Chapter 4

67 7 0
                                    

NANG malaman nilang lahat na nakatakas si Selina ay huli na ang lahat. Nasa malayong lugar na ito na nagtatago kasama ang matalik na kaibigan na si Ayla. Galit na galit ang masamang madrasta ni Selina na si Maribeta nang malaman nitong nakatakas siya.

"Hindi! Hindi puwedeng makatakas siya! Hanapin n'yo muli siya at ikulong! Kailangan na niyang mamatay kinabukasan!" galit na galit na sigaw ni Maribeta habang ninanamnam na niya ang pag-upo sa trono.

Kaagad naman na inutusan niya ang mga kawal ng kaharian na hanapin, hulihin at muling ikulong si Selina sa kulungan upang hatulan ito ng kamatayan kinabukasan.

Sa isang kuweba napadpad sina Selina at Ayla upang doon magtago habang tinutugis sila ng mga kawal ng kaharian ng Sandre. Malayo naman ang kuweba na pinagtataguan nilang dalawa at nakakasigurado silang mahihirapan ang mga kalaban na hanapin sila ngunit kailangan pa rin nilang mag-doble ingat sapagkat mahirap na kapag mahuli sila at lalo na ang prinsesa na si Selina na pinakapakay ng mga kalaban. Naupo silang dalawa na magkaibigan at pagkatapos ay nagsimulang mag-usap tungkol sa mga nangyari sa loob ng palasyo.

"Napakasalbahe talaga ng 'yong madrasta kahit kailan! Napakasama nila! Magsama-sama talaga silang lahat tutal parehas naman silang masasama!" galit na galit na sambit ni Ayla sa kaibigan niyang si Selina na halos matulala habang nakaupo sila sa loob ng kuwebang tinataguan nilang dalawa.

"Hindi lang naman sila masasama, eh. Wala rin silang mga puso. Lahat sila!" inis at puno ng galit na sagot ni Selina sa kanyang kaibigan na si Ayla. Napatango naman kay Selina ang kanyang kaibigan na nagsalita naman kaagad.

"Tama ka talaga mahal na prinsesa ngunit gusto ko marinig mula sa 'yo kung ano ba talaga ang nangyari sa loob ng inyong palasyo. Ano ba ang nangyari, ha? Maari ko ba na malaman ang lahat ng 'yon?" wika ni Ayla sa matalik niya na kaibigan na si Selina.

Kanina pa ni Ayla gustong malaman ang lahat na nangyari. Mariing tumango naman si Selina sa kanyang matalik na kaibigan. Huminga muna siya nang malalim bago tuluyang isalaysay mismo rito ang lahat na nangyari sa loob ng kanilang palasyo.

"Ganito ang nangyari, mahimbing akong natutulog sa aking higaan na kabibe nang bigla akong magising dahil sa ingay na naririnig ko na nagmumula sa silid ng aking mahal na amang hari na para bang may mga nagtatalo doon sa loob. Kahit papikit-pikit ang aking mga mata ay ginawa kung bumangon para pumunta sa kanyang silid. Nang papalapit na ako sa silid ng aking amang hari ay biglang nawala ang ingay. Naging tahimik na doon sa loob ng kanyang silid na ipinagtaka ko. Laking gulat ko nang makita ko ang aking amang hari na nakahandusay at naliligo na sa kanyang sariling dugo. Namilog ang aking mga mata at para akong nabunutan ng tinik sa aking nakita. Hindi ko alam ang gagawin pagkakita ko sa aking amang hari at halos manghina ako at manlambot ang buo kong katawan pagakakita sa kanya. Iyak ako nang iyak nang mga oras na 'yon. Panay ang sigaw ko para humingi ng tulong ngunit walang dumarating kahit kawal. Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating ang aking madrasta na si Maribeta kasama ang kanyang dalawang anak na sina Ludita at Damila. Kasama rin nila ang mga takwil at traydor na mga kawal ng kaharian at doon na nga ako nila pinagbintangan na pumatay sa aking sariling amang hari kahit ang totoo ay hindi ko naman talaga ginawa 'yon. Hinding-hindi ko 'yon magagawa sa aking sariling ama," naninikip ang dibdib na salaysay ni Selina sa mga nangyari sa kanyang matalik na kaibigan na si Ayla. Hinawakan naman ni Ayla ang kanyang dalawang kamay.

"Naniniwala ako sa sinasabi mo sa akin mahal na prinsesa dahil kailanma'y hinding-hindi mo 'yon magagawa at lalo na sa 'yong sariling amang hari," nalulungkot naman na tugon ni Ayla sa kanyang matalik na kaibigan na si Selina na punong-puno ng simpatya para rito.

"Salamat sa sinabi mo, Ayla. Hinding-hindi ko naman talaga 'yon magagawa sa aking sariling amang hari, eh. Mga masasama at may sira sa pag-iisip ang tanging gagawa ng bagay na 'yon sa kanya. Malakas ang kutob ko na lahat ng mga nangyayari ngayon ay plano ng aking madrasta na si Maribeta kasama ng dalawa niyang anak. Sigurado ako na sila ang totoong pumatay sa aking amang hari at pagkatapos ay pinagbintangan na nila ako ang pumatay sa sarili kong ama upang sa ganoon ay parusahan ako ng kamatayan at sila na ang mamuno sa buong kaharian. Iyon na nga ang nangayayari ngayon, 'di ba? Sila na ang namumuno ngayong wala na ang aking mahal na amang hari. Matagal na siguro nilang plano na gawin 'to..." sabi pa ni Selina na nakakuyom ang dalawang kamao habang nagkukuwento kay Ayla. Mababakas sa kanyang boses habang nagsasalita ang sobrang galit at inis na nararamdaman sa kanyang napakasamang madrasta at dalawa nitong anak.

Selina (Season One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon