Chapter 38

24.9K 648 97
                                    

Chapter 38

Cassandra’s POV

“Ms. Monteffiore?”

Napatingin ako kay ma’am ng bigla na lang niya akong tinawag.

Lahat ng classmates ko napatingin sa akin.

“Yes?”

Everyone laughed and started fussing around.

“Halata naman na hindi kasi talaga siya nakikinig”

“Kanina pa siya nakatitig sa notebook niya eh wala namang sulat”

“At tatlong beses na siyang tinatawag ni ma’am”

 “Hey, our queen is still mourning with her loss so shut up”

Pinagtanggol ako nung isang member ng The Royalties kaya naman nagsitahimik na yung mga kaklase namin.

Tatlong beses?

Bakit hindi ko man lang nahalata?

“Ms. Monteffiore, I understand that it’s hard for you----”

“No ma’am, okay lang po ako. Sorry, medyo napuyat lang po kasi ako kaya wala po ako sa sarili”

Tinignan na lang ako ni ma’am at nag-continue na siyang magdiscuss ulit ng lesson namin.

Bitch” Bulong ni Ali.

Rinig na rinig ko sa boses niya na nagaalala siya sa akin.

I smiled at her and shook my head.

Ayokong naaawa sila sa akin.

Ayokong pinapakitang nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon.

Hindi ko lang talaga mapigilang magisip ng malalim paminsan-minsan.

Sanay akong wala palagi ang papa ko sa bahay pero iba pa rin yung alam mong hindi na kayo magkikita for the rest of your life.

At yung kay Brian at kay lance, nakakadagdag pa sa mga iisipin ko.

*Kring*

The RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon