Chapter 43

19.7K 544 153
                                    

Chapter 43: Pregnant

Ay, shit, ang sakit ng ulo ko! Hindi pa ako bumabangon dahil parang binibiyak ang ulo ko kapag gumagalaw ako! Tangina, kasing alak 'yon. Masarap nga nakakasakit naman ng ulo kinabukasan.

Punyeta.

Wait... ano bang ginawa ko kahapon? Wala akong maalala, ay wait! Mayroon pala kaso konti lang, si Phoenix ang kasama ko kahapon para umuwi kami rito sa bahay. Naalala ko rin dinala niya ako sa magandang lugar. Hindi ko alam kung saan dahil hanggang doon na lang ang naalala ko. Hala, baka may ginawa akong kahihiyan o baka may sinabi rin akong kahihiyan!

Hala, baka nasabi ko ang sikreto ko sa buhay. Wala kasi talaga akong maalala.

Dahan-dahan ang pagbangon ko sa kama pero napatigil nang sumalubong ang matalim na tingin ni Papa. Umiwas ako ng tingin sabay sandal sa kama.

Kailangan kong umakting na may masakit sa akin para hindi nila ako pagalitan.

Ano bang magandang palusot?

Sabihin ko masakit ulo ko? Ih! Hindi na pala 'yon baka sabihin nila 'inom pa!' kaya iba na lang. Kailangan kong humingi ng tulong kay Mama!

Ibang klase pa naman magbigay ng parusa si Papa. Tangina, grounded ako kung sakali. Bawal pa naman akong uminom pero nagawa ko!

"Teka lang naman..." bulong ko dahil para na akong mamamatay sa masamang tingin nila. "Mamaya niyo na ako pagalitan. Natatae ako, e.  Mag-cr lang ako."

Akmang aalis ako pero hinawakan ni Darius ang kamay ko. "Stop making excuses, Darlene."

"Tanga, masakit nga talaga kasi tiyan ko!" Umakto pa ako na masakit talaga ang tiyan ko.

"Paano sasakit tiyan mo, e, wala nga na laman 'yan," inis na sabi ni Darius.

Napatigil ako at hindi kalaunan ay palihim na napangisi dahil sa sinabi niya. Wala raw laman? Mage-gets kaya nila kung sakaling magjoke ako? Hmm... Isang beses lang naman 'to mangyayari kaya susulitin ko na.

"Ay hindi ka sigurado na walang laman 'to..." biro ko at sa tingin ko naintindihan nila. "Malay mo..."

"Wait, what the... don't tell me you're fucking pregnant?" salubong ang kilay ni Kuya.

"Darlene, tell me, buntis ka ba?" Maging si Papa ay hindi na rin natutuwa.

Ang sarap tawanan ng itsura nila! Sobrang sama ng tingin nilang tatlo at parang handa na silang pumatay. Ang talim ng tingin nila sa akin.

"Bakit ba kayo sumisigaw?" Bumukas ang pinto at pumasok doon si Mama.

"Mama, 'yong anak mo may anak na!" Galit na sabi ni Darius.

Eh? Joki-joki lang naman 'yon!

"Look what she has! A fucking child!" Pati si Kuya galit na rin.

"I want to meet that asshole." Mas galit na galit si papa.

Luh, tanginang mga mukha 'yan, ampota! Akala talaga nila may laman 'to?! Ay mayroon pala mga poops ang laman nito. Hindi pa kasi ako natatae, e. Ilang araw na kaya medyo malaki ang tiyan ko. Flat pa rin naman kaso iba pa rin kapag nalabas ko ang sama ng loob.

Ngumuso ako. "Hindi ko naman po sinasadya, e."

Mas lalong tumalim ang tingin sa akin nila papa.

"Hindi mo sinasadya?" si Papa "You're just eighteen! And a high school student! Ni hindi ka pa nga graduate!"

"Oh my god." Humawak si Mama sa bibig niya.

Tangina, iba 'yong nangyari. Ang likot ng utak ko. Pwede na akong gumawa ng istorya dahil sa sobrang likot ng utak ko.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now