CHAPTER 24

35 1 0
                                    

Wallpaper

Nasundan pa ang nangyaring 'yon ng mas malalim pa, na hindi ko rin inaasahan. Sabay kaming lumabas ng silid na 'yon ng walang nagsasalita. Pinagpawisan ako ng matindi kaya nang hindi siya makatiis ay inabot na niya sa'kin ang panyo niya. Nakaramdam ako ng hiya.

"Aggressive."

Matalim ko siyang nilingon matapos niyang sabihin 'yon. Ako pa ha?

"Ako?" I asked with disbelief.

Inosente niya akong tiningnan, kitang kita ko ang mumunting ngiti na halatang pinipigilan niya. Umiling ito.

"Ako, yata." aniya sabay iwas ng tingin.

Napakurap kurap ako sa pag amin niya.

konyare lang yata 'to e. Pero sa isip niya, ako talaga iyon. Kung sabagay, halata niya siguro na gusto ko rin 'yon pero ginawa ko lang ang parte ko no! Siya itong nanununggab!

Naabutan namin si lola, ante Alice at ang kaniyang dalawang babaeng anak sa hapag. Sabay nila kaming nilingon ng makarating kami sa kusina.

"Hi ate, Jasmine! Ano pong nangyari sa buhok mo?" bungad ng isang anak ni ante  Alice na kilala ako.

Uminit ang buong pisngi ko matapos maalala ang naging eksena sa loob ng kwartong 'yon. Dali dali kong nasuklay ang buhok gamit ang mga kamay, at talagang nagawa pa akong tulungan ni Gari na nasa likod ko. Palihim ko siyang kinalabit para tumigil ito pero tanging nakakalokong tikhim lang ang ginawa niya

Alam niya rin kasing siya ang may gawa niyan! Jesus! Dapat pala naghinay hinay muna kami!

"A-ano, baka mahangin lang." pagdadahilan ko.

I fake my smile, hindi naman ito nang usisa pa. Mabuti na rin.

"Hello, kuya Gard!" sabay na bati ng dalawang bata kay Gari.

"Hello, kids." maligaya niyang balik rito.

Madalas siya dito noon, kaya hindi na nakakapagtakang kilala siya ng mga bata.

Hindi nagtagal dinaluhan na rin namin sila sa hapag, di nakaligtas sa paningin ko ang mga matang nakamasid sa amin. Mukhang hindi naman napansin ni Gari 'yon dahil abala siya sa pagkain.

"Ate, boyfriend mo po si kuya?"

Halos mabulunan ako sa tanong na 'yon ni Day, bunso ni ante Alice.

"Ano ka ba anak. " Saway ni tita sa anak niya sabay naiilang na bumaling sa'kin.

Tumikhim si Gari sabay sandal ng likod sa upuan. Nakangisi na ito habang nakatingin sa batang nagtanong.

"Gusto mo ba na boyfriend ako ng ate Jasmine mo?"

Napapikit ako sa sinabi niya, nilingon ko siya at pinandilatan ng mata ngunit wala sa akin ang kaniyang paningin, nanatili ito sa bata.

Agad na tumango ang bata.

"Yes, why not sir? Maganda si ate Jasmine."  pambibida nito.

Masaya akong nilingon ng bata kaya sapilitan akong napangiti pabalik.

"Yes she really is. But the question is does your ate Jasmine want me as her boyfriend?"

Agad muling nag angat ng tingin sa'kin ang bata hindi ko na alam kung anong itsura ko dahil maging sina tita Alice at lola, nasa amin na ang buong atensyon.

"Gusto mo po ba ate Jas na maging boyfriend si sir Gari?"

Isang nakakalokong ubo ang pinakawalan ni Gari. Sinipa ko ng bahagya ang hita niya sa ilalim ng lamesa dahil sa kalokohang ginawa niya. Wala ba talaga s'yang planong ilihim ang sa tungkol sa aming dalawa?!

STAY THIS WAY (Jarlego Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon