Chapter 4

43 4 0
                                    

CHAPTER 4
Daddy

“Wow! This one looks great! I'm so proud of you, sweetheart.”

Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan si Dad na masayang pinagmamasdan ang ipininta kong larawan ng bulaklak.

Ngumuso ako. “Daddy, I want to be like you when I grow up. Gusto kong magpinta ng maraming bagay at tanawin. Ipipinta ko po ang langit. Ang dagat. Pati po ang mga hayop. Lahat po!”sabi ko at umikot-ikot pa sa sala.

Sa isipan ko ay dumadaloy ang iba't ibang senaryo na nais kong gawin paglaki. Iniisip ko pa lang ang mga tanawing ipipinta ko ay natutuwa na ako. Sana maging kasinggaling ako ni Dad. Siya talaga ang idolo ko pagdating sa pagpipinta.

“Really, anak?” Huminto ako sa paglilikot nang magsalita si Dad. Sinenyasan niya akong lumapit at agad ko namang sinunod. “You want to be a painter like me?”

Tumango ako nang ilang beses. “Yes, Daddy!”

“Then, let's fulfill your dream. When you grow up, we will build our own gallery. And there, we will put all of our artworks.” Daddy said that made me confused.

“Daddy, what's art gallery?”

“An art gallery is a room or a building in which visual art is displayed. Kaya naman in the future, doon natin ilalagay ang mga artwork mo.”

Hindi na ako nagtanong ulit kahit na hindi ko pa rin masiyadong naiintindihan ang sinabi ni Daddy. Basta ang alam ko lang ay magtatayo kami ng art gallery kapag malaki na ako.

That was a promise. But then, he died earlier than expected. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na kahit anong mangyari ay tutuparin ko ang pangarap naming dalawa.

Nagsumikap ako upang makatapos sa pag-aaral at para makaipon nang maipagpapatayo sa gallery. I worked so hard to achieve my dreams. And if you're going to ask me if it was easy? No. It was harder than I thought.

Lalo pa at gano'n na lang ang pagtutol ni Mommy sa pagpipinta ko. Pero hindi ako sumuko. Hindi ko hinayaang diktahan ako nga mga masasakit na salitang sinasabi sa akin ni Mommy.

“Marilee!”

Hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ni Aleisha at basta na lamang akong lumabas ng kanyang sasakyan.

Kasabay nang paghakbang ng aking mga paa ay ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Pabilis nang pabilis na para bang nais na nitong lumabas mula sa akinh dibdib.

Nakatuon ang aking mga mata sa gallery ko na ngayon ay unti-unti nang tinutupok ng apoy.

“Tabi! Padaanin ni'yo ako! Tabi!” sigaw ko kasabay nang paghawi sa mga taong nakikiisyoso sa nasusunog kong gallery. “Tabi!”

Nang makalampas sa kanila ay agad akong tumakbo papasok sa gallery ko. Naramdaman ko agad ang init mula sa nagbabagang apoy na ngayon ay nasa kalahati na ng gallery ang natutupok. Pero hindi ako natakot. Mas natatakot pa akong masunog lahat ng pinaghirapan ko sa loob ng ilang taon.

Natuon ang paningin ko sa mga canvass na hindi pa naaabot ng apoy. Mabilis akong nagtungo doon at sinubukang damputin lahat ng aking makikita.

Napaubo ako nang malanghap ang usok at halos hindi ko na makita ang paligid. Humahapdi na ang aking mga mata pero pinilit ko pa ring damputin ang mga canvass.

Hindi ko hahayaang matupok na lang basta-basta ang pinaghirapan ko. Hindi ko hahayaang maging abo na lang ang lahat ng ito.

Nasapo ko ang dibdib nang muli akong mapaubo kaya nabitawan ko ang mga gamit na aking hawak. Muli akong yumuko para damputin iyon nang makarinig ako ng ingay mula sa aking gilid. Lumingon ako at nakita ang estante kung saan nakapatong ang ibang gamit na unti-unting gumuguho.

Eritque Arcus Series #3: Bluer Than BlueHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin