Chapter 3

110 6 0
                                    

Walang gustong umimik kayla Fujima at Amirah habang naglalakad dahil nagkakahiyaan ang dalawa kaya naman naisipan ni Fujima ang katahimikan nilang dalawa.

"Amirah"sambit ni Fujima na medyo kabado

"Bakit po Coach Fujima?"nahihiyang tanong ni Amirah

"Ah.....pwede wag mo na kung tawaging Coach."sabi ni Fujima sabay ngiti napatingin naman si Amirah sa binata saka nagsalita

"Sige po ano po bang gusto ninyong itawag ko sa inyo?"ngiting tanong ni Amirah na nahihiya parin

"Kenji na lang at saka alisin mo na rin yung po masyadong pormal nagmumuka tuloy ako matanda hahahaha"pabirong sabi ni Fujima nakita niya na tumuwa ng konti ang dalaga sa sinabi niya kaya"Ang ganda lalo niya kapag ngumingiti"sabi nito sa sarili

"Sige Kenji"tipid na sabi ni Amirah

"Salamat"ngiting sabi ni Fujima

Malapit na sila sa Canteen lahat ng nandoon ay pinagtinginan silang lahat si Fujima at Amirah halos lahat ng babae tumitili ng makita si Fujima at naghihiyawan pa may ilan pa ay nagpapicture at nagpaautograpgh at ang karamihan ay nakipag kamay sa kanya habang si Amirah naman ay nasa gilid lang at tahimik na nakatingin kay Fujima at sa mga fans niya.

"Girls si Fujima ng Shoyo oh.....ahahhhh"tili ng isang babae

"Fujima pwede makipag shake hands"

"Fujima pwede pa picture"

"Di ko akalain ng ganito siya kasikat."sabi ni Amirah sa sarili

Maya-maya lumapit naman si Fujima kay Amirah nagtinginan naman ang lahat ng fans niya.

"Amirah"tawag ni Fujima saka lumapit sa dalaga

"Bakit Kenji?"tanong ni Amirah

"Pasensiya ka na marami kasing lumapit sa akin"sabi ni Fujima sabay kamot sa batok niya

"Ah.....ayos lang di ko akalain na ganito ka pala kasikat."nahihiyang sabi ni Amirah

"Ang haba ng sinabi niya kumpera kanina at saka pakiramdam ko magaan na ang loob niya di gaya kanina pati yun ata ang pinaka mahabang sinabi niya sa akin"sabi ni Fujima sa sarili

"Ah....eh oo kasi basketball player kasi ako."sabi ni Fujima na ikinagulat ng konti ni Amirah

"Basketball player siya.......siya kaya yung sinasabi ni Daddy sa akin."sabi ni Amirah sa kanyang sarili

"Talaga edi ibig sabihin magaling ka magbasketball?"tanong ni Amirah

"Oo hehehe...tara bili na tayo ayun na yung tindahan oh naghihintay si ate sa atin...... Ah ate pabili nga ho."sabi ni Fujima sabay kamot sa batok

"Ano yun ina at iho?"tanong ng tindera

"Amirah ano daw bibilhin mo?"tanong ni Fujima

"Ah ate may ano po ba kayo jan may tubig po ba?"nahihiyang tanong ni Amirah sa tindera

"Ah siyempre meron iha ilan ang bibilhin mo?"tanong ng tindera

"20 po"tipid na sabi ni Amirah

"Iha para sayo ba lahat yun.........ang dami nito para maubos mo mapwera na lang kung malakas ka uminom hahahaha"pabirong sabi ng tindera bahagyang natawa naman ang dalawa sa sinabi nito

"Hi-hindi po para po yan sa team namin baka po kasi hindi pa nakakabili ng tubig sila ate Ayako kaya po naisipan kong bumili."mahinang sabi ni Amirah

"Ang sweet mo naman."sabi ng tindera saka kumuha ng 20 bottles na tubig

"Nakita naman ng tindera na naka titig si Fujima kay Amirah habang si Amirah naman ay hinihintay ang binili niyang tubig kaya naisipan ng tindera na magtanong kay Fujima."

