CHAPTER 5

1.4K 27 0
                                    

MARK'S P.O.V
   

Maaga akong nagising dahil sa ingay ng alarm clock ni Jarred. Feeling kakapikit ko lang tapos nagising agad ako kaya kahit inaantok pa ako ay bumangon na ako para maligo dahil may pasok pa kami.

Pagkatapos kong magbihis ay agad akong pumuntang dining tapos na rin magluto si Jarred at naka bihis na rin kaya naupo nalang ako at nagsimula ng kumain.

"Maganda yata gising mo ngayon Jarred" bungad ni Kent

"Ikaw lang naman yung panget" sagot sa kanya ni Jarred kaya napatawa kami ni Miguel

"Etong mukhang to panget baka habulin to" sabi niya sabay pagwapo

"Mukha ka kasing buto kaya habulin ka talaga ng mga aso" sabi ni Jarred

Halos mabulunan ako ng kinakain ko sa sobrang tawa. Mas ang nakakatawa pa dun seryoso ang mukha ni Jarred habang inaasar niya si Kent

"Wag ka kasing feeling gwapo pre ayan tuloy ang aga mong mapahiya" tumatawang sabi ni Miguel kay Kent

"Baby ohh inaaway niya ako" sabi ni Kent kay Miguel at naupo sa tabi nito

"Pre kadiri ka kilabutan ka nga nababakla ka na naman sa kagwapuhan ko eh" mahangin sabi ni Miguel

"Alam naman natin kung sino talaga ang pinaka gwapo dito at ako yun" singit ko abat hindi pwedeng sila lang yung maging conceited dito dapat ako rin

"May naririnig ka bang nagsasalita?" tanong ni Kent kay Miguel

"Wala baka yung aso diyan sa labas hahaha" sagot ni Miguel at agad na tinapos kumain

"Baby oh inaaway nila ako wag mo silang ipagluto mamaya ng hapunan" sumbong ko kay Jarred

"Bilisan mo na diyan at baka malate pa tayo" sabi ni Jarred at tumayo na

"Hindi mo na talaga ako lab" kunwaring paawa ko sa kanya pero kinuha niya na ang bag niya at lumabas na ng bahay.

Minadaling kong tapusin ang agahan ko at lumabas na rin ng bahay. Naabutan ko pang nag yoyosi si Jarred dun kaya nilapitan ko ito at tinampal ang kamay niya kaya napatingin naman sa akin ito ng masama.

"Sabi ko naman sayo eh tigilan mo na yang pagyososi kung gusto mo JR ko nalang gawin mo yosi" seryosong sabi ko sa kanya

"Eh kung putulin ko yang ano mo at ipakain sayo" sagot niya

"Edi wala ka ng microphone tuwing gabi mahilig ka pa namang kumanta baby yung favorite song ko yung palagi mong kinakanta yung ahhhh bilisan mo pa baby ahh-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong batukan

Napalakas yung batok niya sa akin halos masubsob ako ako sa semento eh.

"Arayyy naman baby palagi mo nalang akong sinasaktan" sabi ko habang hinihilot yung batok ko

"At mas masasaktan ka pa pag hindi ka tumigil diyan sa kamanyakan mo" sabi niya at naglakad na palabas ng bahay

Kaya sumunod nalang ako sa kanya palabas. Naghintay kami ng jeep. Mga ilang minuto din kami bago nakasakay hindi ko na muna kinulit si Jarred at nilabas ko nalang yung notes ko dahil final exam na namon for 1st sem. Ang bilis lang ng araw at isang sem nalang graduate na kami nila Jarred at Kent.

Pagladating namin ng university ay agad kaming dumeretso ni Jarred sa room namin andun na rin si Kent magkakablockmates kaming tatlo.

Umupo na kami sa kanya kanyang upuan at hindi na kami nagkibuan at nag self study ilang minutes nalang at magsisimula na ang exam namin pero dahil hindi ako masyadong nakapag review sa bahay ay nag double time nalang ako dahil ayoko rin namang bumagsak dahil baka mapatay ako ni Jarred at mas worst ng parents ko.

My Hot Housemates Series 2: WHAT IF IT'S US [ON GOING]Where stories live. Discover now