Loving someone is a losing game. I never understood the concept of man remarrying another woman in their life. Isn't one enough? Hindi ba pwedeng mananatiling mag-isa pagkatapos nawala ang una mong minahal?Sinasayaw ng ihip ng hangin ang aking buhok habang nakaupo ako sa buhangin. Ang munting alon ay tumutunog sa bawat hampas nito sa kahabaan ng baybayin.
Tumayo na ako para bumalik sa bahay. I graduated college last week and I immediately went here to the province to spend time with my grandparents, my mother's side. Malapit lang sa karadagatan ang antigong bahay nila dito. Mahaba ang baybayin at mapuputi ang mga buhangin nito. Ang dagat naman ay malinaw, wala kang makikita nabasurang lupa o basurang dagat.
"O, mabuti, apo, bumalik ka na. Pupuntahan na sana kita roon," si Nanay, ang Lola ko, nang nakasalubong ko.
She's so fashionista and mixes color so well. She's wearing a smooth old dress in yellow and orange.
"Pupunta pa kasi ako ng lungsod, Nay. May ipapasa akong resume," sabi ko.
"Ngayong hapon na? Aba, malayo pa, hija." pag aalala niya agad.
"May traysikel naman po. Babalik agad ako,"
"Edi kumain ka muna bago umalis," aniya at naunang pumasok ng bahay.
Dahil sinaunang tahanan pa itong bahay ni Nanay, malaki ito at puro gawa ng kahoy. Mula sa disenyo ng mga nakaukit na barandilya hanggang sa loob ng bahay. Luma nga dahil si Lola at Lolo nalang ang nangangalaga rito. Mom is their only child and she met such an unfortunate incident which I don't like to talk about.
"Amber, gumawa ako ng camote roll, hija..." pagmamayabang ni Tatay, ang aking lolo.
Ngumisi ako at nilapitan siya sa lamesa.
"Tutulungan ko po kayong magbenta n'yan bukas, Tay. Mamamalengke naman kami ni Nanay,"
"Magtira ako ng sampu para kainin natin sa meryenda bukas," halakhak niya.
"O, itigil mo muna iyan, Juan. Maghahapunan tayo, may lakad pa si Paige."
Dumaing ako. "Nay..."
"Ano ka ba. Gusto ko ang pangalan mong iyon, hija." aniya at nilapag ang rice cooker sa lamesa.
"Nakakailang po. Amber nalang, Nay, e." daing ko.
Tinulungan ko siya sa paghahanda ng lamesa. Ako ang naglalagay ng pinggan sa lamesa at nagpupunas ng mga kalat ng camote at condensadang ginamit ni Tatay para sa camote roll.
"Paige. Maganda pakinggan, hija." nakangiti niyang sabi.
Tumawa si Tatay. "Hayaan mo na, apo."
"Nilalakasan niya kasi ang pagtatawag sa 'kin n'yan tuwing may maraming tao." apila ko.
Humagikhik si Lola. "Hindi ko na uulitin. Kain na nga tayo,"
My grandparents are already in their late 80s. Mamumuti na ang lahat ng buhok nila sa ulo at nangungulubot na rin ang mukha at balat nilang kayumanggi. I have a fair share of their brown skin and a fair share of white skin from my father. Katamtaman ang kulay ng aking balat.
I cut my hair short to highlight my small face. I am petite and I have a brownish curvy hair. Natural ang kulay ng aking buhok at mapupula't maninipis na labi. Kung titingnan ang mga dating litrato ni Nanay Rafaela, halos magkamukha kami.
"Juan, tigilan mo muna iyan. May lakad pa si Paige ngayon," sita ni Nanay.
I groaned lowly and seated on my chair. We have pakbet and sisig for dinner. May ginawa naman akong blended fruits kanina kaya iyon ang drinks namin. They are getting old so I made a healthy groceries for them. Pero kadalasan talagang bumabalik sila sa nakasanayan.
BINABASA MO ANG
O Silent Night (Isla de Vista Series #1)
RomanceIsla de Vista Series #1 Amber, the firstborn child, sought to let everything go. She's living in peace far from civilization. But then, one deep silent night, she gave up and agreed to the bidding of her father. She doesn't like running. Come what m...