Chapter 23

832 11 3
                                    

Simula nang makita ko si Faith at Leo, ginawa ko talaga ang lahat para kalimutan siya. Burahin siya sa buhay ko. Tapos na akong umasa dahil masaya naman siya, e.

Mahirap, Oo.

Pero naniniwala ako na kapag may pamilya na ang isang tao, hindi muna kailangang umasa pa. Na kailangan mo talagang mag move forward para hindi makasira ng isang masayang pamilya.

At ganoon talaga ang ginawa ko. Na kahit gaano ko siya kamahal, hindi umabot sa puntong gusto kong makasira nang pamilya. Na ibaba ang sarili ko para lang sa taong iyon.

Love?

Hindi matatawag na pagmamahal iyan kung may mga tao kang masasaktan at maaapakan. Wala rin tayo sa movie na kailangan nating i-tolerate ang alam nating mali. Lalo na kahit alam nating mali iyong ginagawa ng bida pero, naniniwala tayong...ganyan na iyan dahil iyon ang role niya.

Muli akong napabuntong-hininga habang tahimik na nakatitig sa kawalan. Masyadong malaki ang mundo namin ni Leo, simula nang maghiwalay kami, hindi ko inisip na magkikita kami o muling magtatagpo ang landas namin. Nandito ako sa Cagayan, samantalang nasa Manila naman siya.

Pero nakalimutan kong anak siya ni Mrs. Del Barrio De Centivanez, ang isa sa pinaka-mayaman hindi lang sa probinsya kung hindi pati sa buong Cagayan De Oro.

Kaya sino ba naman ako para umasa?

Hindi rin ako iyong babaeng luluhod sa lalaki o maghahabol, lalo na at alam kong may anak na ito. Sumira nang pamilya? Iyan ang isang bagay na hinding-hindi ko gagawin.

"Leo, may trabaho pa ako." I said. I keep myself busy because I don't want to talk to him.

"I know your avoiding me." Malungkot niyang sabi. Muli ko siyang tinalikuran. Walong araw na ang nakalipas magmula ng mag-usap kami. Nagsimula na rin ako sa trabaho ko kaya mas malaya na niya akong napupuntahan.

"You're married." Paalala ko sa kaniya. Pumasok na ako sa loob ng opisina.

"I'll wait here!" Rinig kong sigaw niya. Hindi ko nalang pinansin iyon at inabala nalang ang sarili ko.

"Oh? Bakit nakasimangot kana naman diyan?" Natatawang tanong ni Benjie. Nilapag niya sa mesa ko ang dala niyang kape.

"Pagod lang." Pagdadahilan ko. Pinaningkitan niya ako ng mata.

"Nag-away kayo nung nobyo mo?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Wala ako nun." Tipid kong sagot.

"Eh? Sino iyong laging naghihintay sa 'yo sa labas?" Nang-aasar niyang tanong. Malalim akong bumuntong-hininga.

"Wala iyon." Mukhang nakuha naman niya ang gusto ko dahil agad siyang nanahimik. Ayaw ko rin naman na pag-usapan si Leo.

"Pasensya na. Sige at may trabaho rin ako." Marahan akong tumango rito. Muli kong sinulyapan ang mga papel na kailangan kong tapusin ngayong araw.

Minsan ay madami akong kailangan tapusin, minsan naman ay wala akong ginagawa buong araw. Mabuti nalang at madami ngayon dahil kailangan kong maging abala.

Napasandal ako sa likod ng upuan ko nang makaramdam ng pagod. Sinulyapan ko ang orasan na nasa taas ng pintuan. 12:15 pm na pala.

"Hindi ka pa kakain?" Saktong dumating si Benji. Tumayo ako at muling sumilip sa bintana.

"Nandiyan pa siya. Hindi pa rin umaalis." Sagot ni Benji. Mukhang kilala niya kung sino ang sinisilip ko dahil nndoon pa si Leo, tahimik na naghihintay sa labas ng opisina.

"Ano nalang ang kakainin mo. Ako na ang bibili tapos dito kana kumain." Nakangiting sabi ni Benji. Gusto kong tumanggi pero alam kong mas gusto kong gawin ang sinabi niya.

Long story short, I survived (COMPLETED)Where stories live. Discover now