CHAPTER 5

2.5K 68 2
                                    

CHAPTER 5.

Rayne's POV.

Pagkatapos kong mag-study ay bumalik na ako sa aming classroom ay madami-dami na rin ang mga kaklase ko.

"Huy bruha!", bungad agad ni Shammy nang makalapit ako sa aking upuan.

"Saan ka galing?", tanong nito.

Nilagay ko sa aking upuan ang aking bag at umupo bago siya sinagot.

"Sa library lang.", malumanay kong sagot.

"Weehh? Baka sa cafeteria."

Bored ko siyang tinignan at tinanguan.

"Sa library nga.", paguulit ko.

Nagflip ito ng hair at umayos ng upo.

"Okay fine!", aniya at umupo ng maayos.

Nagsimula na naman ito sa kakadaldal at habang ako ay panay tango lang para kunwari nakikinig sa kaniya.

Sa kalagitnaan ng daldalan niya ay biglang pumasok ang isang lalakeng studyante na sa kabilang section. May dala itong bouquet of flowers at chocolates.

Nagtaka naman ako nang lumapit ito sa akin at nagsimula na naman na magbubulong-bulongan ang paligid.

"Ms. Barnes, pinapabigay ni King."

"KYAAAAHHHH!!!", tili ng mga tao dito.

"O. M. G!!! Hoy bruha tanggapin mo na daliiii!!", tili ni Shammy at niyuyugyog ako.

Nagaalinlangan naman ko itong tinanggap at nagpilit ng ngiti.

"Ah eh. Pakisabi salamat."

"Pinapasabi din po ni King na susunduin ka niya dito mamayang lunch break.", paalala nito.

"WAAAHHHHH!!!", tili na naman nila.

"Sige po Ms. Barnes, alis na po ako.", huling sambit nito.

Napatango nalang ako.

Nang makaalis ito ay inamoy-amoy ko ang bulaklak na nasa bouquet at napangiti sa bango nito. Hindi pa rin natigil ang tili nila at panunukso.

"Besh naol! May suitor! Hahahaha!", Shammy.

Napatawa nalang ako ng mahina sa sinabi nito.

"But duhh...May bebe ako kaya wala nang suitor-suitor.", dagdag pa nito at nagflip hair na ikinatawa namin.

"Daahh...Maghihiwalay din kayo. Kasi walang forever!", sabat ng aming class president.

Si Jonax.

"Aawwwiiiiee!! Sabihin mo lang Pres na nagseselos ka lang! Hahaha!", panunukso ng aming mga kaklase.

Napairap ito at nag-walk out na mas lalong ikinahalakhak nilang lahat.

Napatingin ako sa bouquet of flowers at chocolates.

"Oy Rayne! Baka naman, pahingi ng chocolate.", nakangising saad ng Class Secretary namin na si Ferry.

"Hoy hindi pwede! Patay ka kay King!", sabat naman ng aming Class Vice President na si Jerome.

Napairap naman si Ferry kay Jerome na ikinatawa namin.

Natahimik lamang ang lahat nang pumasok na si Prof Neel.

Nagsibalikan naman silang lahat sa kani-kanilang upuan. Napaiwas ako ng tingin nang dumapo ang tingin niya sa gawi ko.

"What's with that flowers Ms. Barnes?", seryoso niyang tanong pero mahihimigan mo pa rin ang malamig niyang tono.

MY EX IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Where stories live. Discover now