Hindi Nawala...

981 9 0
  • Dedicated to Janne Gimena Valdez-Dominguez
                                    

A/N: Musta lovelife guys? eto na po update sorry late :)

Nga pala guys para 'to sa mommy ko :) siya kasi iniisip ko habang ginagawa ko 'tong tula

Hindi Nawala... at sana hindi na mawala pa

Sa buhay  natin palaging may nawawala at may pumapalit.

Hayaan mong mawala yung taong/bagay na yun dahil ibig sabihin lang nun ay may papalit dun na mas maganda pa kesa sa unang nawala.

Sa kabilang banda pwede rin naman na huwag mong hayaang mawala dahil once lang yan dadating sa buhay mo papakawalan mo pa ba?

Ang gulo 'no? 

Ika nga nila "It Depends" na lang para walang away

Pero ano nga ba 'tong Hindi Nawala? 

Panganay akong anak sa aming pamilya

Lahat ng gawaing bahay dapat kong magawa 

Dapat palagi akong tumutulong sa kanila

Dahil saakin sila aasa, Panganay kasi ako diba?

Ginagawa ko naman lahat ng aking makakaya

Hinahati yung oras ko sa School, kaibigan at pamilya

Sana naman ma-appreciate nila

Yung effort na aking ginagawa

Huwag sana siyang magalit

Kung minsan yung oras ko sa kanila kailangan kong ipalit

Sa oras ko sa School at iba pang gawain

Na di ko inaasahan na dadating

Lahat ba ng ginagawa ko mali?

Kasi sabi niya sarili ko na lang ang lagi kong iniisip

Tapos lagi na lang daw sa school nakatuon ang aking pansin

Ako ba ang mali? o sila ang hindi nakakaintindi saakin?

Hindi ko alam kung ano pa ang aking gagawin

Sa aking buhay na parang gusto ko ng makitil

Dahil andaming problemang nadating

Na hindi ko sigurado kung aking kakayanin

Hanggang sa gusto na niya kong palayasin

Dahil wala naman daw akong kwenta sa amin

Lagi na lang daw sa School ang alam kong gawin

Nakakalimutan ko na daw yung iba ko pang tungkulin

Hindi niya ba ko naiintindihan?

Ginagawa ko yun para sa aming kinabukasan

Para magkaroon kami ng sarili naming pangkabuhayan

At masabi sa ibang tao na meron akong pinag-aralan

Na kahit mahirap kami meron kaming narating,

kahit hindi kami mayaman sa tingin

mayaman naman kami sa alam namin

Na kahit na sino ay hindi kayang nakawin 

Siguro ako lang ang nakakaintindi sa aking sarili

Kasi tuwing galing ako sa practice at late akong umuwi 

Mga TULA para sa mga PUMAPAG-IBIG ♥Where stories live. Discover now