Chapter 4

56.5K 1K 75
                                    

Chapter 4

Lance's POV


Lunch...


"Chels, ganito ba talaga sa school niyo?"

Napatigil sa pagnguya si Chelsea sabay tumingin sakin.


"Huh? What do you mean?"


"I mean, lahat ba sila laging nakatingin sayo?"


Napatingin siya sa paligid tapos natawa siya.

"Baliw. Sayo nakatingin yang mga yan. Ganito kasi dito sa school. Pag may transferee na gwapo, akala mo wala ng bukas kung makatitig. I bet they're day dreaming about you na HAHAHAHA"


Natawa na lang ako.

Weird kasi.


"Oo nga pala, bat ang saya-saya mo?" Sabay kagat sa fried chicken.


"Basta..." Sabi niya sabay tawa ulit.

"Share mo naman...bilis na"

"Fine. Nakaganti na rin kasi ako dun sa kaaway ko"

"Sinong kaaway?"

"Si Cassy"


Ah oo. Nabanggit niya yun kanina sa parking lot.

"Paanong nakaganti?"


"Simple lang-------WHAT THE HELL?"


Napatayo kami bigla ni Chelsea nung bigla siyang natapunan ng juice.


"Oh, I'm sorry. Sinadya ko kasi yun" Sabi nung babae sabay smile sa kanya.

May mga nagtawanan pero mas madami yung nanahimik at nagulat.


Yung katabi nung babae, tumawa. "Bagay sayo. Mukha ka ng basahan Chels"


ANO?

Nagulat ako sa sinabi nung dalawang babae.

Binubully ba nila si Chelsea dito sa school na ito?


"Argh! At bakit mo naman gagawin yun Cassy? Ano bang ginawa ko sayo?" Sigaw ni Chelsea.

"Simple lang. You painted my locker!!!" Sigaw ni Cassy.


Siya pala yun.

Itsurang maganda. Mabait.

Pero ang sama pala ng ugali.


"Painted? YOU'RE A LIAR!"

"No way. Tignan mo nga yang braso mo! May paint pa!!!"

The RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon