CHAPTER 6

60 4 8
                                    

Smack

Nalaman ko kay ate na dahil pala sa nangyari sa sasakyan niya kaya nandito kahapon sa bahay si sir Erick. Siya daw ang tumulong kay ate na ihatid ang sasakyan sa talyer at ihatid siya dito sa bahay. Sinisi pa ako ng malditang 'yon sa nangyari. Para namang may magagawa pa siya.

"Aalis kana talaga?"

Masama ang tingin ng kaibigan ko habang pinapasok ang mga gamit niya sa bag. Gusto kong matawa sa itsura niya pero diko ginawa, baka bugahan niya ako ng apoy pag nagkataon.

"You bitch! Friendship over." aniya

"Hoy joke lang naman! You can stay here if you want. Tuturuan niya lang naman ako e."

"Aysus, huwag na! Sabihin ko sa ate mo na lalandi ka lang." tawa niya.

"Hoy! Subukan mo! Kakalbuhin talaga kita."

"Kaya mo?"

Humarang ako sa harap niya para pigilan siya sa pagpasok ng mga damit.

"Tsk! Tabi!" asik niya.

"Kasalanan mo din no! Ewan naman kasi sayo bakit dika nag paalam, ayan... sana ngayon nakakapag bonding pa tayo." saad ko.

Hinawi niya ako saka nagpatuloy sa ginagawa.

"Konyare ka pa. Alam ko naman na gusto mo na akong umalis para malaya kang makipaglandian."

I rolled my eyes.

"Pano mo nasabi?" I grinned.

Nilingon niya ako.

"I know the assignment." she said in a coolest way. I laughed.

"Nice one, Abby! Thank you!" I sarcastically said.

She sighed and rolled her eyes. Tired of my antics.

"Welcome bitch!"

I laughed again. What a very nice friend.

Tinulungan ko siyang magligpit ng mga gamit niya, hanggang sa dumating na ang sasakyan nila para sunduin siya.

"Bye Abby! Ready your ass!" sigaw ko sabay tawa. 

Ang bugok, nag dirty finger 'tsaka pinatirik ang mga mata.

"I will! Love you!" She do flying kiss, I'll do the same.

"Take care! Love you!"

Pinagmasdan ko ang pag alis ng sasakyan nila. Ngayong araw ang dating ng mommy niya. Nakatanggap ng tawag si daddy kanina mula sa mga magulang ni Abby. Hindi raw nag paalam ang magaling kong kaibigan kung saan nagpunta at kinuntyaba pa ang driver nila. Kaya ending, pinauwi ang kaibigan ko at paniguradong sermon ang abot niya.

Nagmadali akong maligo at mag ayos para sa practice na gagawin mamaya. Hindi ko alam kung okay lang ba talaga ito sa kaniya? Malayo ang bahay nila dito sa amin at hindi ko alam kung may apartment ba siya dito o ano.

Isang oras ang biyahe papunta dito. Malayo 'tsaka pagod pa iyon kahapon. Dapat nagpapahinga nalang siya ngayon. Pero dahil sa kagustuhan kong matuto. Pupunta siya.

Pero bakit parang pabor pa sakin? Kung sabagay gusto ko pala siyang makita. Kaso kapag nandyan na siya, palagi naman akong kabado na natatae. Ah, basta ganon.

Tanghali na nang dumating siya. Sinabi niya kay mommy at daddy na tuturuan niya ako. Nahiya si mommy sa sinabi niya at the same time natuwa din dahil may pagkakaabalahan na daw ako, bukod sa pangungulekta ng mga lalaki. Ako nalang nahiya.

Alam din 'yon ni ate. Okay din naman sa kaniya iyon kaya walang problema.

"Doon nalang kayo sa library, anak." suggestion ni mommy.

STAY THIS WAY (Jarlego Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon