CHAPTER 5

28 19 0
                                    

Amanda's POV

"Oo tsaka rinig kopa nga putok ang mukha niya, pati nga daw yung bangko na pag aari niya nanakawan tapos yung mga kotse niya na impound bigla" rinig kong sabe ni Manang baby kay nanay sa tapat ng bahay.

Ke aga aga tsismis agad!

"Nay! Alis na ho ako," paalam ko naman at kinuha na ang kariton kong may lamang mga almusal.

"Oyy anak! sandali lang, diba close kayo ni Maam Marian?" Tanong saken ni nanay.

"Oho nay baket ho?"

"Ayy nako hija dika ba updated sa mga nangyayare dito? Nung nakaraan, pinasok ang bahay nila tapos binugbog si Sir Conor"

Napatakip ako sa labi ko sa narinig ko mula kay manang baby.

Si sir Conor? Nabugbog? Baket?

"B-baket daw ho nabugbog si Sir Conor?" Tanong ko kay manang baby pero si nanay ang sumagot.

"Walang sinabe pero baka may nakaalitan siya, mayabang kase sya bagay lang sakanya yon" tugon nito habang nagyoyosi.

Yes po opo, nagyoyosi po si nanay.

"Si maam Marian ho kamusta daw?" Tanong ko naman.

"Ayun nga ang pinagtataka ng mga tao hija" tugon naman ni Manang Baby "si Maam Marian, hindi nagalusan pero si Sir Conor halos lumuwa na ang mga mata"

"Kamo parang sinadya na si Sir Conor lang ang gulpihin, mukhang siya nga lang ang puntirya dahil wala namang mwebles na ninakaw sakanila" tugon naman ni nanay.

"Ganon ho ba? Sige ho una na ho ako" sabe ko nalang.

At habang naglalako ako ng almusal, di mawala sa isip ko ang mga pinagusapan ni manang Baby at Nanay.

Sino naman kaya ang may gawa non? At baket niya ginawa yon?

Sa lubos na kaiisip ko kung ano ang motibo ng gumawa non kay Sir Conor diko namalayang may bibili pala saken.

"Hey Ms eto oh" Nakakuha na pala ito ng nakabalot na spaghetti at inabot na ang bayad.

Kinuha ko naman iyon diko na sinuklian dahil sakto naman ang bayad.

"Pasensya ho, at salamat" wika ko naman.

Tumango lang ito at umalis pero ng dumaan ito sa gilid ko doon kolang napag tanto na pamilyar ang hugis ng katawan at amoy nito.

Nanlaki at nanlamig ang mga mata ko ng maalala ang amoy at katawan na yon kaya agad akong lumingon sa likod ko at nakita ko siyang nakatingin din sa akin.

Naka neck gaiter ito at mata lang ang kita pero alam kong nakangiti siya dahil halata iyon sa magandang asul na pares na mga mata niya. May naglalarong kung ano sa kislap ng mga mata niya, diko alam kung natural na kasiyahan ba iyon oh pangasar lang.

Ilang segundo rin kameng nagkatinginan at ng balak ko na sana siyang lapitan para pasalamatan ay naramdaman niya atang lalapit ako kaya umalis na ito kaagad. Malalaki ang hakbang niya at mabigat pa ang kariton ko kaya diko siya nahabol.

"OMG! Sinusundan ba niya ako? Andame namang sumusunod saken, una si Marius, pangalawa siya" bulong ko sa aking isip lamang.

Ng diko na sya matanaw, bumalik nalang ako sa pagtitinda. Good Thing, nawala na sa isip ko kung ano ang motibo ng may gawa non kay Sir. Conor.

mag aalas nwebe na at paubos na ang paninda ko ng makadaan ako sa Glam Boutique na under construction palang dito sa bayan namin.

Ang yaman naman ng may ari neto, may Glam Boutique na sa may BTC tapos nag patayo pa rito.

AMANDA  (Girl Series #1) ON-GOINGWhere stories live. Discover now