Chapter 35

41 1 0
                                    

"BAKIT mo pinatakas ang mga kawal na 'yon? Bakit mo ginawa 'yon?!" nag-aalalang tanong ni Ayla kay Selina nang lapitan niya ito na tinatanaw ng tingin ang ibang mga kawal na pinatakas niya. Mabilis naman na humarap si Selina sa kaibigan niya na si Ayla upang magsalita dito. Kasalukuyan pa rin na naglalaban-laban ang mga pugita laban sa mga tauhan ni Maribeta.

"Naaawa ako sa kanila kaya ko sila pinatakas. Ayaw ko na nagbubuwis ang mga kawal sa kaharian ng kanilang buhay sa laban na 'to na wala naman na kuwenta. Biktima lamang sila ng kasamaan at pagmamanipula ni Maribeta sa kanila. Pinatakas ko na sila hangga't may pagkakataon pa. Sinabihan ko sila na bumalik na sa kanilang pamilya at huwag nang bumalik pa sa kaharian dahil delikado kung babalik pa sila doon," sagot ni Selina kay Ayla sa tanong nito kung bakit niya pinatakas ang ibang mga kawal dahil naaawa siya rito na nakikita na nagbubuwis ng kanilang mga buhay sa laban na wala naman na kuwenta.

Naiintindihan naman ni Ayla ang paliwanag na 'yon ng mahal na prinsesa sa kanya. May punto rin naman si Selina sa sinabi niya. Maging siya ay ganoon rin ang nararamdaman sa nakikita na binubuwis ng mga kawal ang kanilang buhay sa laban na hindi naman talaga kailangan na pagbuwisan ng buhay. Tunay na may puso si Selina kahit sa mga nilalang na masama ang tingin sa kanya.

"Mabuti ay nakinig naman ang ibang mga kawal sa pakiusap mo na umalis na sila sa lugar na 'to at bumalik na sa kanilang mga pamilya," sabi ni Ayla sa kaibigan niya na si Selina.

"Oo nga, eh. Mabuti na nakinig naman sila sa akin. Sinabi ko rin sa kanila na hindi ako ang tunay nila na kalaban kundi si Maribeta at lahat tayo'y biktima lamang ng kasamaan niya. Naniwala naman sila sa akin kaya umalis na sila sa lugar na 'to. Ayaw ko na ibuwis nila ang kanilang mga buhay sa walang kuwenta na laban na 'to. Mahalaga ang kanilang mga buhay at hinihintay sila ng kanilang mga pamilya. Ayaw ko na sapitin ng mga pamilya nila ang hinagpis nang mawalan ng minamahal sa buhay kaya nararapat lang na gawin ko 'yon. Binigyan ko sila ng pagkakataon na mabuhay muli ngunit hindi para umanib pa sa kasamaan ni Maribeta," paliwanag pa ni Selina kay Ayla.

"Napakabuti talaga ng puso mo mahal na prinsesa. Tunay ka talagang isang prinsesa na anak ni Haring Slandino. Walang pagdududa 'yon dahil hindi kailangan ng pagdududa. Totoong-too ang lahat sa 'yo. Mabuhay ka mahal na prinsesa!" wika ni Ayla kay Selina.

"Maraming salamat sa 'yo!" pasalamat ni Selina kay Ayla. Nilapitan silang dalawa ni Dorya.

"Umalis na kayong dalawa sa lugar na 'to habang abala pa ang mga kalaban sa pakikipaglaban. Umalis na kayo hangga't hindi pa natutuon ang atensiyon nila sa inyong dalawa," mabilis na wika ni Dorya sa kanila. Nagkatinginan sina Selina at Ayla pagkasabi ni Dorya. Sabay na tumango silang dalawa.

Iginiya silang dalawa ni Dorya papasok sa loob ng kuweba na tinitirahan nina Rora at Sora dahil may lagusan doon palabas sa lugar nila na hindi makikita nina Caritta. Nandoon na ang dalawang magkapatid na pugita na sina Rora at Sora sa loob. Hinatid sina Selina at Ayla ni Dorya hanggang sa makalabas sila sa lagusan na 'yon. Nagmadali na silang dalawa na lumangoy pabalik sa lugar kung saan sila nanggaling.

"Wala bang madaling paraan para makarating kaagad tayo ng mabilis sa lugar kung saan tayo nanggaling, ha?" tanong ni Selina sa kaibigan na si Ayla habang binibilisan nila ang paglangoy. Malayo na sila sa lugar kung saan nakatira ang dalawang magkapatid na pugita.

Humugot muna nang malalim na buntong-hininga si Ayla bago nagsalita sa kaibigan. "Hindi ko alam mahal na prinsesa. Wala naman akong nalalaman kung paano tayo makakarating nang mabilis sa lugar na 'yon. Naisip ko lang na nandito naman na tayo at hawak na rin natin ang mapa ng mga nawawalang bagay, bakit hindi kaya natin tanungin ang mapa na hawak natin kung saan natin mahahanap ang dalawang perlas na 'yon? Malay natin na malapit lang pala sa kinaroroonan natin ang hinahanap natin na perlas. Bakit hindi natin subukan, 'no?" mungkahi ni Ayla sa kaibigan niya na si Selina.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 31, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Selina (Season One)Where stories live. Discover now