𝑳𝒖𝒄𝒌𝒚 𝑪𝒉𝒂𝒓𝒎𝒔 || 𝑶𝑻5

113 2 0
                                    

Y/N's P. O. V

Dala ang back pack ko at ang flashlight ko, dahan-dahan kong binubuksan ang pinto ng kwarto ko,

Sumilip ako sa kaliwa at kanan at nang maramdaman ko na walang tao ay dumiretsyo ako pababa

"Mukhang may gala ka ngayon bunso" napalunok ako at humarap sa nagsalita

"Hello kuya Ken" bati ko

"Sa'n ang punta?" tanong naman ni kuya Stell

"Nagpaalam ka ba?" tanong ni Kuya Sejun

"Sorry mga kuya, gustong-gusto ko talaga kasi makapunta ng camping" nakanguso ako habang nagsasalita

Yung apat ko na kuya ay nakapalibot sa akin, nasaan si Kuya Jah? tulog na kaya 'yun?

"17 ka pa lang Y/N. Paano kapag nahuli ka ng mga barangay tanod ta's wala pa kaming alam nun" nakayuko ako habang pinagsasabihan ng mga kuya ko

"Tsaka ka na gumala kapag 18 years old ka na" sabi ni kuya Ken

"Umakyat ka na sa taas, matulog ka na. Let's talk tomorrow" sabi ni kuya Sejun at his serious tone

Kinakabahan na tuloy ako. Baka grounded nanaman ako for one week, hayst

"Sorry Kael, hindi ako makakarating nahuli ako ng mga kuya ko" bulong ko sa kabilang linya

"It's ok Y/N" sabi niya at pinatayan ako ng telepono

Hindi tuloy ako makatulog, kaya kikwentuhan ko na lang kayo about our family.

I'm Y/N de Dios and those four boys, actually they are five. Those five boys are my brothers, kasama ko na sila since baby pa ako, mga mukha na nila ang nasilayan ko pagkamulat na pagkamulat ko ng mata ko. Silang lima ang lagi kong sabay sa pagkain at higit sa lahat, sila ang pamilya ko. Wala na kaming parents at kapag tatanungin ko sila lagi kung sino ang mama at papa namin, lagi nila binago ang topic like nung nakaraang taon,

Tinanong ko sila "Mga kuya? Gusto ko sana malaman name ni mama at papa" nagkatinginan muna sila bago sinagot yung tanong ko, "Annalyn at Gio" sagot ni kuya Stell, ta's nung tinanong ko na sila kung bakit iba-iba ang apelyedo namin

"E bakit naman po magkakaiba tayo ng surname?" tanong ko
"Uhmmm, alam mo ba bunso na hindi p'wede madaming tanong, ito na lang. Anong tawag sa maliit na babae?" umiling na lang kaming lahat dahil sa sinabi ni kuya Jah

What if, hindi nga kami magkakapatid? ta's napulot lang nila ako sa basurahan? 'Yun lagi sinasabi ni Kuya Jah sa akin

"Nako, kung ano-ano na iniisip ko, itulog ko na lang 'to" bulong ko at tinurn-off ng table lamp

"Gising na bunso" pambabangon ni kuya Stell at kinuha ang dalawang kamay ko para hilahin patayo

"Kuya, inaantok pa ako e" reklamo ko habang pinipilit na ihiga yung katawan ko

"Nagpuyat ka ba kagabi?" napatakip ako sa mata ko dahil sa sinag ng araw

Hinawi kasi ni kuya Sejun yung kurtina ko

"And remember what I've said last night. We need to talk, right? now, go downstair and we'll talk about it on breakfast" napaupo na ako sa kama ko at yung dalawang kuya ko ay lumabas na ng kwarto ko

Ano pa bang magagawa ko? E'di bumangon at gawin yung everyday routine

"Aba! Late ka nanaman bumangon" reklamo ni kuya Ken

"Napaaga ka lang ng gising kuya e" sagot ko

"Bilisan mo na kumain Y/N, 'diba ako maghahatid sa'yo sa school?" sabi ni kuya Josh

And yes, si kuya Josh ang maghahatid sundo sa akin sa Monday, Tuesday is kuya Sejun, Wednesday is kuya Stell, Thursday is kuya Ken and kuya Jah, and for Friday ay lahat sila kasi lagi kaming dumideretsyo sa Mang Inasal para doon na mag-dinner. How lucky I am, right?

"Hindi na ako kakain kuya, mamayang break time na lang po namin" kinuha ko na ang bag ko at tumayo na

"Hep, hep. Balik sa upuan, hindi ka aalis hangga't hindi ka kumakain" sabi ni kuya Stell at pinaupo ulit ako

"Baka gusto mong matrigger ulit yung ulcer mo?" tanong ni kuya Jah

Kaya no choice, I need to eat with the sermon of my beloved kuya Sejun

After a moment, natapos ko rin ang pagkain at naihatid na ako ni kuya Josh sa school,

By the way, I'm just Grade 11 student

"Nakakainggit naman si baby girl, hatid sundo ng mga poging kuya" pang-aasar ni Nayumi

"May kuya ka rin naman 'diba?" tanong ko

"Napakamapang-asar nakakabisit lang" hinilamos pa niya yung kamay niya sa mukha niya

"Ayaw mo nun Nayumi? Araw-araw mo makikita MGA CRUSH mo?" sabi ni Carla

"E di wow! Hindi nga ako makapili ng papakasalan ko e" biro niya

"Never ka ba nagkagusto sa mga kuya mo?" dugtong ni Nayumi sa akin

"You crazy little ass, of course not. Ano yun incest? It's a big Yuck, stop asking me that kind of question" sabi ko na umaarte pang nasusuka

"You two have a point pero kasi bakit napakagwapo, caring at ano, ano basta napaka Husband material ng mga kuya mo? Napakaswerte mo talaga Y/N" sabi ni Carla

"Well, the truth is they are my Lucky Charms. My five lucky charms" sabi ko at kinindatan sila

May iba't- ibang uri tayo ng magkakapatid, merong pinapakita ang pagmamahal nila through teasing at meron rin yung ipinapakita nila yung full support, love and care by being strict.

•●•●•●

So anong klase ng kapatid meron kayo? Kindly comment below ♡
~Mandyy♡

SB19 Random Fanfiction StoriesWhere stories live. Discover now