"Fujima iho pwede bang magtanong"wika ng tindera

"Ah sige po manang ano po yun?"takang tanong ni Fujima

"Asawa mo ba siya?......hahahha"sabi ng tindera sabay tawa ng malakas samantalang ang dalawa naman ay namula parehas at hindi makapagsalita

"Oh bakit hindi kayo makasagot parehas tama ba sinabi ko....."sabi ng tindera

"Hindi po manang hindi po kami mag-asawa......isa pa bata pa po ako para mag-asawa."namumulang sabi ni Amirah sa tindera na hindi makatingin ng diretso

"Oo nga po manang masyadong advanced.......asawa talaga agad manang."namumulang sabi ni Fujima kaya natawa ang tindenra

"Hahahaha.......iha ito na nga pala yung binili mo oh..."saka inabot ang naka balot pang mga plastic bottles

"Iho Fujima ikaw na ang bumyhat nito hindi kaya ni iha na buhatin ito."sabi ng tindera

"Opo akina po."sabi ni Fujima sabay kuha ang naka naka box na plastic bottles

"Ah.......sigurado ka Fujima?"nahihiyang tanong ni Amirah na hindi pa rin maka tingin ng diretso kay Fujima

"Oo kaya ko itong buhatin mas malakas pa nga ako kay superman hahahaha."natatawang sabi Fujima natawa naman si Amirah pati ang tindera

"Manang iyo na po yung bayad ko"sabi ni Amirah saka inabot ang bayad sa tindera ng biglang mag salita

"Iha anong pangalan mo?"tanong ng tindera

"Amirah po"tipid na sabi ni Amirah

"Nang iaabot na ni Amirah ang bayad nagsalita muli ang tindera"Osha dapat pagbalik mo dito Amirah at Fujima mag-asawa na kayo ha.......hahaha"sabi nito bigla naman nahulog ang perang hawak ni Amirah dahil sa narinig nito

"Manang naman"sabi ni Amirah sabay pulot sa perang hawak niya kanina

"Ito na po."tipid na sabi ni Amirah saka ibinigay ang bayad sa tindera

"Manang nakakahiya kay Amirah wag kayong ganyan baka hindi na bumalik siya dito sa school natin."bulong ni Fujima

"Hahaha...."ang tanging sagot ng tindera umalis na si Fujima kasama si Amirah pabalik ng gym

"Gaya ng kanina walang may gustong umimik sa kanilang dalawa pabalik ng gym."

"Ah Amirah pasensya kana ay manang palabiro lang kasi yun...."hinging paumanhin ni Fujima sabay kamot sa batok ngumiti lang si Amirah sa binata at nagpatuloy sa paglalakas ito

"Ang ganda niya talaga"sambit ni Fujima

"May sinasabi ka ba Kenji?"tanong ni Amirah

"Ah wala sabi ko nandito na tayo sa gym tara pasok na tayo."sabi ni Fujima saka binuksan ang pintuan ng gym para kay Amirah habang dala-dala ang dalawang box ng tubig pagpasok nila nadoon na ang lahat maging ang mga manonod nagtinginan sa kanilang dalawa."

Lumapit na si Amirah at Kenji sa shohoku bench at dun ay inlipag ni Fujima ang tatlong kahon ng tubig sa upuan.

"Anak ano ayang binili mo?"tanong ni Coach Anzai

"Ah Daddy tubig po para sa mga players po natin."sagot ni Amirah

"Amirah tamang-tama kokonti lang nadala kong tubig para sa atin mabuti at bumili ka."sabi ni Ayako

"Ah wala yun ate."sagot ni Amirah

"Aahm....Amirah sige punta na ko sa bench namin."paalam ni Fujima

"Sandali lang Fujima."

"Ano yun?"

"Salamat nga pala at saka kunin mo na tong isang kahon meron pa naman kami doon kaya sa inyo na to."sabi ni Amirah

"Sigurado ka para sa inyo to ah"sabi naman ni Fujima

"Hindi sige na kunin mo na to tanggapin mo bilang pasasalamat ko sayo."ngiting sabi ni Amirah

"Salamat."sabi ni Fujima saka kinuha ang isang kahon ng tubig at umalis na

"Ehemmmmm"parinig ng buong team kay Amirah

"Ba---bakit?"nahihiyang tanong ni Amirah saka naupo sa upuan sa bench nila

"Hahahha...... Love is in the air I can feel it.....di ba Mitchi,Kulotski hahaha."malakas na sabi ni Sakuragi kaya rinig ito ng kabilang bench kung saan ay nadun ang team ni Fujima

FALLING INLOVE WITH YOU || BY: SARAYAHYZAINEH12 AKA KATE ONDAWhere stories live. Discover now