PROLOGUE

315 218 68
                                    


"Anak! halika muna rito. Ideliver mo itong mga damit kay Miss ching!" Narinig ko ang boses ni mama.

Agad kong sinarado ang diary ko at nilapag ang Magic pen katabi nito.

"Ayan na ma!" Sigaw ko.

Nakangiti akong bumaba sa hagdan. Nakita kosi mama na pawis na pawis kakaayos ng mga damit na ibebenta kay Miss ching.

Kumuha ako ng panyo at nilapitan si mama. Dinampi ko ito sakaniyang noo upang matanggal ang pawis.

"Ma, pawis na pawis na kayo oh. Matutuyuan kayo ng pawis niyan." Sabi ko.

"Ayos naman ako anak, sige na ideliver mona ito kay Miss ching."

Tumango ako, "Ako na d'yan ah, wait lang ma!"

Kinuha ko ang mga damit at lumakad na.

Napahinto ako ng marinig ko sa balita ang salitang 'BUWAN'

6 pm pala lilitaw ang pulang buwan rito.

"Anak, bilisan mo. Panonoodin natin ang pag dating ng buwan ah?"
Sabi ni mama.

Napangiti ako.

"Opo ma!" Sabi ko at tumakbo na sa labas.

Meron lang akong labing limang minuto para ideliver ito, dahil sabay kaming manonood ni mama ng buwan.

Ngayun nag lalakad ako dahil sira ang bike ko.

Limang minuto lang ang itinagal ng pag lalakad ko, nakarating na 'ko sa bar ni Miss ching.

"Si Miss ching po?" Tanong ko d'on sa guard.

"Oh, amaris! Teka tatawagin ko lang."

Ngumiti ako.

Buti nalang mabait ang guard dito.

Maya maya pa dumating nasi Miss ching.

"Amaris! ayan na ba 'yung mga damit?"

"Opo, Miss ching."

Kinuha niya ang damit.

"Saglit lang ah, kunin ko lang 'yung pang bayad." Tumango ako.

Nag hintay lang ako sa labas, parang may tumusok sa paa ko. Napatingin ako roon.

Nako po! NA SIRA ANG TSINELAS KO!

"Malas naman." Bulong ko.

Umupo muna ako sa gilid at tinignan ang tsinelas ko kung maaayos pa.

Mukang namayapa na siya.. Hindi na siya maaayos dahil bumigay na talaga siya, eto pa naman ang paborito kong tsinelas kaya hindi ko ito pinapalitan.

Ngayun sira na talaga siya, wala na 'tong pag-asa dahil ilang taon narin sakin ito eh.

Paano ako mag lalakad nito? mabato pa naman sa daan.

Hinubad ko ang tsinelas ko, okay lang naman sakin kahit makita ako ng mga taong nakayapak eh. Ano naman? eh sira nga ang tsinelas ko, kaya okay na ito kaysa naman manghiram ako sa iba ng tsinelas.

May babaeng tumabi sakin, tinignan ko siya. Ang ganda ng suot niya kaya lang napaka iksi, kita na ang bituka niya.

Napatingin siya sakin at inirapan ako, ay grabe naman itong si ate.

Nginitian ko nalang, kasi sabi ni mama kapag sinungitan ka ng iba ay dapat ngitian mo nalang.

Kapag binato ka ng bato batuhin mo ng tinapay!

Bakit ang tagal ni Misa ching?

Biglang umingay sa paligid, ang mga babae ay nag titilian. Anong meron?

Love me until the moonlight comes [VSOO] Where stories live. Discover now