Kabanata 34

380 43 2
                                    

"Ayon! Cotton candy!" Itinuro ko sa kaniya ang nagtitinda ng cotton candy na pinagkakaguluhan ng mga bata at matatanda.

Kakalingon niya lang doon ay hinila ko na siya. Maraming bumibili kahit gabi na kaya medyo mahaba ang pila pero kaya ko naman kaya pumila kami ni Kashro sa hulihan.

"Ang haba ng pila. Sa unahan na tayo." bulong niya.

Sinipat ko siya, "Pumipila sila ng maayos kaya pumila rin tayo ng maayos."

Bumuntong hininga siya tsaka tumayo ng tuwid sa gilid ko, "Okay."

Masaya kong hinintay na maubos ang tao sa unahan para makabili na kami. Natikman ko na ang cotton candy minsan noong nag-uwi si Risa sa bahay. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang lasa.

Nang sa wakas ay kami na ang bibili tsaka ko pa lang naalala na wala pala kaming pera ni Kashro.

"Kashro-"

"Magkano?" tanong ni Kashro.

"May pera ka?" gulat kong tanong.

May ipinakita siyang pitaka na sobrang dami ng lamang pera. Nanlaki ang mata ko sa gulat.

"Saan mo nakuha 'yan?"

Lumapit siya sa akin at bumulong, "Sa kubo ni Astro. Pera niya 'to pero hiramin ko muna."

Natapos na ang nagtitinda sa paggawa ng cotton candy. Dalawa 'yon at malalaki. Ibinigay niya sa akin ang isa at kay Kashro naman ang isa. Pagkatapos ay nagbayad na si Kashro. Mabuti na lang talaga at dati pa siya nagpupunta sa mundong ito, kung hindi ewan ko na lang kung saan kami pupulutin.

Umupo kami sa sementong upuan at sinimulan kong lantakan 'yon. Natutunaw na mismo sa aking bibig. At sadyang napakatamis!

Binalingan ko si Kashro at nakitang tinititigan niya lang ang kaniya. Hinintay ko siyang kainin 'yon pero hihintayin niya yatang matunaw sa kakatitig niya.

"Hindi mo kakainin? Sana sinabi mong ayaw mo para naghati na lang tayo."

Tumingin siya sa akin at ngumiti, "Kakainin ko."

Pinanood ko siyang nag aalinlangan sa pagtikim. Umawang ang labi ko at naghintay sa kaniyang reaksyon. Nagsalubong ang kilay niya.

"Ang tamis ng bulak na 'to."

Tinawanan ko siya, "Masarap?"

Tinanguan niya lang ako. Tinikman niya pa 'yon hanggang sa pinabayaan ko na siya at inubos ko na ang akin. Ang daming tao kahit na gabi. Ganito pala sa mundo ng mga tao. Hindi ba sila natutulog? Kung sa bagay baka maaga pa para matulog.

Anong oras na kaya? Sa mundo ng mga immortal walang halaga sa amin ang oras. Ang tinitingnan lang doon ay ang pagsikat at paglubog ng araw.

Magkahawak kamay kami habang papasok sa malaking mall. Napakaliwanag ng ilaw at tingin ko ay hanggang langit na ang gusaling iyon. Pinatigil kami ng mga lalaking nakaputi at tiningnan kung may dala kaming kahina hinala.

Bahagyang nagtagal ang tingin ng isa sa suot ko bago nila kami hinayaang makapasok. Kung kanina ay may mga tao, ngayon ay mas marami pang tao akong nakikita na pakalat kalat sa loob ng mall.

Ginalugad ng mata ko ang buong loob. Ang bawat pasilyo, mga hagdan na gumagalaw, at 'yong kakaibang silid na tumataas at bumababa. Ano 'yon? Pamilyar sa akin, nakita ko na yata 'yon sa tv.

"Kashro, anong tawag doon?" tinuro ko ang umaangat na silid, kita ang mga taong sakay no'n mula rito sa baba.

Tiningnan 'yon ni Kashro, "Elevator."

Napatango tango ako. Sabi ko nga elevator. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Lihim akong kinabahan nang humakbang siya papunta sa hagdan na gumagalaw pataas. Humigpit ang hawak ko sa kamay niya kaya napalingon siya sa akin.

Book 1: Immortal Half (Mortal Series #1)Where stories live. Discover now