CHAPTER 29 BABE

40 16 12
                                    


Tuloy ang operation PAG-IBIG.

Nasa loob na kami ngayun ng cine, kasalukuyang binabantayan ang dalawa na nasa harapan namin. May binabalak kaya si kuya, dito ko malalaman kung totoo ba ang nararamdaman niya para kay ate ena, tignan lang natin kung hindi siya mafall kay jen.

"Vhor, ano sa tingin mo. Totoo kayang may gusto si kuya kay ate ena?"

"Maybe, buong buhay ni ash ay hindi siya nanliligaw. Puro lang siya kalandian," Sagot niya habang kumakain ng popcorn.

At oo, alam na ni vhor na may gusto si kuya kay ate ena, sinabi ko e. Wala namang masama, mag best friend naman sila e.

"E ikaw, ano sa tingin mo?" Binalik niya ang tanong sakin.

Imbes na sagutin ko siya ay kinuha ko ang popcorn sakaniya.

"Sa tingin ko huwag mong ubusin ang popcorn, tirhan mo ako." Masungit kong sabi "Pero seryoso, maybe rin ang sagot ko e. Ayaw kong masaktan si ate ena, lalo naman si jen ko, kaya nga ginagawa natin ito diba. Para mafall si kuya kay jen at hindi na siya tumingin pa ng iba,"

"Kapag ba na inlove na siya sa jen mo, sa tingin mo ba hindi na siya maghahanap pa ng iba? Malabo," Ngumisi siya.

"Oo!" Napatingin siya ulit sakin "Dahil kapag nagmahal ka dapat isa lang, siya lang ang makikita mo sa buong buhay mo. Ganon ang true love, vhor. Palibhasa hindi mo alam ang salitang true love, babaero kayo e." Umasim ang mukha niya.

"Tsk, dami mong sinabi." Aniya.

Siya nga itong puro tutol e! Palibhasa hindi niya pa na eexperience ang true love... Sabagay ako rin naman e, pero at least alam ko ang meaning ng love...

Nilagay ko ang popcorn sa pagitan namin, hating kaibigan nga diba. Hindi naman ako masungit.

Napatingin ako sa pelikulang pinanonood namin, action ito walang romantik, buti nalang at hindi ako masyadong makakarelate kapag romantic.

"Ayan, sige barilin mo pa!" Sabi ko.

"OYY, kapag tayo narinig nila-" Pinutol kona ang sasabihin ni vhor.

"Hindi 'yan, malayo sila oh. Tas pwude, wag mo akong pakialaman ikaw ang ipabaril ko diyan e." Bumalik na ako sa pinanonood ko.

Bakbakan na!

"Ay! Ba't hindi ka umiwas, ayan tuloy natamaan ka! Ang bobo mo naman!" Sabi ko ng mabaril ang bida. "Tayo! Wag kang mamamatay, isa ka sa mga oppa ko! Pwude bang pumasok sa loob ng cine, tutulungan ko lang ang oppa ko!"

"Sige pumasok ka, sarap niyong oppakang dalawa." Sabi ng katabi kong kabayo.

AYON! BUTI NAMAN AT NA SAVE SIYA! NAKO ANG GWAPO PARIN KAHIT MAY TAMA TAPOS PAWIS NA PAWIS AT MAY SUGAT SUGAT PA SA MUKHA!

"Vhor, ang gwapo ng oppa ko diba?" Sabi ko sakaniya, may binulong siya pero hindi ko narinig.

"Porket koreano gwapo na? Tsk, mas gwapo pa ako d'yan sa oppa mong sarap oppakan." Nanlaki ang mata ko, agad kong dinakot ang damit niyang offshoulder.

"Mas gwapo siya, at ikaw ang masarap oppakan d'yan!" Napalunok siya.

Tumingin naman ako sa paligid namin at lahat nga ng mga tao ay nakatingin samin, bigla akong kinabahan na baka tumingin sila kuya samin...

"Irish.." Nagulat nalang ako ng hawakan ni vhor ang ulo ko at inilapit ito sa mukha niya.

Tuluyan akong napatulala sakaniya, maging siya ay ganon rin. Parang biglang nawala ang mga tao at tumahimik ang buong paligid, hindi rin ako makahinga ng maayos dahil baka maamoy ni vhor ang hininga kong mabaho. Hindi lang iyon, ang mga mata niya na hindi ko labis na maintindihan kung bakit ganito makatingin.

Love me until the moonlight comes [VSOO] Where stories live. Discover now