Chapter 23

22 1 0
                                    

CHAPTER 23
Chance

"Sir Matteo—

Napahinto sa pagpasok ang secretary nang makitang natutulog si Matteo. Sineyasan ko siyang huwag mag-ingay at agad naman siyang tumango.

"What is it?" I asked before walking towards her.

Ilang minuto pa lang mula nang makatulog si Matteo. Uuwi na talaga ako ngayon, sinigurado ko lang na tulog siya para hindi na niya ako pigilan. Actually, iniisip ko kung bakit dito siya natulog. Ako ang nahihirapan sa puwesto niya sa upuan.

"Ahm, ire-remind ko lang sana si Sir Matteo about sa appointment niya this afternoon," sagot nito sa akin.

Tumango ako bago muling sumulyap kay Matteo. Sa itsura niya mukhang mamaya pa siya makaka-recover.

"Okay, I'll wake him up after ten minutes."

Lumabas ang sekretarya kaya bumalik ako sa upuan ko. Napaigtad pa nga ako nang tumunog ang phone ni Matteo na nasa mesa. Pero hindi man lang siya gumising. Dahandahan kong sinilip kung sino ang tumatawag at nang makita ang pangalan ni Agent Angela ay kumunot ang noo ko.

Naalala ko kung paano niya ako pagsungitan doon sa headquarters. Halata namang may gusto siya kay Matteo kaya niya ako pinag-iinitan.

Dinampot ko ang phone ni Matteo at agad na sinagot ang tawag.

"Agent Matteo, what took you so long to answer?"

"It's Marilee. Hello, Agent Angela," I greeted.

Saglit na tumahimik ang kabilang linya kaya akala ko ay binabaan niya ako ng tawag.

"Bakit hawak mo ang phone ni Agent Matteo? At bakit sinasagot mo ang tawag na hindi naman para sa 'yo? Don't you know the word 'privacy'?" she asked.

I rolled my eyes. "He's sleeping. Kung may sasabihin ka sa kaniya, sabihin mo na lang sa akin at ako na ang bahala."

"He's sleeping? During working hours? Ano ba talagang nangyayari?" tanong niya ulit.

Hindi ako kumibo agad. Sasabihin ko ba sa kaniya ang totoo? Knowing this woman, I'm sure she'll just blame me more for what happened.

"He's the boss, so who will tell him about sleeping rules? Ano ba kasing sasabihin mo sa kaniya?"

Narinig ko ang pagbuntonghininga niya sa kabilang linya.

"Nevermind. Just tell him to message me as soon as he wakes up," she said before hanging up.

Ibang klase talaga. Gano'n kalaki ang trust issue niya sa akin at hindi niya magawang sabihin kung anong kailangan niya. O baka naman may kinalaman iyon sa mission-thingy nila na hindi ko talaga puwedeng malaman.

Saglit kong tinitigan si Matteo bago ako tumayo. I'm done with my task here.

"Aalis na po kayo, Miss Marilee?" tanong ng sekretarya ni Matteo.

I nodded. "Yes. Kapag nagising siya, pakisabi na tawagan niya si Agent Angela. I have to go," I told her.

Dumiretso na ako sa elevator at tuluyang umalis sa company ni Matteo. Nagpa-book ako ulit ng taxi at nagpahatid sa bahay nila Aleisha.

"You stayed in his condo?" gulat na tanong ng kaibigan ko.

Sa itsura niya ay alam kong hindi rin siya natulog dito kagabi. Ni hindi nga nagulo ang kama niya.

"Napilitan lang ako. Ikaw kasi, porke't nandoon iyong 'kaibigan' mo, nakalimutan mo na ako," nang-aasar kong sabi.

Nasamid siya sa iniinom na juice kaya natawa ako. Alam ko talaga kung paano siya huhulihin.

Eritque Arcus Series #3: Bluer Than BlueWhere stories live. Discover now