CHAPTER 11

1.9K 55 0
                                    

CHAPTER 11.

Tahimik lamang akong nagsusulat at nagsosolve ng math problems habang siya ay nakatingin lang sa akin at sa mga sinosolve ko. Kanina ko pa siya hindi iniimikan. Tanging tango lamang ang aking isasagot kapag tinatanong niya ako kung naintindihan ko ba ang lessons. At alam kong napapansin niya rin ang pagiging tahimik ko ngayon.

"Done?", tanong niya nang binigay ko na sa kaniya ang papel na sinosolbadan ko.

Tango lang ang naitugon ko at yumuko upang hindi makita ang mga mata niyang nakakatunaw kung titingnan mo.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Great. You got the first lesson. Let's proceed to the next lesson."

Sumapit na ang gabi at hindi pa nakakauwi sina Mom and Dad.

Andito ako ngayon sa aking kwarto nakaupo sa gilid ng malaking bintana habang pinagmamasdan ang labas. Sobrang lamig din sa labas tuwing gabi lalo na kapag nasa September to December na.

*tok tok tok*

Napalingon ako sa pintuan nang may kumatok.

"Rayne?"

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko nang marinig ang boses niya.

Tumikhim ako at ibinalik ang tingin sa labas.

"B-bakit?"

Napatampal ako sa aking nuo nang mautal ako.

"Can i come?"

Napalunok ako ng dalawang beses at tumango kahit hindi niya makita.

"S-sure."

Napapikit na naman ako ng mariin nang mautal ulit ako.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan, nanatili sa labas lamang ang aking tingin. Narinig ko ulit ang yapak pagsarado pabalik mg pintuan at ang yapak niyang papalapit sa gawi ko.

"Rayne, can we talk?", mahinahon niyang usal.

Napapikit ako ng dalawang beses at sumandal sa dingding.

"A-ano naman ang paguusapan natin, prof?"

"Don't call me Prof."

Nilingon ko siya pero agad din akong nagiwas.

Umupo siya sa katapat ko at ramdam ko ang titig niya sa akin na aking ikinailang.

"Look, I'm....I'm....I'm so sorry."

Napalingon ako sa kaniya nang sambitin niya iyon.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang hawakan nito ang kaliwa kong kamay at ikinulong sa dalawa niya kamay.

Doon lamang siya nakatingin habang ako ay nakatingin lang sa kaniya.

"About us."

Napaiwas ako nang banggitin niya iyon. Ayan na naman siya.

"I know that its still hurt for you about what i did."

Nagsimulang manginig ang aking mga labi at pinilit na ibuka ito.

"F-forget i-it. I-its already i-in t-the p-past.", nanginginig kong sabi.

Binawi ko ang aking kamay sa kaniya na niyakap ang sarili.

"Rayne, I'm so sorry. Please. I love you, give me another chance."

Napalingon ako sa kaniya nang sabihin niya iyon.

"What did you say? You love me? *smirk* Enough of it Jhon. Alam kong pagpapanggap lamang ang pinagsasabi mo ngayon para lamang na paasahin mo naman ako at saktan----"

MY EX IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Where stories live. Discover now