Dating the rich man pt.3

40 2 0
                                    

*Days passed*

Nakadalawang buwan na ako at hindi ako ganoon pinapansin ni Josh, mukhang iwas din siya sa akin. Dinidibdib pa rin ba niya yung sinabi ko last last last last last week?

Parang nung nakaraan lang ang saya niya nung magkasama kami tapos ngayon naging suplado tapos lagi pang may kasamang babae. Girlfriend niya kaya?

"Oh lalim ng iniisip natin diyan Kristel ah." muntik ko pang mahampas si Justin ng dala kong libro

"LangyaAaaaA ka Justin. Bakit ba hilig mong sumulpot bigla, kabute ka 'te?" tanong ko

"Una akong nagtanong pero hindi, hindi ako kabute cuz I'm a pokémon." proud nitong sabi
"Bakit ba kasi ganyan ka makatingin sa kanila wait huwag mo sabihing jealous-jealous ka?" tanong nito

"Anong jealous-jealous?" tanong ko

"Selos malamang." sagot nito

"At bakit ako magseselos aber?" tanong ko

"Kasi may kasamang babae si Josh," sagot nito

"And?" tanong ko

"You are jealous." sabi nito

"Okay. I'm not jealous and why would I be? I'm not anyone's girlfriend so there's no right for me to jealous over someone else's property and excuse me I already have my own boyfriend." sabi ko
"Kita mo 'to? Siya 'yan nung bata pa." pinakita ko yung litrato na nasa likod ng phone case ko

"Aha haha," tawa nito pero nakatingin lang ako sa kanya na nagtataka
"haha haha haha haha HAHA HAHAHAHAHAHAHAHA HAHAHAHAHAHAHAHA." like what the heck is funny?

"Hello? Are you still on your right mind, what's funny?" tanong ko sa lalaking kaharap ko na grabe kung makatawa

"Akala ko ba hindi mo gusto si Josh?" tanong nito

"Yes, and? Paano napasok si Josh sa usapan? Haler Justin de Dios pinapakita ko picture nung boyfriend ko nung bata pa siya tapos tatawa ka then papasok si Josh? Okay Justin, that was weird teka kinulang ka sa tulog 'no?" tanong ko

"Baka Ikaw ang kulang sa tulog HAHAHAHAHAHAHA," hindi ko alam kung ako lang ba or sadyang nawewerduhan na ako kay Justin

"Stop laughing man, there's no funny. Look, look how cute my man is. Look, focus man focus." pinahawak ko pa sa kanya yung picture namin ni Cullen

"Hindi ko alam na childhood best friend mo pala si Josh HAHAHAHAHA. Anyways mga batang libagin pa kayo rito," natatawa nitong sabi

Nagkasalubong ang mga kilay ko
"What?" tanong ko

"Si Josh 'to kako." sagot nito

"Josh?" tanong ko ulit

"Yes, Josh the onwer of this company. Haler Kristel." natatawa nitong sabi

"That man? No, this is not Josh
cuz this is Cullen. Ang layo naman ni Josh Kay Cullen kasi si Cullen pinangakuan ako ng kasal pero si Josh hindi ako pinapansin at kung siya man si Cullen e bakit nung umpisa pa lang bakit hindi siya nagpakilala sa akin?" tanong ko

"Woah calm down. I have evidences." sabi nito at nilabas ang phone niya
"Look,this is me and this is Josh."  tinitigan ko ito nang mabuti at tinitigan si Justin

"Ikaw si Budjah?" mabilis pa sa alas tres kong tanong

"Wait— i-ikaw si Arian?!" pasigaw nitong sabi

Hinampas ko ito
"Sabing hindi ako si Arian e! Ilang beses ko ba sasabihin na ako si Kristel?" naiinis kong tanong

"Sino ba si Arian?" napaisip ito tapos sinagot ko

"Yung babaeng laging may baon na dalawang zest-o na para kay Josh/ Cullen yung isa." sagot naming dalawa kasi siguro naaalala na niya

"Wow! Just wow!" amaze na amaze nitong sabi
"Laki ng glow up Tel ah. Teka hindi ako makapaniwala." sabi nito habang natatawa

Imbes na matuwa ako e bigla akong nalungkot
"So ibig sabihin si Josh at si Cullen ay iisa?" tanong ko

"Oo nga. Teka natatandaan mo ba nung inaasar pa kita lagi tapos nagsusumbong ka kay tita Reign?" sabi nito kaya imbes na tumango ako e kinuha ko ang gamit ko
"Teka saan ka pupunta?" tanong nito

"Sabihin mo magle leave ako ng isang linggo." naiiyak kong sabi

"Patay tayo riyan." narinig ko siya at alam kong hinahabol ako nito

Josh's P. O. V

"Josh hindi ko talaga alam. Sadyang na excite lang ako na after 15 years ay nagkita ulit tayong tatlo ni Kristel. Don't be mad at me Joshhhh please." pagmamakaawa ni Justin

"I'm not mad at you. Saan siya pumunta?" tanong ko

"Wala siyang sinabi basta umalis lang siya tapos sabi pa niya magle leave raw siya ng isang linggo." paliwanag ni Justin

Tinawagan ko ang mga guard ko na puntahan ihanda ang kotse ko at hanapin si Kristel bago pa mahuli ang lahat.

Paano ko ieexplain sa kanya? Maniniwala kaya siya sa akin?

Saan ko siya hahanapin ngayon?

Siguro makakatulong ang mama niya pero baka magtaka ang mama niya kung bakit hindi ko alam kung nasaan mismo ang employee ko. Haysss 'wag na nga lang.

Pinahanap ko na lang sa mga guard ko si Tel.

Hindi ako pwede umalis ng kompanya ngayon dahil naalala ko na may mga importante akong kliyente.

Justin's P. O. V

Nakalipas na ang araw at panibagong araw na naman pero walang nakahanap Kay Kristel. Nagu guilty tuloy ako kasi kung hindi lang ako naging insensitive siguro hindi magiging ganoon naramdaman ni Kristel.

"May balita na raw ba kay Kristel?" tanong ko kay Josh pero umiling lang ito

*knock knock*

"PASOK!" sigaw ni Josh at pumasok ang employee niya pero nagulantang kami kung sino ang pumasok

"Good morning sir," bati nito pero kami tulala lang sa kanya
"I'm sorry for what I behave yesterday. I know that I shouldn't do that misbehavior once again I'm sorry. Anyways, I'm here to give this report papers for last week. I should go now sir." seryosong sabi ni Kristel kaya naman hanggang sa makaalis ito ay nakatulala kami

Napatingin si Josh sa akin
"Gawin mo na dapat mong gawin Josh." sabi ko at senenyasan siya

Tumayo ito at iniwan ako para sundan si Kristel

SB19 Random Fanfiction Storiesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن