Chapter 6. She's a Snake

9.8K 480 36
                                    


Be the wife.

It still rang in my head like a fire alarm, igniting my system. My mother asked me to stay away from these people. That I should take the earliest opportunity to run. Bukod sa imposibleng mangyari, ni sa panaginip hindi ko masisikmura ang maging asawa ng kriminal at walang pusong kagaya ng pinag-uusapan nilang si Areezmir Vulkov.

I was supposed to go straight home after my last session with Lolita. My whole body was sore and fragile from all that waxing. Lahat ng buhok sa lahat ng parte ng katawan ko, tinanggal nilang lahat. I felt so bare and naked even when I was wearing a dress that was below the knee in length. Gusto kong puntahan si Chad, gusto kong alamin kung ano na ang kalagayan nito ngayon. Kaya naman lakas loob akong nag-utos sa driver ng kotseng sinasakyan ko na dalhin ako sa hospital na tinukoy ni Lolita.

"Dalhin mo ako sa QC General Hospital, Arthur."

Pero hindi umiimik ang driver, ni hindi man lang mag-abalang tingnan ako.

"Sabi ko dalhin mo ako sa QC Gen may gusto akong bisitahin." ulit ko.

"Hindi pwede, Senorita." sagot nito.

"Bakit hindi?"

"Utos ni Donya Marietta, idiretso ka pauwi ng bahay."

Kumuyom ang kamao ko. "Sandali lang naman tayo doon."

Sinulyapan nito ang bracelet ko. Yeah, right. I had a tracker in my hand. "Akong bahala Arthur hindi ka pagagalitan ni Donya Marietta, magpapacheck up lang ako sa hospital kasi kanina pa sumasakit ang tiyan ko."

"Hindi pwede, Senorita."

Shit. Napahawak ako sa noo. Makailang beses kong inuntog ang ulo ko sa bintana ng kotse. This life without freedom was fucking suffocating.

"Paano kung nagsasabi ako ng totoo? Paano kung masama nga talaga ang pakiramdam ko? Mas uunahin mo pa ba ang utos ng amo mo?"

Sinulyapan niya lang ako sa front mirror. Arthur was a big guy, ridiculously muscled and tall. He's like a trained dog, only answering to one boss, and that was Marietta.

"You know one of these days, Arthur, you will regret treating me badly. You have been driving me around, watching my every move since I moved in with the familia. Believe it or not, I grew fond of you already, kahit na alam kong wala ang loyalty mo sa akin. Na kapag may ginawa akong labag sa kagustuhan ni Marietta hindi ka mangingiming isumbong ako. Sana hindi mo pagsisihan ang mga desisyon mo." mahina kong usal. I know it was an empty threat, wala naman akong magagawa para saktan ito o paghigantihan, dahil wala naman akong kapangyarihang gawin iyon. I don't know why I said that.

Napahiya lang ako dahil kahit na tahimik ang seryosong mukha ni Arthur, nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya at pag-irap bahagya ng mata. Tinatawanan niya lang ang sinabi ko.

Pagdating sa bahay pinanalangin ko na sana'y di ako makakita ng tao. Gusto kong tahimik na umakyat sa kwarto ko, hagilapin doon ang cellphone na palihim kong binili at ilang taon nang tinatago sa kanilang lahat. It was a second-hand phone my classmate secretly sold to me inside the school's bathroom. I figured I might need it in an emergency. Pwede kong tawagan si Chad gamit ang cellphone na iyon.

Ang plano kong mapayapang pag-akyat sa kwarto ay hindi nangyari nang sa pintuan palang ng mansyon nakaabang na sa akin si Blanca. She was holding a glass of wine in her hand, tanghaling tapat umiinom ng alak. Sinipat ako nito mula ulo hanggang paa tapos ay isang nakakatakot na taas ng kilay ang pinukol sa akin.

"Why are you wearing a dress like that? Hindi bagay sa itsura mo, mukha kang low class strip club entertainer. Sabagay, what can I expect from a bastard with a whore for a mother?"

24Karat VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon