The Day We Met

11 2 0
                                    

Nagising siya sa patak ng tubig. "Ulan." ibinuka niya ang kaniyang bibig upang saluhin ang ang mga patak ng ulan na dumadampi sa kaniyang mukha. Uhaw at pagod, wala na siyang pakialam kung saan man ito nagmumula.

Nang tuluyang mapunan ang nanununuyo niyang lalamunan ay unti unti na rin niyang iminulat ang kaniyang mga mata.

Pagmulat ng kaniyang mga mata ay mukha ng isang estranghero ang bumungad sa kaniyang paningin.Nakatitig ito sa kaniya na tila balisa o nagugulumihanan.

"Sino ka?" bulalas niya, sabay igkas palayo sa estranghero, ngunit sa biglaan niyang paggalaw ay inatake lamang ng sakit ang kaniyang balikat.

dali dali naman siyang inalalayan nito para ayusin ang kaniyang upo. iginala niya ang kaniyang paningin sa paligid at napagtantong nasa gilid sila ng isang talon at ang mga tubig na pumapatak sa kaniyang mukha ay hindi ulan kundi mga tilamsik ng tubig na nagmumula rito.

"Ako si David." sagot nito sa kaniya.
"Hindi ko alam kung anong nangyayari pero nung nakita kita kanina ang una kong naisip ay itakas ka hanggang sa makarating tayo dito."





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Red AshesWhere stories live. Discover now