Kabanata 39

20 0 0
                                    


 
Kanina ko pa tinititigan ang laman ng refrigerator sa bahay, bukod sa iba't-ibang inumin ay prutas na lang ang nandito, gustuhin ko man na lumabas ng bahay ngunit wala ako sa mood, hindi ko kaya, sobrang bigat ng katawan ko. Maingat kong sinara ang ref at saka muling naupo sa upuan, bintana lang ang nakabukas para naman makalanghap ako ng sariwang hangin.

I suddenly grabbed my wallet. Kaunti na lang din ang pera ko, ayoko namang tumawag sa mansyon para lang manghiram ng pera, alam kong namomroblema sila lalo na sa pagkakaroon ng comatose ng asawa ni Nikasha. Nagpasya akong ubusin na lang iyon sa pagbili ng mga pagkain. Nagsuot ako ng makapal na damit at hinayaan ang buhok na nakalaglag. Ngunit hindi pa man din ako nakakalabas ng bahay ay bumungad na agad si Manang Sita, na mukhang may balak na kumatok.

"Good morning po," bati ko na nginitian niya agad.

"Magandang umaga rin naman. Napansin ko na hindi ka lumalabas mula noong nakaraang araw, ikaw ba ay ayos lang?" tanong nito na nginitian ko.

"Opo, may mga inasikaso lang ako," pagsisinungaling ko.

Sumama ang pakiramdam ko no'ng araw na iyon, pakiramdam ko ay lalamunin ako lagi ng apoy, so I chose to stay here at huwag nang lumabas kung wala namang kailangan.

"Ito nga pala, para sa iyo 'yan, nasabi kasi sa akin ng aking asawa na mahilig ka sa matatamis, masarap iyan, ubus— aba'y bakit parang namumutla ka? May sakit ka ba?" pag-iiba niya ng usapan.

Agad akong umiling habang inaabot ang basket na dala Niya kung nasaan ang pagkain. "Wala po, medyo mainit lang ang pakiramdam ko, pero maayos naman po ako. Salamat po ulit dito," ngiting saad ko.

"Ikaw talaga, maayado kang nagpapagod sa trabaho. Basta't kung may kailangan ka ay sabihin mo lang sa akin, lalo na't nakakabahala at ikaw lang ang mag-isa, marahil e, abala rin ang kaibigan mong si Fred, sa trabaho kaya gano'n. Mauuna na ako, ija."

Isang mabigat na paghinga lang ang naisagot ko bago ko isara muli ang pinto. Dahan-dahanh inilagay sa mesa ang basket na may iba't-ibang pagkain at saka ibinagsak ang katawan sa upuan.

Fred, Fred, Fred... Pangalan na lang niya ang naririnig ko.

Buntonghiningang, ayan na lang ang madalas kong gawin dito bukod sa i-review ang nga stocks.

Nagpasya akong kainin na lang ang iba roon habang nakikinig sa musika. Blangko ang utak ko at hindi pumapasok sa isip ko ang ibang mga reklamo ng ibang kliyente namin, akala naman nila, e, hindi namin alam ang ginagawa nilang pandudumi sa pangalan ng kumpanya. Well, tito could managed that.

Sa kalagitnaan nang aking pagnguya ay natigil naman ang aking pinapatugtog, rumihistro doon ang numero ni Nikasha, agad akong napangiti nang masagot ko iyon.

"Hey," bungad ko ngunit wala akong ibang narinig kundi ang maliit na boses.

Si Gale, her son!

"N-Nikasha? Are you there?"

[Sorry, may inayos lang ako. Balita riyan?] tanong nito sa akin kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.

"I'm good, and having fun of here. Actually this place was really good... For me. Bawas stress gano'n," sagot ko saka ko narinig ang pagsasalita ni Gale na hindi ko naman naiintindihan.

[Mukha nga. Wala na bang masakit sa katawan mo? Hindi ko alam kung anong kagagahan ang nangyari sa iyo riyan,] mahinang saad niya na tinawanan ko.

"As I said, okay lang ako. Ikaw? Ang anak mo?"

Sandaling tumahimik ang lahat. Mabigat ang paghinga ni Nikasha, at alam kong nahihirapan pa rin siyang pag-usapan ang tungkol sa pinagdaanan niya.

[Umuwi ka na rito. Rito mo ituloy ang pagpapahinga mo, tito will send the payment, magpabook ka na, hihintayin ka niya rito 'till saturday,] mahabang sabi nito na hindi man lang sinagot ang nauna kong tanong.

Napatango na lang ako at naikagat ang labi. Is this the sign that I wished for? Ang bumalik na lang sa syudad at magbabad muli sa mga kliyente at paperworks. Kaysa rito, I admitted that I really enjoyed staying here. Sa sobrang kalmado ko sa lugar na ito, ay masyado naman akong nalunod sa atensyon na ibinibigay sa akin ng isang tao. Mabilis akong masanay. That's the problem with me.

I have only two days? Since Thursday ngayon.

"Okay. Wait for me, there "

[Ok. Bye—]

"Wait! A-Ahm, where's Sero? Naaalagaan ba siya?" Literal na kumalabog ang dibdib ko dahil ilang buwan ko na siyang hindi pa nakikita.  Lahat ng tao sa mansyon ay busy kaya sinong maaasahan ko?

[Sero? Sino yon?]

Damn!

"Iyong alaga kong pusa, that fat-orange that looks like Garfield, oh god!" kinakabahang anas ko na halos napatayo na.

[Ah, Sero pala pangalan niya, Mingming kasi ang tawag sa kaniya ng mga tao rito. Hmm, nakita ko siya kanina, natutulog sa kwarto ni tito.]

Mingming?

Mabilis akong napangiti. Si tito? Goodness! He's the one who told me na isauli dapat iyon sa may-ari, na pinapabayaan lang naman.

"Thanks. Alagaan ninyo siya, okay?"

[Mas naaalagaan siya kaysa sa anak, ko, alam mo ba yon? Pati gatas ni Gale, iniinom niya. Sige na. Ibaba ko na ito.]

"Thank you! I miss you!"

Nakangiting ibinaba ko ang telepono, kahit papaano ay gumaan ang kalooban ko dahil may nakausap ako. Nabawasan ang lungkot lalo na sa pusang naaalagaan pala nila.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Dahil hapon pa lang naman ay naglinis na ako ng buong bahay. Niligpit ang dapat na iligpit at inihanda ang maleta. Ayokong magmadali lalo na kung may oras naman ako. Buong araw lang akong nasa bahay at nilinis ang lahat. Nasa isang tabi ang isang maleta at isang bag.

For tomorrow, I have to talk Anthony and Joan, ako na ang magpapaalam na aalis na ako. Tho, hindi naman talaga ako kailangan dito, hindi ko pa rin alam kung paano ako napunta rito, but they're told me an only one story. Paulit-ulit ang kuwento.

Matapos kong maasikaso ang aking sarili ay nagpasya na akong mahiga, but then, I saw the familiar white thingy, hanging at the wall. Mahinang hinahangin ito sa gawi ko.

His Dream Catcher.

"Here. Ginawa ko yan, hmm, pasensya na kung hindi maganda. Ayan pa lang ang unang ginawa ko."

While I reminiscing that scenario, I couldn't help but to smiled. That's the one he made it for the first time, yet it's so beautiful, as he practice that craft.

Kumakalma ang puso ko kapag nakikita iyon, may kung anong sumpa ang bagay na iyon lalo na sa tuwing sinusuot ko. The best pendant.  Pero hindi ko rin maiwasang kabahan sa tuwing iniisip ang lalaking iyon. Kumusta na kaya siya? Ni hindi man lang iyon napapadaan dito.

Matapos ba naman ang mga kahihiyang nangyari na ako mismo ang nagsimula, sapat na siguro ang rason na iyon para hindi siya magpakita sa akin.

The Rain Calmness | CompletedWhere stories live. Discover now