Lampo.

180 0 0
                                    


Walang Forever.

Walang Poreber.

Lamporeber.

Wala nga ba, aber?


Nakasanayang sabihin ng mga tao,

taong sobrang nagmahal at nasaktan rin ng todo.

Mga taong umasa at nagpaloko sa taong

akala nila ang pagibig sa kanila'y totoo.


Dapat nga bang sisihin ang mga manloloko?

o ang dapat sisihin ang mga nagpapaloko?

Sino nga bang tama at sinong mali?

Naghahanap ng sagot, nagbabakasakali.


Naghiwalay kayong dalawa ngunit marapat bang

sabihin mo ang mga katagang,

"walang forever!"

Bakit? sa relasyon nyo ba nababase ang depenisyon ng forever?


Ang inyong pagmamahalan ba

ang nagsasabi kung tama ba o mali,

ang maniwala ba o hindi,

kung may forever nga ba o baka nga wala talaga.


Paano ka nakakasiguro,

na walang katapusan ang pagmamahalan nyo?

Kung ang lahat ng bagay ay may katapusan.

Lahat dapat ay winawakasan.


Tulad na lang ng paglubog ng araw, sumasapit ang gabi.

Ang mga bituin ang mga naging saksi,

sa pagwakas ng tungkulin ng araw

na sa tuwing umaga'y ating tinatanaw.


Mga problemang dumadating,

di naglalaon ay nasosolusyonan rin.

Pero pagdating kay math,

titigan na lang ang nangyayari.


Nais kong malaman mo,

na kahit na walang permanente sa mundo.

Wag kang matakot subukan ito

lalo na kung gusto mo.


Hindi mo malalaman ang sagot,

kung magpapadala ka sa takot.

Maniniwala ka na lang ba sa iba?

hahayaan mo na lang bang kontrolin ka nila?


Sa mga salitang walang kasiguraduhan.

Salitang kayang manira ng katauhan.

Salitang kaya kang iwan.

Salitang kayang-kaya kang saktan.


Ngunit kahit na may katapusan,

hindi mawawala ang kasiyahan.

Nandyan ang lungkot at poot,

pero huwag kang matatakot


dahil hindi ka nag-iisa

naririto kami upang damayan ka

sabihin mo man na "Lampo"

hindi kami mapapagod sayo.








A/N: kkk. Hi miss u guys! lame update aish T_T

babush!~


|| AJA ||

Mga TULA para sa mga PUMAPAG-IBIG ♥Where stories live. Discover now