Chapter 14

30 1 0
                                    

SUMUNOD naman ng mahal na prinsesa hanggang sa makarating silang dalawa sa isang tindahan ng mga kwek-kwek, fish ball at iba pa. Napako kaagad ang paningin ni Selina sa mga pagkain na naroon at lalo na ang nililuto pa lang. Nakaramdam tuloy siya ng pagkalam ng kanyang sikmura na nangangahulugan na nagugutom siya dahil sa napakabangong amoy na nalalanghap niya sa niluluto na fish ball at iba pa.

"Gusto mo bang kumain?" nakangising tanong ni Dave kay Selina. Umangat naman ng tingin ang mahal na prinsesa kay Dave na nahihiyang sumagot sa tanong nito.

Sa pangalawang tanong ni Dave ay saka lang sumagot ang mahal na prinsesa na si Selina.

"Oo. Gusto ko na kumain para matikman ko ang pagkain na 'yan," nahihiya pa ring sagot ni Selina kay Dave sabay turo sa mga pagkain na nasa harapan niya at napangising muli si Dave sa kanya.

Sarap na sarap si Selina sa pagkain na kinakain niya na binili ni Dave. Isa sa mga nagustuhan niyang kainin ay ang kwek-kwek. Talagang hindi siya kumain ng fishball at kikiam. Alam na kung bakit ayaw niya kaya naman hinayaan na lang siya ni Dave. Umupo sila sa pahabang upuan na malapit roon sa bilihan ng mga street foods. Napapadyak pa ng kanyang dalawang mga paa ang mahal na prinsesa habang kumakain siya. Nasasarapan pa siya ng sawsawan na hinihigop pa niya.

"Ano nga ulit ang tawag nitong kinakain ko?" tanong ni Selina kay Dave na napangiti sa kanya. "Nakalimutan ko, eh. Siguro nakalimutan ko dahil sa sarap nitong kinakain ko na binili mo para sa akin," nakangisi pang pahabol na sagot ng mahal na prinsesa kay Dave.

"Ang tawag namin d'yan ay kwek-kwek..." pang-uulit na sambit ni Dave kay Selina na nakangiti.

"Kwek-kwek. Naalala ko na. Salamat sa 'yo," pasalamat naman ng mahal na prinsesa sa binata na hindi pa rin maalis ang mga ngiti sa kanyang labi. "Ang sarap rin nitong tinatawag n'yo na sawsawan," sabi pa ni Selina sabay higop muli ng sawsawan kahit may iilang mga tao na nakatingin sa kanya doon.

Sa tabi ni Selina ay kumakain rin ang binatang si Dave. Natahimik silang dalawa sumunod na mga minuto. Pagkaubos ni Selina ng kinakain niya ay tinanong muli siya ng kasama niya na si Dave kung gusto pa nga niyang kumain pa. Tumango naman si Selina kay Dave na gusto pa nga niyang kumain kaya bumili muli ito.

"Maraming salamat ulit sa 'yo," pasalamat ni Selina kay Dave pagkabigay sa kanya na inamoy-amoy pa nga niya. "Palagi ba kayong kumakain na mga tao ng ganitong pagkain, ha?" tanong ng mahal na prinsesa kay Dave.

"Hindi naman kami palaging kumakain nito, eh. Bihira lang at kung gusto namin. Ewan ko lang ang iba na mga tao. Ang iba siguro ay palagi na kumakain nito lalo na ang mga walang-wala talaga," mahinang sagot ni Dave kay Selina.

"Walang-wala?" nagtatakang tanong ng mahal na prinsesa.

"Oo. Bakit?"

"Ano ba ang ibig mong sabihin ng walang-wala?" tanong ni Selina na nakakunot ang noo.

Tumikhim muna si Dave bago nagpaliwanag kay Selina kung ano nga ba ang ibig sabihin ng walang-wala.

"Ang ibig sabihin ng mga taong walang-wala ay ang mga hikahos sa buhay. Ang mga mahihirap ay hindi kayang makabili ng mamahaling pagkain at ang kayang mabili lang ay ang ganitong uri ng pagkain dahil sa ito ay mura at limang piso ay may ulam ka na. Sa hirap ng buhay dito sa mundo ay may mga ganoon talaga na tao," mahinang paliwanag ni Dave sa mahal na prinsesa na napasimangot sa kanyang narinig. Nakaramdam siya ng awa para sa mga taong tinutukoy ng binata sa kanya na mga walang-wala na ginagawang ulam ang ganitong uri ng pagkain na hindi dapat para sa iba.

Selina (Season One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon