Nahulog sayo, pero 'di mo sinalo.

276 5 0
                                    


Hindi naman kita hiniling

Ngunit bigla ka na lang dumating

Sa buhay kong wala namang ningning

At inamin sakin na Ika'y may pagtingin


Sa una'y wala ka namang dating

Hanggang sa malaman ko ang tunay na damdamin

At sa iyo ay aking naamin

Na ikaw nga'y gusto ko na rin


Puso ko'y tuluyan ng nahulog

ito'y kumakabog-kabog

mabilis ang pagtibok

dahil ika'y aking iniirog


Subalit lumipas lang ang mga araw,

Bakit nagbago ang iyong pananaw?

Ako ba'y hindi sapat o ikaw ay uhaw?

e baka ang iyong nadarama sa akin ay mababaw


Iniwan mo ako,

Ni hindi man lang sinabi kung saan tutungo.

"Hindi na kita gusto"

Mga katagang sinabi bago mo lisanin ang aking mundo.




A/N: uhm.. This is one of my random poem that I've posted in my rpa HAHA okbye 



|| AJA ||  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga TULA para sa mga PUMAPAG-IBIG ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon