Chapter 4

118 5 0
                                    

Hindi tumigil sa dalawang bench ang pununukso sa dalawa dahil sa kanilang nakita at idadag mo pa ang dalawang ninong ni Amirah pati sila sumali na rin sa pang-aasar kila Fujima at Amirah.

Sa bench ng Shoyo......

10 minutes bago mag start ang laban sa pagitan ng shohoku at ng shoyo kaya naman naupo na lang muna sila habang hinihintay starting ng game.

"Oh ito ang tubig natin dito ko na ilalagay mamili na lang kayo kung anong gusto niyong inumin."sabi ni Fujima sa kanyang team ngunit hindi naman mapigilan nila Hanagata,Takano at Hasegawa na kantiyawin si Fujima kay Amirah

"Captain ang gusto kong tubig yung galing kay Amirah ito oh."sabi ni Hasegawa saka kinuha sa box ang isang plastic bottle

"Oo nga ako rin Fujima ito na rin sa akin."sabi naman ni Hanagata na kumuha din ng isang bottle saka binigyan ng nakakalokong tingin si Fujima

"Ano naman yang kalokohan na yan hah."sabi ni Fujima na masama ang tingin sa dalawa

"Bat ka galit Captain tiningnan ka lang naman ni Hanagata hahaha."natatawang sabi ni Hasegawa

"Alam mga tinginan nyo magtigil kayo dyan walang lang yun nagpasa lang si Amirah sa akin dahil hindi niya alam kung saan ang Canteen."inis na sabi ni Fujima sa dalawa ng biglang sumingit sa usapan si Takano na naka upo sa tabi ni Hasegawa

"Talaga Captain.......wala lang yun kanina ka pa nga nahuhumaling sa ganda ni Amirah....isa pa di mo maalis ang tingin mo sa kanya HAHAHAHA....."pang-aasar ni Takano kay Fujima sabay tingin kay Amirah

"Yiiiiieee si Captain umiibig......di pa kasi aminin!"sabay na sinabi ng tatlo na medyo may kalakasan kaya lalong nainis si Fujima sa tatlo na hindi maipagkakaila na narinig din ito ng kabilang bench

"Tumigil na nga kayo nakakahiya kayo!"saway ni Fujima na nagpatawa sa tatlo

"Hindi lang naman ikaw ang inaasar Captain tingnan mo."natatawang sabi ni Hanagata saka tumingin ang apat sa kabilang bench at doon ay nakita nga nila na kinakantiyaw din nila Sakuragi,Mitsui,Ryota, si Amirah na todo tanggi naman kaya tawa ng tawa ang tatlo sa dalaga

"Sa bench ng Shohoku"

"Amirah ano na status nyo ni Fujima Hahahha.."kantiyaw ni Mitsui kay Amirah habang natawa

"Oo nga ah......ahmm.....siguro nasa stage na kayo ni Mr. Substitute ng getting to know each other no yiiiieee."sabi naman ni Sakuragi na humahagalpak ng halakhak

"Ang lakad ma ka pag-ibig dito sa loob ng gym ah."parinig naman ni Ryota kaya Amirah

"Mali mga Kuya hindi po ganun sinamahan lang po ako ni Kenji yun lang po yun."mahinang sabi ni Amirah sa tatlong samantalang nakita ito ni Ayako na kinakantiyaw ng tatlo si Amirah kaya nilapitan niya ang tatlo at pinaghahampas ng papel sa ulo

"Aray Ayako naman......"daing ng tatlo habang si Ryota ay kinikilig at namumula

"Tumigil na nga kayo sa pang-aasar nyo kay Amirah kawawa naman yung tao nahiya tuloy lalo."saway ni Ayako sa tatlo

Maya-maya ay may tumawag kay Coach Anzai na babae na di kalayuan sa pinto.

"Tito Anzs!"tawag nito saka lumapit sa Coach

"Hohohoho iha Gabbi ikaw pala kamusta na"sabi ni Coach Anzai

"Tatang sino siya?........abala hanep ang lahi nyo ah...hahahha"sabi ni Sakuragi sabay tawa ng malakas kaya nakotongan siya ni Akagi

"Ah......hi ako si Gabbi hello po sa inyo."

"Ayos naman po tito Anzs kayo po."tanong ni Gabbi

"Ayos lang din iha."sagot ni Coach Anzai nakita naman ni Gabbi si Amirah na nakatungo

FALLING INLOVE WITH YOU || BY: SARAYAHYZAINEH12 AKA KATE ONDAWhere stories live. Discover now