PROLOGUE 2

3.3K 44 8
                                    

Mark P.O.V

"Umuulan ba sa labas?"

Tanong sa akin ni Theo kaibigan ko at boss ko na rin sa kompanyang tinatrabahuhan ko dahil pumasok ako sa opisina niyang basa. Pasalamat na nga ako kahit walang connect sa kursong tinapos ko ang trabaho ko ay tinanggap parin ako ni Theo sa kompanya nila. Anak si Theo ng may ari ng Entertainment company na trinatrabuhan ko at siya na ngayon ang nagpapatakbo ng kompanya nila.

"Hindi ba obvious?" Sagot ko

"Aba malay ko ba kung naglaro ka dun sa fountain"

"Anong tingin mo sakin bata?"

"Hindi Naman"

Nagkakilala kami ni Theo sa isang bar noong iniwan ako ni Jarred at pumunta siya ng america halos araw araw akong nagpapakalasing nun. Si Theo naman na prepresssure sa kanyang parents dahil sa kanya sinisi ang pagkawala ng nakababata niyang kapatid.

"By the way may bago kang talent na imamanage siguro mga kasing edad mo lang siya" sabi ni Theo

"Bro may minamanage pa ako ngayong talent"

"May inassign na akong bagong manager sa talent mong hindi naman sikat"

"Sino ba yang bagong talent na imamanage ko?"

"Papunta na rin yun dito"

Knock knock

May kumatok sa pintuan at pumasok ang secretarya ni Theo at sinabing andyan na daw ang bisita niya. Pagkalabas ng ng secretarya ni Theo ay may pumasok na lalaki. This can't be real ang taong nanakit sakin tatlong taon na ang nakakalipas ay muling nagbalik. Bakit parang yung lahat ng sakit ay unti unting bumalik. Nakakatitig lang ako sa kanya habang siya deretso ang tingin kay Theo. Hindi ko alam kung napansin niya ba ako dahil ang titig niya ay deretso lang sa boss ko.

"I didn't expect na mapapaaga ang pagdating mo dito Mr. Lim"

"Ahh may dadalawin po kasi ako ngayon kaya napaaga po ang pagbisita ko sana okay lang po sa inyo Mr. Luna"

"Okay lang naman maupo ka muna"

"Sige po salamat"

"Mr. Lee I would like you to meet Mr. Jarred Lim siya ang bagong talent na sinasabi kong imamanage mo"

"Bro hindi pwede okay na ako dun sa dating talent na minamanage ko"

Sabi ko kay Theo habang nakatingin kay Jarred.

"Wala na bang Ibang manager yung professional sana sa trabaho niya yung hindi sana mapili" tanong ni Jarred

"Mr. Lee binibigyan na kita ng magandang chance dun sa dati mong talent ay hindi pa sikat laos na etong si Mr. Lim ay marami ng fans at mas lalo pang sisikat kaya ayusin mong pumili minsan lang ang ganitong chance."

"Pero bro"

Magdadahilan pa Sana ako pero pinutol ni Theo ang sasabihin ko.

"Mr. Lee boss mo ako pag nasa trabaho tayo kaya tawagin mo akong Sir"

"Mr. Luna nakapag pasiya na po ako gusto ko siyang maging manager."

Pagkasabi nun ni Jarred ay agad na siyang lumabas ng opisina ni Theo kaya hinabol ko nalang siya ng tingin.

"Bro ayoko ko siyang makatrabaho okay na ako dun sa kay Leroi kahit hindi yun masyadong sikat atleast hindi siya mayabang katulad ng Jarred na yun"

"Sige bibigyan kita ng pagpipilian maging manager ka ni Mr. Lim o" binitin niya pa ang sasabihin niya

"O ano?" tanong ko

"Tatanggalin kita sa trabaho mo? choose wisely bro"

" Aishhh nakakainis naman ohh"

Napakamot ako sa ulo ko at inis na lumabas sa opisina ni Theo. Agad na hinanap ng mata ko si Jarred nung makita ko siyang sumakay ng elevator ay tumakbo ako para maabutan siya pero huli na dahil naka sara na ang pinto kaya tumatakbo akong pababa ng hagdan papuntang ground floor.

"Jarred sandali lang" pagpigil ko kay Jarred makita kong sasakay na sana siya sa kotse niya.

Agad siyang tumingin sakin ng may pagtataka

"Bakit may kailangan ka?"

"Magiging prangka na ako ah ayokong maging manager mo awkward naman yata kung magkakasama pa tayo diba?"

"Para sakin hindi naman siguro magkakilala naman tayo kaya okay lang sakin kung magkatrabaho Tayo"

"Sakin hindi okay"

"Bakit takot kang baka mainlove ka ulit sakin?" tanong niya habang nilapit niya ang mukha niya sa akin

"Baka nakakalimutan mo na ikaw ang naunang nagkagusto sakin" sabi ko rin at akmang hahalikan siya pero iniwas niya ang mukha niya

"Payag akong maging manager mo pero sa isang kondisyon kung sino satin ang unang ma fall ay talo" sabi ko

"At ano namang makukuha ko pag nanalo ako?" tanong niya

"Kapag nanalo ako sa ayaw at sa gusto mo akin ka at hindi na kita hahayaang iwan ako" seryosong sabi ko

"Cool pero kapag ako ang nanalo kakalimutan mong naging tayo" seryoso ding sabi niya saka sumakay ng kotse niya.

Parang sinaksak ang puso ko sa huling sinabi niya. Kahit alam kung sa umpisa palang ng deal na ito ay talo na ako wala akong choice kundi ang gawin to para mabalik yung nasirang relasyon namin..

Characters:
Mark Lee
Jarred Lim
Kent
Miguel
Theo Jim Luna

Written by: Seungwoonie_21

A/N: Hello!! PLEASE LEAVE A COMMENT, SHARE AND ADD THIS INTO YOUR LIBRARY😍😍 SUPPORT! LABYOU ALL ❤️❤️

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND FOLLOW! Thanks a lot❤️❤️

©All Rights Reserved. Seungwoonie_21.
2022.



My Hot Housemates Series 2: WHAT IF IT'S US [ON GOING]Where stories live. Discover now