CHAPTER 2

2.7K 76 1
                                    

CHAPTER 2.

Rayne's POV.

Napaiwas ako ng tingin nang dumapo ang tingin niya sa akin. Naramdaman ko naman ang kirot ng aking puso, naalala ko na naman yung nakaraan.

Napahigpit ang kapit ko sa aking skirt nang maramdaman ko ang panghahapdi sa mga mata ko.

"So, that's all. Be nice to Mr. Santos.", huling sambit ni Dean bago nagpaalam sa kaniya at umalis.

Nang makaalis yung Dean ay nagsimula na naman tumili ng mahina ang mga kababaehan.

"Hi Sir! Ilang taon na po kayo?", tanong nong maharot naming kaklase na si Elise.

Narinig kong tumawa siya. Nakayuko lamang ako habang pinapakinggan sila.

"I'm 26."

"Kyaaahh...Pwede pa.", tili nito.

"Anlandi ng bruha.", rinig kong sambit ni Shammy.

"Eh jowa sir?", tanong naman nong isa naming kaklase.

"Hmm...Nope but there is someone that special to me.", sagot nito.

Walang jowa? Tsk! Sinungaling!

'Huwag kayong maniwala diyan! Manloloko yan!'

May special-special pang nalalaman ang p*tangina!

"Ahy...Sino Sir? Pa-share naman oh."

"Hahaha...Its secret."

"Awww...Ang daya ni Sir!"

Secret-secret ang g*go!

"Mamaya na yang daldalan niyo. Haha. Let's start now. Before we proceed to our lesson, may you all introduce yourselves?"

Nagpakilala naman agad ang mga kaklase ko. Nakayuko pa rin ako at hindi man lang ako nag-abala na tignan siya. Pakiramdam ko kung titignan ko siya ay maiiyak lamang ako.

"I'm Shammy Laura Whitmore."

Dahan-dahan akong tumayo pero nakayuko pa rin ako.

"Rayne Ashley Barnes.", mahinang pakilala ko.

Pagkatapos ay umupo na ako.

"Are you okay Ms. Barnes?", rinig kong tanong niya.

Napahigpit ang kapit ko sa aking skirt at tumango habang hindi makatingin sa kaniya.

"Okay. So I am Neel Jhon Santos your Math Teacher and your new adviser."

Pagkatapos ay nagsimula na siyang magdiscuss. Nakikinig lamang ako sa lessons niya at nagtake note pero hindi ako tumingin sa kaniya kundi sa white board lamang.

Hanggang sa natapos na ang oras niya at next subject na naman pero absent yung next teacher namin so yung iba ay lumabas at nagpunta sa cafeteria.

Habang nagliligpit ako sa aking gamit ay naramdaman kong may nakatayo sa likod ko. Alam kong si Shammy to.

"Mauna ka na Shammy."

Pero hindi ito sumagot kaya nilingon ko ito at napaatras agad ako nang tumambad sa akin ang pagmumukha niya.

"P-prof. S-sorry p-po. A-akala k-ko p-po s-si S-shammy.", napakuyom ang kamao ko nang magkandautal-utal ako.

"Its okay. I just need your help. Can you help me to bring those papers on my office?"

Pasimple kong nilibot ang aking tingin at ngayon ko lang napagtanto na kaming dalawa na lamang. At naalala kong nauna na pala si Shammy sa cafeteria.

MY EX IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Where stories live. Discover now