CHAPTER 10

44 1 2
                                    

Hacienda part 1

"Bakit ngayon ka lang?" bungad ni ate pagpasok ko ng bahay.

Nawala ang ngiti sa labi ko at pilit na nagseryoso. "May tinapos lang." sagot ko sa kaniya.

"Saan ka sumakay?" usisa niya.

Si Ashley ang nagbukas ng gate sa akin kanina. Kaya kung magsinungaling ako ngayon, malalaman ni ate kaya huwag nalang.

"Nag tricycle kami ni Abby." simple kong sagot.

Kung siya balisa kapag may tinatago, ako ngayon iba. Sa sobrang saya ko nakalimutan kong kailangan ko palang matakot sa kaniya.

"Bakit hindi kana lang nagsabi sa'kin para nahintay ko kayo, at sabay na tayong umuwi." aniya.

Ngayon pa siya gumaganyan? Tapos na.

"Okay na. Nakauwi na naman ako e."

Bumuntong hininga siya, halatang pinag aaralan ang bawat kilos ko. Inaalam kung may tinatago ako o ginawang masama.

"Sa susunod magsabi ka. Ako ang mananagot kay mommy at daddy kapag may nangyari saiyo." wika niya.

Tumango nalang ako 'tsaka umakyat sa taas. Pinagmasdan niya ako kaya nilingon ko siya.

"Asan si Maya?" I asked.

"Nasa kwarto nagbibihis."

Tumango ulit ako "Okay."

Akala ko tatantanan niya na ko pero sumunod siya sa taas, at hanggang sa kwarto ko.

"What?" tanong ko sa kaniya ng isarado niya ang pinto.

Kinabahan ako, hindi kaya... aamin na siya? Aamin na siya tungkol sa relasyon nila ni sir Erick?

Kumurap kurap siya at nagsimulang magmasid sa paligid ng kwarto ko. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero hinayaan ko. Umupo ako sa sariling kama at nagtanggal ng sapatos, kinakabahan parin.

Well, kung aamin siya ngayon anong magiging reaksyon ko? Ngingiti ba ako? Lulundag sa saya? O ipapakita na tutol at hindi ako masaya sa balita niya? Jusko diba parang ang sama ko naman.

Kung alam ko lang na balak niyang ngayon magconfess edi sana nag practice muna ko! Para atleast alam ko ang gagawin. Baka kasi isipin niyang hindi ako natutuwa para sa kaniya, e hindi naman talaga!

"Ano iyon ate?" tanong ko ng di siya nagsalita.

Napatingin siya sa akin na parang nagulat, saka umiling iling.

"Wala naman." aniya.

Bumuga ako ng hangin. Kinabahan naman ako akala ko sasabihin niya na. Siguro wala pa siyang lakas ng loob. Okay din iyon para makapag practice ako.

"Maliligo lang ako." paalam ko 'tsaka pumunta sa banyo.

Hinubad ko ang jacket na suot. Nakakaakit talaga ang amoy nun, ano kayang pabango niya? Hingiin ko nalang sana para lagi ko siyang naamoy.

Pagkatapos kumain ay dumiretso kaagad ako sa kwarto, nakatanggap ako ng text mula kay Abby at ate Jarisca.

Naiinis si Abby dahil nandun na naman sa bahay nila ang girlfriend ng kuya niya. I don't know why she really hate that girl, but I can't blame her... hindi tama ang ginawa nung babae. I'm not saying na walang kasalanan si Abby. May mali din talaga siya, iyon nga lang hindi ko alam kung paano sila magkakasundo gayong parehas silang ma pride.

Me:

Give her a chance, just one more chance. Malay mo magkasundo kayo.

Abby:

STAY THIS WAY (Jarlego Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon