Chapter 12. The Predator's Rules

11.2K 742 134
                                    


The mysterious man carried me to an empty luxury car. Tinulungan niya akong makaupo sa passenger's seat. Iniwanan niya ako sandali, pumaikot sa kotse, at inukopa ang driver's seat ng sasakyan. Inabot niya ang seatbelt ko at sinugurong maayos iyon bago niya pinaandar ang kotse. In my weakened state, I could absolutely tell who this man was. Hindi ko makakalimutan ang amoy niya. Ang pakiramdam kapag dumadampi ang mga daliri niya sa balat ko. Pati na ang pamilyar na pagkabog ng dibdib ko sa presensiya niya.

Wala akong lakas ng loob na magtanong kung saan niya ako dadalhin at kung ano ang balak niyang gawin sa akin. I have heard a lot of news about how mean, how savage, and how ruthless this man was. Nagpapasalamat ako sa Diyos na maayos ang pagtrato niya sa akin sa ngayon, pero paano kung buksan ko ang bibig ko at maling salita ang lumabas dito? He could easily kill me without flinching or even blinking an eye.

But, oh God, this predator smelled so wonderful. Ilang beses na akong napapalunok sa pagka-uhaw sa isang bagay na hindi ko malaman sa utak ko kung ano. I was thirsty. Do I need water? I didn't think so. Wala akong lakas ng loob na tingnan siya sa mga mata. Kaya naman nagkasya nalang ako na pasimpleng silipin ang mga kamay niyang nasa manibela. He wore a casual white polo shirt with the sleeves rolled up. His black trousers accentuated the powerful looking legs beneath. He was tall. Insanely tall.

The color of his skin was like caramel. It was unnatural for someone with Russian ancestry to be this tanned, of course. I knew that his skin was sun-kissed; it made it so delectably looking.

"Are you cold?"

He sounded like a man who was very fluent in the English language, yet his drawl still had this slight Russian accent to it.

"No."

Inadjust niya pa rin ang aircon ng sasakyan sa mas mataas an temperatura. Kahit sabihin kung hindi ako nilalamig, nakikita niya ang panginginig ko.

"Get my jacket from the backseat of the car."

Atubili akong sumunod sa sinabi niya. Nang isuot ko ang jacket na iyon, kaagad na nanuot sa ilong ko ang concentrated na amoy niya halos maubos ang buong lakas ko sa pagpipigil na pumikit at tirikan ng mata sa nakakagayumang amoy niya.

Fucking hell. The rules of nature, Rosita, remember? Predators were designed to be perfect in the eyes and in all the freaking senses of their prey! Of course, he would smell like heaven to you. You were his prey!

Hindi ko alam kung ilang oras kaming bumiyahe basta pagpasok namin sa isang abandonadong building may mga tauhan na siyang nagaabang sa amin. Dinala kami sa isang lumang elevator na mukhang hindi na umaandar natakot akong sumakay doon.

"Don't worry, this lift is safe. It's just made to look like it's not."

Atubili akong pumasok. Taliwas sa expectation ko na uuga iyon, napaka-smooth ng galaw nito, walang ingay at mabilis. Inakyat kami ng elevator sa pinakamataas na parte ng gusali kung saan may naghihintay na helicopter. Pagkasakay namin ay kaagad nang pinalipad ng piloto ang chopper na para bang kami lang ang hinihintay niyon.

Tanaw ko sa ilalim ang unti-unti naming paglayo sa mga ilaw ng siyudad. Napayakap ako sa sarili ko. Hindi ko maiwasan na manginig hindi lang sa lamig kundi pati na rin sa kaba. Wala akong idea kung saan ako dadalhin ng taong ito. Basta nalang hinayaan ko siya na tangayin ako. Napaka-tanga ko talaga. Gusto kong tumakas kay Marietta para saan? Para mapunta sa mas malaking bunganga ng buwaya kagaya ng lalaking ito? Ilang oras lang ang nakalipas ay bumaba na ng lipad ang helicopter sa isang private helipad katabi ng isang malaking mansyon na malapit sa baybayin.

Hindi kagaya ng mansyon ng mga Ferrer de Sandoval na maraming sundalo at katulong ang umaaligid, ang bahay na ito ay kakaunti lang ang nakikita kong taong nasa labas. Ilang kalalakihan lang na nagbabantay sa paligid. Ni walang hawak na baril ang mga ito parang ordinaryong mga security guards lang. Hindi ito ang klase ng bahay na inimagine ko para sa isang Mafia Boss, masyadong open ang lugar at maluwag ang seguridad. Hindi ba siya natatakot na bigla siyang lusubin ng mga kaaway niya at hindi siya handa?

24Karat VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon