Kabanata 23

16 2 0
                                    


 

Sinisikap kong hindi makatingin sa lalaking nasa aking gilid, kanina pa pinagmamasdan ang ginagawa kong pag-iimpake. Mabigat na napabuntonghininga na lang ako nang maisara ko na ang zipper ng maleta.

Maalinsangan ang panahon at ito ang takdang oras para magtrabaho nang maayos, hindi pa man ako lubos na gunagaling pero mas okay na rin ang ganito. Malayo sa pamilya ko at mabibigyan ng oras ang aking sarili.

"Hinihintay ka na ni Jairo sa ibaba. Tawagan mo agad ako kapag nakarating ka na roon. Susunod din ako Jairo sa Agustin after two weeks," sabi nito na agad kong tinanguan.

Tuluyan itong pumasok sa kuwarto upang kunin ang aking maleta. Nauna na itong lumabas samantalang ako ay pinag-iisipan pa rin kung ano ang mangyayari sa akin doon. Gusto kong isama si Faith, pero isasabay siya ni Jairo. So I have to wait until next two weeks.

Nang makarating na ako sa ibaba ay agad akong tinalunan ni Sero, bawal ko siyang isama roon dahil baka hindi ko lang siya maalagaan.

"Huwag magpapasaway, okay?" tanong ko rito ngunit titig na titig lamang siya sa akin.

Nauubusan na ako ng oras kaya ibinaba ko na ito, nagpaalam na rin ako sa kanila at saka pumanhik sa labas.

"Call or text me kung nandoon ka na. Pinaubaya na kita may Joan, secretary yon ni Mr. Anthony. Take care. I love you." Panghahalik nito sa aking noo.

"Noted. I love you."

Hindi ko na muling nilingon si tito at saka pumasok sa loob ng kotse, nakangisi lang si Jairo nang datnan ko na halos ipagtaka ko.

"What now?"

"Hmm, nothing. Ingat ka lang. Iwasan mong uminom ng marami roon," panimula nito na hindi ko pinansin.

Nagsimula na itong magmaneho, tahimik lamang kami at hinahayaan ang musikang balutin ang buong kotse nito. Hindi ko rin maiwasang antukin hababg tinatahak ang daan papuntang airport. Sa barko sana ako pinapasakay ni tito, pero tinanggihan ko iyon. This time, I always scared. Lalo na't kapag barko ang usapan.

Nang makarating kami sa ariport, ay inalalayan pa ako ni Jairo, papasok doon. Tanging pagkaway lang ang ibinigay ko sa kaniya at tuluyan nang hindi nakita. Ramdam na ramdam ko ang pag-iisa ko kahit wala pa ako roon. Ni hindi ko alam kung paano paninindigan ang ganito. All I want to do is to make safe and peace of mind. And of course, yong sinasabi ni Jairo na kasagutan.

Ilang oras lang ang byahe bago kami makarating doon sa Agustin. Malaking isla ito at base kay tito ay mayroong dalawang isla na maliit lamang kung saan ang isa roon ay itatayo ang casino. Akala ko pa naman ay pabrika, kaya lubos akong nag-alala noon.

Nasa sentro ako ngayon. Ito ang sinasabi nilang syudad, pero hindi halata dahil sa dami pa rin ng puno, kaya kahit tanghali ay hindi mainit dahil sa hangin at lilim na binibigay ng mga matatayog na puno.

"Ma'am Ficarro!" Tinig ng isang babaeng kumakaway sa tabi ng isang kotse.

Ngumiti agad ako at sinalubong niya ako ng ngiti rin. Agad nitong hinawakan ang aking maleta at ipinaubaya sa isang lalaking driver siguro nila.

"Ako po si Joan, Ma'am. Ako po yong nakausap ni Sir Ficarro," pagpapakilala niya sa kaniyang sarili kaya napanatag ako.

"I see. Nice meeting you."

Inalalayan niya ako Pati sa pagpasok ng kotse. Nasa bandang likuran kami at sa magkabilang gilid.

"Ah, Ma'am? Okay lang po bang ihatid agad namin kayo sa tutuluyan ninyo?" magalang na sabi nito na ikinatango ko.

"Sure. No problem with that. Malapit lang ba iyon sa kumpanya ninyo?"

"Hindi po Ma'am, e. Yong tutuluyan ninyo po kasi ma'am, exclusive po iyon para sa mga bisita at kliyente po ni Sir. Ang mangyayari po niyan, may susundo po sa inyo next week, papunta po sa kabilang isla," pagpapaliwanag nito sa akin.

Tumango na lamang ako at saka tumingin sa daanan. Pantay-pantay ang mga matatayog na puno sa kalsada at halos walang sasakyang dumaraan. Medyo marami ang naglalakad at napansin kong mas marami rin ang gumagamit ng bisekleta.

Medyo napaisip ako sa sinabi ni Joan na sa next week. Napakunot pa ako dahil ano naman ang gagawin ko sa loob ng limang araw? Ni hindi ko kabisado ang lugar at wala akong kakilala.

"Joan? Puwede bang bukas na agad magsimula? Hmm, para mapag-aralam pa namin ang mga puwedeng gawin sa gusto niyang layout at sa iba pang usapan. May mga iba pa ba siyang gagawin?" tanong ko na dahan-dahan niyang ikinatango.

"Okay lang naman po ma'am, patapos na rin po siya sa iba. Unfortunately, kayo naman po talaga ang pagtutuunan niya ng pansin for this month. Kakausapin ko lang po siya this day, then I'm going to tell you po immediately what time your meeting," nakangiting sabi nito ikinatuwa ko.

"Oh, thank you!" sagot ko.

Hangga't maaari ay kailangang ko nang magtrabaho para maiiwas ang utak ko sa kung anong bagay lalo na't mag-isa lang ako rito. Mabilis akong mag-isip ng kung ano-ano at kailangan ko ng isang bagay kung saan mas maitututok ko ang aking atensyon.

Nang makarating sa destinasyon ay bumungad sa akin ang mga two-story-house, gawa sa modernong bahay-kubo ang mga ito. Makikintab na kawayan at may mga puno pa rin. Tuwang-tuwa ako nang makapasok ako roon dahil sa sobrang linis at aliwalas. Walang kama, ngunit mayroong makapal na higaan doon na katulad sa hinihigaan sa mansyon.

Wala talagang makakatalo sa kalikasan.

"This is awesome! Ang ganda! Kaya siguro dinagsa ng turista ang lugar ninyo," ngiting anas ko na ikinapula ng kaniyang pisngi.

"Thank you so much po Ma'am, for sure na matutuwa nito si Sir."

"You all deserve my compliments. Okay na ako rito, hmm, hindi naman mahirap bumalik dito kung sakaling may puntahan ako."

"Oo naman po Ma'am. May mga staff naman po na nakakalat diyan ma'am. And don't worry po, may mga service po kaming ihahatid sa inyo rito mamaya. Hindi na po namin kayo ababalahin, mauna na po kami," pagpapaalam nito.

Bahagya akong kumaway at pinagmasdan silang umalis. Doon din ay natanaw ko ang asul na asul na karagatan, may mga bangka na lumalayag at kung tititigan ko pa nang maiigi ay halos tanaw ko rin ang parang bundok sa kabilang bahagi. Iyon ata ang kabilang isla, mukhang malayo dahil sa sobrang liit ng aking nakikita.

Napabuntonghininga ako. Rito na magsisimula ang mga araw na mag-iisa na ako. Katamtaman lang ang laki ng kubo para sa akin. Nagpasya akong pumunta sa maliit na balkonahe na ito kung saan may duyan doon. Dahan-dahan akong naupo sa takot na baka mahulog ako. Tanaw na tanaw ko naman sa direksyon na ito ang mga nagtataasang puno na magkakahilera, ngunit natatanaw ko pa rin ang dagat.

To: Tito:

I'm here na po tito. The place is actually good. I'm here in Centro. Bukas po agad magsisimula ang trabaho, para matapos agad kung sakali. Have a nice day.

Matapas kong ma-send iyon ay saka ko pinagpatuloy ang pagtitig sa dalampasigan.

Bahagya akong napangisi nang may maalala na naman. Lahat na lang ata ng lugar ay naroon siya.

The place where I started to assumed that the girl he talks about was me. How funny. Sana nga, sana maging maayos ako sa lugar na ito.

The Rain Calmness | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon