Chapter 23

22.5K 651 53
                                    

Chapter 23: The Girl

Gianna

Diretso akong pumasok sa quarters at naupo sa swivel chair na malapit sa harap niya. Hindi niya napansin na pumasok ako dahil may kausap siya sa cellphone. Nagdiretso nalang ako ng lakad.

"Okay, Mama," narinig kong sabi niya. "I refused to lunch with them because of you, dahil ang sabi mo uuwi ka pero hindi natuloy." Nahimigan ko ang inis sa boses niya. "I have chance to meet Kuya and her pero dahil sa 'yo naudlot," paninisi niya. "Tsk! Bye! Take care."

Hindi ko pa nakikilala ang nanay nitong si Darius at wala akong balak. Pero minsan nakita ko sa gallery niya noong minsan kong kinalkal ang cellphone niya. At ang masasabi ko lang ang ganda ng nanay nitong si Darius. Parang model ang galawan at itsura. Lakas ng dating. Ang swerte ng tatay nitong si Darius.

Pero ano daw, her? Ang dami ring sikreto nitong gagong 'to.

"Sino ang kapatid mo na babae?" Tanong ko.

Napalingon siya sa akin. Hindi niya pinansin ang tanong ko at naupo para hintayin ang iba.

Kahit kailan talaga ang lalaking 'to, hindi sinasagot ang tanong ko. Puro utos lang, ayos sana kung binabayaran ako kaso hindi. Mainit na ulo ang sumasalubong sa amin. At  ano na naman ang gagawin niya? Nakakapagod din kaya ang mga pinag-gagawa namin. Hindi ba pwedeng happy happy na lang? Mas gusto kong sa bahay na lang at least doon tahimik kahit maraming pinapagawa sa akin ang gagong 'to.

"Yow!" Bati nila nang makapasok at kaniya-kaniyang salampak sa kama.

"Bakit ba tayo nandito?"

Hindi agad sumagot si Darius dahil may ka-text sa cellphone.

May ka-M.U yata.

"Just clarify some things kung sila nga," sagot ni Darius habang nakatingin pa rin sa cellphone. "Then if sila nga kayo ng bahala. At saka alamin niyo rin kung sino 'yong bagong tinutukoy nila." Nagbaba siya ng tingin sa cellphone. "May kutob akong kilala ko 'yon."

Napatingin ako kay Iris na seryosong nakatingin kay Darius. Alam ko kung ano ang nasa isip niya, na baka may bagong salta sa dating School at section na pinasukan niya. At alam kong hanggang ngayon nagsisisi siya.

"Iyon lang pala, e!" Sabat ni JP.

"Gawin niyo na lang ang gusto niyo, bahala na kayo," sabi niya bago lumabas.

Sinundan ko siya ng tingin at tumayo.

"Paaminin niyo lang at kapag hindi nagsabi ng totoo, alam niyo na," ngumiti ako.

"Paano kung hindi sila?" Tanong ni Iris.

"Good for them," sambit ko.

Nagpalipas muna sila ng ilang oras bago magsi-alis. Ako naman nanatili rito para matulog, gusto akong isama nila JP kaso umapila ako dahil kakagaling lang ng sugat ko tapos makikipag-bakbakan ako? Para naman akong tanga no'n.

Kinuha ko ang cellphone ko para mag-hanap ng mga bebe girls sa tinder kaso nakakailang swipe pa lang ako ay tumawag na si Darius para sundan sila. Tangina, gago talaga.

***

Andrei

Kanina pa kami dito sa harap ng SHS para hinatayin sila kaso mukhang matatagalan pa.

"May mani ka?" Tanong ko kay JP.

"Gago, ano ang akala mo sa akin? Babae?"

Binato ko siya ng sapatos. "Tangina nito! Iyong mani na pagkain! Inang utak 'yan!"

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now