Chapter 03

386 7 0
                                    

______________

Hindi talaga ako nakatulog! Ilang beses kong sinubukan pero wala, e. Baka gustong mag-patusok ng mata ko?

"Bakit gising ka pa?" Nag-alalang tanong ni Shaina.

"Kasi dilat pa mga mata ko--aww!" Reklamo ko nang bigla niya akong batukan.

"Wala ka talagang kuwentang kausap!"

"Psh! Ano ba'ng gusto mong marinig?"

"Hindi ka makatulog dahil may iniisip ka?" Napa-irap nalang ako.

"Daming alam sa buhay! Sino naman ang iisipin ko?"

"Si Leo." Nakangisi niyang sagot.

"Asa ka!" Irita kong sagot. Pero ang totoo, iniisip ko talaga kung ano ba ang meron sa pamilya niya?

Kung ano ang trabaho ng pamilya niya?

"Sus! Sinasabi ko sa 'yo, kung maaari lang...iwasan mo siya, Chin."

"Paano ko gagawin 'yon kung nandito siya minsan?" Nagtataka kong tanong.

"Anong minsan? Siya ang paborito ni daddy, kaya madalas talaga siyang nandito." Kumunot ang noo ko sa naging sagot niya.

"Ganoon naman pala, e. So, paano ko siya iiwasan?"

"I don't know. Hayst! Ayaw ko lang naman na ikaw ang pag-initan ni tita." Bumuntong-hininga muna ito bago sulyapan ang maliwanag na buwan.

"Ano naman?" Mahina siyang natawa sa naging sagot ko.

"Baliw! Hindi ka ba nag-iisip? Kapag pinag-initan ka niya, ekis kana sa Xavier College." Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. "Bakit ganiyan ang itsura mo? Don't tell me....wala kang alam sa Kung sino-sino ang shareholders ng Xavier College?" Hindi ko makuhang sumagot.

Wala naman talaga akong alam sa school na iyon. Ang alam ko si tita Myena ang may gusto na mag-aral ako rito. Sabi niya, isa 'to sa maganda at sikat na paaralan dito sa Manila.

"Baliw ka nga! De Centivanez talaga ang isa sa may malaking shares sa Xavier College." Paliwanag niya.

"Ahh..."

"Iyan lang ba masasabi mo?" Gulat niyang tanong.

"Oo naman. Pareho lang naman kayo ng katayuan sa buhay---"

"Gaga! May mga restaurant sila. Hindi lang 'yon, si Mr. De Centivanez ang present mayor dito ngayon." Tumang-tango lang ako. Ang yaman nga nila.

"Kaya naman pala ganoon ang mga sinabi niya."

"Nino?" Umiling lang ako rito. Hindi ko ugaling i-kuwento ang mga bagay-bagay na naririnig ko. Lalo na kung puwede itong makasira sa isang tao.

"What about Cindy?" Hindi ko alam kung OA ba talaga itong si Shaina o sadyang hindi kapani-paniwala ang tanong ko?

"Seriously, Lauren Shane? Hindi ka ba nanonood ng news or what? Si Cindy ang nag-iisang anak ni Gov. Joaquin Tolentino. Isa sa mga spoiled na akala mo kung sinong batas." Naiinis niyang sagot.

"Close kayo?"

"No! Mas gusto ko pang mag-isa kaysa maging kaibigan ang isang iyon. Tss!" Mahina akong natawa sa sinabi niya.

"Galit?"

"Hindi, ha? Kaya ikaw Lauren, lumayo-layo kana riyan kay kuya Leo, may pagka-baliw pa naman si Cindy."

"Baliw o baka naman judgemental kalang?" Gusto kong matawa nang inis niya 'kong sulyapan.

"Hindi ko ugaling manghusga, Chin, pero...may mga babae siyang sinaktan dahil lang sa nagseselos siya o naghihinala." Naiinis niyang kuwento.

Long story short, I survived (COMPLETED)Where stories live. Discover now