Madness

21 2 1
                                    

Madilim ang paligid. Tanging maliit na sinag ng liwanag lang ang kaniyang naaaninag mula sa maliit na butas sa kweba.

Hinang hina na siya at hindi na kayang pang higpitan ang pamamaluktot mula sa lamig na bumabalot sa hubad niyang  katawan...

Ubos na ang kaniyang lakas para piliting kumawala sa mga lubid na nakagapos sa sugatan niyang mga kamay at paa.

"Mamayang gabi... Sa kabilugan ng buwan. Matatapos na lahat ang  paghihirap." bulong niya sa sarili.

Andun ang kagustuhang lumaban at kumawala upang makatas at magkaroon ng ibang klaseng pamumuhay. Pero paano?

Pinalaki siya para sa araw na ito.

Sa kaniyang sarili ay iniisip "Anong ibig sabihin ng pagasa"?

Ilang araw na ang nakalipas mula nung huli siyang kumain. Hindi na niya maramdaman ang gutom dahil sa pamamanhid ng kaniyang pakiramdam pero ramdam na ramdam niya ang uhaw.

Tubig. Gusto niya ng tubig.

Pero ayaw niyang humiling sa diyos.

Paano siya hihiling sa kanilang Diyos kung siya ang dahilan ng lahat ng pagdurusa niya ngayon.

"humihingi Ko ng tulong sa ibang Diyos. Kung may iba pang Diyos. Tulungan ninyo ako. Uhaw na uhaw na po ako... Kahit tubig lang..  Pakiusap"... Ang tangi niyang naibulong bago dahan-dahang bumigay ang talukap ng kanyang mga mata at tuluyang balutin ng kadiliman ang kaniyang diwa.

Red AshesWhere stories live. Discover now