Chapter 31

20 1 0
                                    

CHAPTER 31
Annulment

"Tikman mo nga ito," sabi ko kay Lottie at inabutan siya ng niluluto ko.

Tinikman niya ito at tunango-tango. "Ang sarap po, Ma'am. Paniguradong magugustuhan po ni Sir Matteo 'yan," sagot niya.

Napangiti ako bago pinatay ang stove. Pinalamig ko muna nang kaunti ang pagkain bago ko isinalin sa lalagyan. Inilagay ko rin ito sa paper bag pagkatapos ay saka ako naghanda para umalis.

Nagpahatid ako sa taxi papunta sa company building ni Matteo. Siguradong nandito siya tutal wala naman na siyang trabaho sa headquarters. At saka nakauwi na ako kaya babalik na siya sa trabaho rito sa company.

Binati ako ng guard pagkapasok ko kaya binati ko rin siya pabalik. Dumiretso ako sa elevator at pinindot ko ang floor kung nasaan ang opisina niya. Pagdating ko ro'n ay sinalubong agad ako ng sekretarya ni Matteo.

"Good morning, Ma'am Marilee," bati niya sa akin.

"Good morning. Nandito ba si Matteo?" tanong ko.

Sumulyap siya sa wristwatch niya bago umiling.

"May lunch meeting daw po si Sir ngayon. Ibibigay ko na lang po sa inyo ang address ng restaurant kung nasaan po siya."

Tumango ako at hinintay siyang ibigay sa akin ang address.

"Thank you," sambit ko pagkakuha sa papel.

Pagkalabas ko ng building ay pinara ko kaagad ang taxi at nagpahatid sa address na ibinigay sa akin ng sekretarya. Ilang minuto lang pala ang layo n'on dahil nakarating kami kaagad.

Inabot ko ang bayad sa driver bago ako bumaba. Pinagmasdan ko ang mamahaling restaurant sa harapan ko at napabuntonghininga. Mabuti na lang talaga at pinili kong magsuot ng presentableng damit. Atleast hindi nakakahiyang pumasok sa ganitong lugar.

Napaisip tuloy ako bigla. Kung nasa lunch meeting siya, ibig sabihin kumakain na siya ngayon. Paano na itong niluto ko? Bahala na nga.

Pumasok na ako sa loob ng restaurant at may sumalubong agad sa akin na isang babae.

"Welcome, Miss. Table for how many?" she asked.

Ngumiti ako. "I'm here for Matteo Novicio. May reservation ba siya?"

"Yes, Miss. Sumunod po kayo," sabi niya kaya sumunod din ako.

Malaki pala ang restaurant na ito kaya hindi mo agad matatanaw ang hinahanap mo. Nagtungo kami sa pinakasulok na parte ng restaurant.

"Nandoon po ang table nila, Miss."

Nilingon ko ang table na iminuwestra niya sa akin at natigilan ako. Si Angela pala ang ka-meeting niya.

Mukhang nag-e-enjoy pa sila sa pag-uusap dahil tumatawa-tawa pa ang babaeng kaharap niya. Nakatalikod sa gawi ko si Matteo kaya hindi ko makita ang reaksyon niya.

Suminghap ako at agad na tumalikod para sana umalis pero may nakabungguan pa akong babae. Nabitawan ko tuloy ang paper bag na dala ko at nagkalat sa sahig ang mga lalagyan ng pagkain.

"I'm sorry," sambit ko.

Mabilis kong iniligpit ang mga lalagyan at patakbo akong umalis ng restaurant. Hindi ako tumigil sa katatakbo hanggang sa makalayo ako ng tuluyan.

And that's when my tears start to fall. I covered my mouth to stop myself from sobbing.

Ang sakit. Sobrang nasasaktan ako. Nakita ko lang naman silang magkasamang mag-lunch, kaya bakit ako nagkakaganito?

Suminghap ako at sinubukang kumalma pero hindi talaga maawat ang mga luha ko. Kahit anong gawin ko, bumabalik sa isip ko ang imahe nilang dalawa na magkasama.

Eritque Arcus Series #3: Bluer Than BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon