Kabanata 11

16 3 0
                                    


Tahimik lang akong pinagmamasdan ang pagtawa ni Veron, mula sa front mirror. Gano'n din si tito na natatawa sa kwento ng isang kapatid ko. Ngumingiti lang ako upang hindi ako mapansin ni tito.

"Si Nikasha po?" mahinang tanong ko.

I want to talk to her. Wala akong balak sabihin ang mga nangyari ngayon pero may mga bagay lang aking gustong itanong.

"Asa ka pa ro'n, hindi naman yon napipilit sa ganito e. Kapag siya nag-alok hindi ako pupunta, magpapakipot ako, pahihirapan ko siya, kailangan niya akong pilitin," mahabang sagot nito.

Tumingin ako sa kaniya na salubong ang mga kilay nito.

"Hindi naman siya namimilit. Kapag ayaw, ayaw."

"Please do remember, she is still the Nikasha. Bagay na bagay sa kaniya ang pangalan niya," natatawang saad ni tito sa amin. "Wanna eat? Sunduin natin siya?" dugtong ni tito na ikinangiti ko.

"Great! Hindi naman siya tatanggi. Wala naman siyang pasok ngayon, right?" masiglang tanong ko na tinanguan nila.

"Uhuh. Baka nahihimbing pa ang isang yon.  Tawagan ninyo muna," utos ni tito.

Nagkatinginan pa kami ni Veron, ni hindi man lang siya gumalaw kaya ako na ang gumawa. I dialed her number but she didn't answer. Ilang beses ko pa ginawa yon bago ko marinig ang pagtawa ni Veron.

"Hayaan mo na kapatid, surprise na lang natin siya."

Maya-maya pa ay natanaw na namin ang bahay ni Nikasha. Maganda ang pagkakaayos ng mga halaman sa tabi ng bahay nito. Sabay-sabay kaming bumaba sa kotse at mas nauna pa si Veron, sa pag-doorble.

Panay ang pagpindot ng kapatid ko at ni wala man lang na lumalabas. Tito was about to call her name when the door suddenly opened.

Magulo ang buhok, nakapatong ang makapal na kumot sa buong katawan, at salubong ang mga kilay nang tumitig ito sa amin.

"What are you problem?!"

"Hoy! Pamilya mo kami! Buksan mo to! Problem, problem, ka r'yan," sigaw pabalik ni Veron, dahilan para matigilan si Nikasha.

Nagtataka namang tumingin si Tito sa dalawa kong kapatid. Kitang-kita sa mukha ni Nikasha ang inis at saka nagpasyang lumabas ng kaniyang bahay.

"W-What? Ginagawa ninyo rito?' tanong nito.

Dismayado si tito sa inakto ng kapatid namin, pero wala siyang ibang ginawa kundi ang intindihin si Nikasha.

Long patience for Nikasha, is a must.

"I'm sorry. Gusto lang sana namin na isama ka para kumain," ngiting sabi ko at pinipilit na labanan ang titig niya.

"Ikaw na nga tong bumibisit—"

"Thank you?" sabat agad ni Nikasha, na mas lalong ikinatikom ko.

Is she mad? I guess, she is.

"Hindi po ako makakasama kung may pupuntahan man kayo. I have to rest. Sorry, " bulong nito saka tumingin kay tito.

"Okay. I'm sorry. Matulog ka na ulit. Dadalhin na lang kita ng pagkai—"

"Okay lang po ako tito. Una na po ako." Tumalikod ito sa amin at mas lalong hinigpit ang pagkakabalot ng kumot sa kaniyang katawan.

"Tara na. Huwag na nating pilitin," bulong ni tito saka ngumiti sa amin.

I can see in his eyes the disappointed. Inis naman ang nangingibabaw kay Veron, samantalang ako, pag-iintindi. Hindi masama ang ugali niya. Siya lang talaga si Nikasha.

Tahimik lamang kaming umuwi sa mansyon at nagpaalam na ako na pumunta sa aking kwarto. Dahil karamihan ay nandoon na ay sila-sila na lang ang nag-usap. Sumaglit lang si Veron at saka umalis din.

To Nikasha:

Hope you okay. Visit us here. I miss you. I love you.

After I sent my message, ay bumalik ako sa pagkakahiga. Sa pag-iisa ko ay mas lalo ko naramdaman ang sakit ng aking katawan, ang pang-ibaba ko, ang ulo ko, ang lahat. Natatakot akong magtanong lalo na kung panghuhusga ang makukuha ko. Nakakatakot magsalita.

Ang bigat lang sa pakiramdam na sa panandalian na oras ko lang pwedeng makalimutan ang bagay na iyon, dahil sa tuwing nag-iisa ako, mas lalong nagiging malinaw sa akin ang mga nangyari.

May kulang na sa akin.

And I'm scared that the man will I love, will question and make a big deal my virginity that I lost.

Binalot ko ng makapal na kumot ang aking sarili. Sinandal ko ang aking ulo sa dingding kung saan natatanaw ko ang makulimlim na kalangitan. Nagbabadya na namang umulan. Rain will never leave me. Rain is always there for me. Kung ano ang nararamdaman ko, iyon din ang nakikita ko sa kalangitan.

Naalimpungatan na lang ako dahil sa sobrang lamig. Agad akong nakaramdam ng kaba at panginginig ng katawan, mabilis kong ibinalot ang aking kumot sa aking katawan.

Hindi ko maiwasang maluha dahil ganitong-ganito ang nangyari noon. Inilibot ko agad ang aking paningin at saka isiniksik sa utak ko na ligtas ako rito, na nasa mansyon ako. H-Hindi ko inalis ang kumot sa aking katawan at nagpasyang bumaba upang kumuha ng pagkain. Ayokong isipin nilang nababaliw ako, ayokong isipan ng masama ang mga tito ko. 

They're not like Fred. They're not.

"Nilalamig ka?" tanong ni Jairo na biglaan na lang sunulpot sa aking gilid.

"Sero!" bulalas ko nang makita ko ang alaga kong hawak niya.

Nagpabitaw ako sa aking kumot at saka mahigpit na niyakap si Sero. Hindi ko inakalang magiging ganito siya kalaki. Halos makalimutan ko na mayroon pala akong alaga. Ang malamig na hangin na nararamdaman ko ay mas naging mainit dahil sa makapal nitong balahibo.

"I miss you," bulong ko saka siya inalo.

Sa kaunting panahon lang ay halos nawala kahit papaano ang pangamba na nararamdaman ko. Halos mag-ingay na si Sero, sa higpit ng aking pagkakayakap.

Narinig ko naman ang pagtawa ng mga tao sa sala at nakatingin sa akong likuran.

"Ayaw nga, Jai."

"She's getting colder."

"Mas cold ka."

"Fvck you."

Muli na namang bumulalas ang mga tawanan hanggang sa makaupo ako sa dulo ng sofa. Roon ko lang napansin si Jai, na hawak ang aking kumot. Itinaas nito nang kaunti ang kumot, dahilan para mapamaang ako.

"Oh, S-Sorry."

Kinuha ko agad ang kumot at saka narinig ang boses ulit ni Martin.

"Your are getting colder na raw, that's why sinusundan ka niya, before to give your kumot," paliwanag ni Martin, na ikinangiti ko.

Nilaro ko lamang ang aking pusa habang kumakain. Pinagmasdan ko lang ang maamo nitong mukha ngunit ang aking tenga ay nasa mga taong nasa sala. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagtabi ni tito sa akin. Umalis si Sero, sa aking tabi at nahiga sa hita ni tito.

"Tomorrow, we have a meeting together with Fred."

Bahagya akong nahinto sa pag-kain nang marinig iyon. Napalunok ako nang marinig ko ang pangalang iyon. Sinulyapan ko lamang si tito at pinagpatuloy ang pag-kain.

" I want you to congratulate you, for your work. Well done. Kahit ang mga tito at tita mo ay nagulat. That's a nice beginning. Mukhang hindi ako magkakamali sa pag-iiwanan ko," nakangiting bulong nito sa huling bahagi.

"Don't say that, tito," bulong ko na tinawanan niya lang. "Ahm, I don't think so, kung makakapunta po ako," panimula ko.

Kunot-noong tumingin sa akin si tito sa akin at inayos ang aking buhok na inipit niya sa likuran ng aking tenga.

"Why? May pupuntahan ka ba bukas?"

Hindi ko siya kayang makita. Hindi ko ma sana siya makita pa.

Umiling ako saka ngumiti. "I want to rest, before I get back to work."

Sana, sa pagbabalik ko ay hindi ko na siya makita pa.

The Rain Calmness | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon