Kabanata 24

390 44 1
                                    

Tulala ako pagbangon. Nakakapanibago dahil wala si Kashro sa aking tabi paggising ko. Bumuntong hininga ako at hinanda ang sarili bago lumabas ng silid. Suot ang kulay pilak na mahabang saya, tahimik kong tinahak ang pasilyo palabas ng palasyo.

Nilugay ko ang aking buhok, saglit na nahawakan ang kulot na dulo nito. Mas maganda pa rin ang buhok ni Ariela dahil ang kaniya ay kulot lahat. Inipit ko ang ilang takas na buhok sa aking tainga at ngumiti.

Napatigil ako sa paglalakad nang nakita si Astro na nakahilig at tinitingnan ang mga nakasabit na painting. Dumapo sa akin ang mga mata niya, bumagsak iyon sa aking suot. Pagkatapos ay tumayo siya ng tuwid at hinintay akong makalapit.

"Gusto mong makita ang talon?" panimula niya agad bago ko pa matanong kung bakit siya nandito.

Umawang ang labi ko at saglit na natulala bago marahang tumango. Mukhang kailangan ko ang tanawin na iyon para mapanatag ang aking isipan.

Sa harap ng talon kung saan nahuhulog ang tubig, nakatayo kaming dalawa at tahimik itong pinagmamasdan. Binigyan ako ni Astro ng oras para makapag-isip pa. Nasa gilid ko lamang siya, tahimik na naghihintay.

Ang totoo gusto kong umiyak. Tila hindi sapat ang mga luha ko kahapon. Hindi lingid sa akin na ginagawa ni Kashro ang bagay na iyon sa mga babae noong hindi pa kami nagkikita. Pero masakit pa rin pala noong nalaman kong nagawa nila iyon ni Ariela.

Pero kailangan ko munang makatiyak. Hindi naalis sa aking isipan ang sinabi ni Kashro kahapon. Kung gawa-gawa lamang ng prinsesa ang bagay na iyon, hinding hindi ko siya mapapatawad.

"Kailangan ko nang bumalik sa palasyo." pamamaalam ko sa prinsipe na tahimik lang.

Sa totoo lang nagpapasalamat ako sa kaniya na nandito siya sa aking tabi, ngunit hindi ko kailangan ng karamay ngayon. Huminga ako ng malalim at tinalikuran na siya.

"Alam mo bang gusto kita." natulos ako sa kinatatayuan pagkarinig sa kaniyang sinabi, "Hindi... gustong gusto kita."

Umawang ang labi ko at gulat na binalingan ang prinsipe. May ngiti siya sa labi, ngunit malungkot ang mga mata.

"Prinsipe..." wala sa sariling banggit ko.

"Ang isang bampirang paniki kapag nakikita nilang walang makain ang kasama nila, ibinibigay nila kung anong mayroon sa kanila. Hindi iyon maunawaan ng mga tao dahil madami silang nakakain."

Huminga siya ng malalim at pinagpatuloy ang sinasabi.

"Hindi mo alam kung gaano ko kagusto ang agawin ka sa kapatid ko. Ngunit ayaw kong maging makasarili, alam kong hindi ka rin magiging masaya sa akin kahit anong gawin ko. Hindi ako tanga para hindi maunawaan iyon."

"Astro..." paos kong sinabi.

"Kung totoo mang mayroong kapareha, at kung sakaling makikilala ko ang akin sa takdang oras..." ngumisi siya, "Gagawin ko ang lahat para hindi siya masaktan."

Magsasalita sana ako pero inunahan na niya.

"Kapag nakilala ko ang aking kapareha, alam kong makakalimutan ko rin ang nararamdaman ko sa'yo. Kaya hayaan mo akong gustuhin ka. Hayaan mo akong tulungan ka sa oras na kailangan mo ng tulong. Hayaan mo akong gawin ang lahat para sa'yo. Pakiusap..."

Nilagpasan niya ako at iniwang tulala sa harap ng talon. Hindi ko maproseso ang lahat ng sinabi niya. Parang ayaw tanggapin ng utak ko. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko inaasahan ang bagay na iyon.

Pumikit ako ng mariin. Hindi ko gusto itong nangyayari.

Ilang minuto pa bago ako nagpasyang bumalik na ng palasyo. Ang plano ko kanina ay pumunta sa hardin para kumain. Ngunit sa lahat ng narinig ko kay prinsipe Astro hindi ko magawang kumain pa. Gusto ko na lang mahiga sa kama at magpahinga.

Sa pagpasok ng palasyo ay may nakasalubong akong lalaking nakaitim na pamilyar ang mukha. Bahagya akong natigilan pero sa huli ay nagpatuloy na sa paglalakad.

Naroon ang itinakdang prinsipe at pinapanood ang paglapit ko. Tuluyan ko nang nalagpasan ang lalaki ngunit nagsalita ito.

"Prinsesa..." ani niya.

Napalingon ako sa kaniya, "Bakit?"

Nanatili siyang nakatalikod sa akin. Taka ko siyang tiningnan. Pamilyar talaga ang lalaking ito sa akin. Sigurado akong nakita ko na siya kung saan.

May pinulot siya sa baba. Sinundan ko iyon ng tingin at nakitang nahulog ang pulseras na bigay ni Astro. Nakakapagtaka dahil hindi ko man lang iyon naramdaman.

"Ang pulseras niyo, prinsesa."

Ngumiti ako at lumapit sa kaniya para kunin 'yon, "Maraming salamat, hindi ko napansin na nahulog pala."

Isinuot ko 'yon at tiningnan ulit ang lalaki. Inaalala kung saan ko siya nakita. Nanliit ang mga mata ko. Nasa dulo na iyon ng aking dila, bakit ba di ko maalala.

"Prinsesa," rinig kong tawag ng itinakdang prinsipe.

"Kamahalan." yumuko ako sa itinakdang prinsipe paglapit niya.

Yumuko rin ang lalaki.

"Anong nangyayari?" tanong ng itinakdang prinsipe sa lalaki.

"Nalaglag ng prinsesa ang kaniyang pulseras, kamahalan. Ibinalik ko lang." sagot ng lalaki.

Nagtagal ng ilang sandali ang tingin ng itinakdang prinsipe sa lalaki. Inayos ko naman ng mabuti ang bigay ni Astro. Baka maiwala ko pa iyon.

"Tayo na sa loob, Ashanti." naglakad na ang itinakdang prinsipe pabalik ng palasyo.

Yumuko ako ng kaunti sa lalaki, "Maraming salamat ulit."

Naglakad na ako at sumunod sa prinsipe. Inaalala ko pa rin ang mukha ng lalaking iyon.

"Kamahalan, sino ang lalaking 'yon?" tanong ko sa prinsipe pagpasok namin sa palasyo.

Humalukipkip siya at hinarap ako, "Siya si Maru. Ang ikalawang prinsipe sa palasyo ng apoy."

Kapatid ni Milandro? Bakit siya nandito?

Book 1: Immortal Half (Mortal Series #1)Where stories live. Discover now