag buksan ako gentleman? May nakain talagang Mali itong si Hayden Mamaya tutukuyin ko Yun. Jk

Inabot nito Ang kamay Niya saakin bago ako hilain papasok sa mall. HHWW kami kilig na ako kanina pa.

"Anong shop gusto mong unang pasukin natin?"tanong nito inilibot ko Naman Ang paningin ko at hinila siya papasok sa Shirt and Dress Area complete Ang set Ng mga damit dito may pang bata at pang adult at unisex pa.

"Good Day SIR~ ma'am"Bati ng sales lady dito Ng medyo may landi Ang boses nakatingin ito kay Hayden kaya pasimpling inirapan ko ito Ang iniyapos ko Ang Kamay ko sa braso ni Hayden napatingin naman ito saakin at umirap.

Aba aba kung sa pilipinas may mga bubuyog na sales lady dito Naman may maattitude na sales lady na Medyo malandi medyo lang Naman pero ito sobra sa tingin sa asawa ko mukang hinuhubaran na ito sa isipan sarap nitong Suntukin sa mata.

Tinignan ko si Hayden at nakita kong nakatingin ito sa mga damit kaya Naman napangisi ako. Muli kong tinignan Yung sales lady at inirapan ito.

"non guardare mio marito in quel modo se non vuoi essere un panda."Mariin na Ani ko dito pero mukang hindi ito natinag. (don't look at my husband like that if you don't want to be a panda.)

"se pensi che io sia scossa, no, tuo marito è bello questo è il mio tipo"Nakangising Ani nito aba Ang tapang Naman nito nakakagigil sinisira nito Ang araw ko. (if you think I'm shaken, no, your husband is handsome that's my type)

"Sei solo una commessa io sono sua moglie quindi stai indietro, cagna!"Sabi ko at Hinila ko na si Hayden na nakangiti Ng malaki ngayon. (You're just a sales lady I'm his wife so back off, Bitch!)

"Ganun ka ba mag selos babe nagiging italyana ka?"Nakangising Tanong nito saakin na may halong pang aasar ako Naman at patuloy lang sa Pag titingin Ng mga dress, kailangan ko rin kasing bumili Ng bago dahil may Isang companya nanaman Ang kumuha saakin  upang e-model Ang kanilang products at kailangan maganda at prensentable akong pupunta dun bukas.

"Tumigil ka naiinis ako!"Inis na Ani ko dito habang patuloy na tumitingin Ng dress.

"Hahaha nag Italian kapa diyan eh naintindihan ko Naman Ang sinabi mo, nagustuhan ko Yung huli mong sinabi sh*t kinikilig ako, napaka hot mo kung makipag away babe hindi kapa rin nag babago"patuloy pa nito kaya natigilan ako, at nanlalaking matang tumingin sakanya.

Hiding my twins on their Father (Complete)Where stories live. Discover now