Chapter 7

125K 2.8K 361
                                    

Chapter 7: Words

"Wala pa ring balita sa Marina?" si Katie.

Umiling ako nang dumapo sa akin ang tingin niya. "Gas tank daw sa kitchen ang dahilan, but I'm not sure,"

"Malabong gas tank ang dahilan. Authorized personnel are assigned to check everything every month." giit ni Jenna.

"Well, at least we're all okay." sabi ko.

"Yeah, one of a hell experience." halakhak ni Katie.

Nangutya si Belle. "Habang may mga taong nangangailangan ng tulong, may isang babae naman ang kumakati niyang katawan ang iniisip."

Dumaan si Freda sa front yard kung saan kami nagtitipon. She rolled her eyes at us and went straight to her room. Supposedly parehong kwarto sila ni Belle dahil nahuli itong dumating ngunit hindi sila magkasundo. None of the girls wants to share the same room as her kaya lumipat si Belle sa kwarto nila Jenna.

"Kapal talaga ng mukha." irap ni Vanessa. "Buti nalang narinig mo ang usapan nila, Amber. Halata namang hindi papatol si Elijah sa kanya pero you don't know what will happen. Iba ang galawan ng babaeng desperada."

I smirked. "Let her try, hindi lang siya manginginig sa lamig ng tubig."

"Maldita ka talaga," halakhak ni Jenna.

Nakita ko si Elijah na papalapit na kasama si Taniel at Erickson. Galing siya a yacht dahil naiwan ko kahapon ang maliit kong comforter na dinala. Agad ngumisi sila Vanessa sa akin.

"Iba talaga kapag inlove." Heather teased me. "Paano ba ang ganyanang galawan, Amber?"

Humalakhak ako at nagkibit ng balikat kasabay ng paghila ng aking luggage. "Fate, I guess."

"Ay iba!"

Tumawa ako at nagpaalam na sa kanila. Kami ang mauunang uuwi dahil Lunes na at may trabaho pa ako.  Alas otso ang aking pasok pero ayos lang naman malate. I am the Vice President afterall.

"Bye, thank you for the great time, Taniel." nakangiti kong pasalamat.

He boyishly winked. "Anytime, Amber."

Pabirong umirap ako. "And for welcoming Elijah."

"Elijah boy is a man of love. We have a secret,"

I frowned.

Tumawa siya. "Wag mo nalang alamin."

Hinayaan ko nalang siya kung ano mang sekreto iyon. Elijah went to the trunk to put our bags there and I turned to Jenna when Taniel left as his father's assitant called him.

"Uh, Jen?" tawag ko. "I had a friend, in the province."

Kumunot ang noo niya. Umiwas ako sandali ng tingin. I can't  believe I am asking her about this! Pero kagabi pa kasi ito bumabagabag sa akin. I can't sleep tightly knowing that I have a rumbled thread in my brain.

"S-She--He is, uh, confused." lunok ako. "Naguguluhan siya sa nararamdaman niya. Nagagalit siya sa tuwing inaapi ang babae na palaging nandiyan para sa kanya. At hindi niya alam kung ano itong nararamdaman niya."

"Is it that your friend thinks she's a mere responsibility of his or something confusing than that?"

Tumango ako. "Yeah, something like that."

Napatango tango siya at tila nag-iisip pa. Kinakabahan ako habang naghihintay sa sagot niya. My palms are sweating! I've never been so nervous before except around Elijah's little moves on me.

"Isa lang naman ang sagot diyan."

Tumingkayad ang aking tainga at maiging nakikinig. "What is it?"

O Silent Night (Isla de Vista Series #1)Where stories live. Discover now