𝑨𝒄𝒄𝒊𝒅𝒆𝒏𝒕𝒂𝒍𝒍𝒚 𝑰𝒏 𝒍𝒐𝒗𝒆 || 𝑲𝒆𝒏

134 1 0
                                    

Y/N's P. O. V

"Kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay humanap ka ng PANGIT at ibigin mong tunay yeah yow" kanta ng kuya ko at pagkabanggit ng Pangit ay tumingin sa akin

Well, asaran lang naman namin yun na magkakapatid,

Apat kaming magkakapatid at ako ang bunso na nag-iisa pang babae,

"MakaPANGIT kuya ah, hiyang-hiya ako sa'yo" iritado kong sabi

Minsan nga kahit biro lang e nasasaktan ako, alam niyo naman na truth hurts

"Nako! Badtrip nanaman si Tisay inaway niyo nanaman noh?" tanong ng panganay namin na si Kuya Gino

"Ano pa ba kuya? 'wag mo sabihin na pati ikaw aasarin ako, kotang-kota na ako ngayong araw kuya" kinuha ko yung cellphone ko at dumiretsyo ng kwarto ko

"Knock, knock" si Kuya Gino nanaman ang kumakatok

"Pasok po" nakasimangot pa rin ako

"Napakainit ng ulo mo tisay, ito. Ibili mo lahat 'yan, 'wag kang uuwi dito ng hindi ubos yan a" at inabot sa akin ang dalawang libo

"Ayan kuya, sinasanay niyo ko sa paganyan-ganyan niyo" reklamo ko

"Ayaw mo?" tanong niya

"Nagreact lang e, may ipapabili ka ba kuya?" tanong ko at kinuha yung pera

"Wala na" sabi niya, kiniss ko siya sa pisngi at pinalabas kasi magbibihis ako

"Aba! nangurakot ka nanaman Y/N a" reklamo nang all around bespren kong si Lili

"Kusang binigay 'yan sa akin, napaisip nga ako na magpa-asar lang ako sa kanila lagi tapos kapag nabadtrip ako bigyan ulit ako ng pera arayyy naman" batukan ba naman ako

"Abusado ka rin e noh, kung inipon mo na lang 'yan para sa concert hindi yung lamon ka nang lamon" makapagreklamo 'kala mo siya hindi

"Aba! Akin na nga yan" sabay kuha nung kinakain niyang burger

"Nagbibiro lang, ito naman oh. Halikan kita sa pwet diyan e" biro niya

"Ge nga" sabi ko dahilan pata mapasimangot siya

"Loka ka! Ikaw 'tong magjjoke ta's di mo sasakyan yung akin? Tulak kita sa crush mo tamo" ngumiti agad ang loka

"Naniwala ka namang gusto ko? Kahit itulak mo ko ok lang, bakit? kasi boypren ko na 'yun, ikaw kelan ka magkakajowa? baka jowala?" ginigigol niya ako a

"Kita mo 'tong payong na hawak ko? Tatama sa mukha mo 'to ano? suntukan na lang oh?" biro ko

"Ayaw, gusto ko sabunutan para mas girly" sagot niya

"HAHAHAHAHHAHAH" malakas naming halakhak

"Hoy! hindi lang kayo ang tae este tao dito.So, shut up" sabi nung maarte na babae

"Pasheya ay este pasensya na po" hindi ko alam kung sincere si Lili or nang-aasar

"Alis na nga tayo dito baka magkaroon pa ng WWIII" hinila ko na siya palayo

"Gag* naiihi na ako" tinampal ko bunganga niya

"Kababaeng tao palamura" tinampal rin niya bunganga ko

"Mabait ka ghorl? Sige na wait mo ko dito, ihing-ihin na ako" iniwan niya sa akin yung milktea niya at umalis

Teka? Nasaan na nga ba yung sa akin dito?

SB19 Random Fanfiction StoriesWhere stories live. Discover now